Angelina to the Rescue!

251 12 0
                                    

Eric's POV

Ilang araw na din na nandito lang ako sa bar,mag inom at sumayaw kumanta para makalimutan ang nangyari. Pero ansakit sakit parang hindi ko kayang mawala ang aking mahal. Saan ko ba siya pwedeng puntahan,ilang araw ko na siyang tinatawagan pero hindi ko siya macontact nagpunta ako sa dating bahay nila pero wala na talagang tao doon. Minsan nilalapitan ko si Yang pero hindi din niya alam kung ano address ni Angelina. Hindi din kami nagpapang abot sa studio isang beses pero iniwasan niya ako.

Kino comfort ako ni Marga pero mas pinipili ko na huwag na ma involve sa kaniya sabi niya kakausapin niya si Angelina. Mas okay siguro na magkaayos sila and san magkaayos na sila masaya na ako duon.Nararamdaman ko na ang pagkahilo ko dahil nakailang bote na akong alak simula kaninang 5 hanggang ngayong 9 ng gabi kung minsan naabot ako ng umaga dito.

Nagulat naman ako ng mag ring ang phone ko,kaya agad ko itong tiningnan at si Yang ang natawag

"He-llo"
Nabubulol kong saad sa kaniya

"Hello Eric,uyy lasing ka ba?"
Nag aalalang saad niya sa akin

"hin-dii na-man nakai-nom lang"
Bulol na talagang ako

"Ano ka ba,baka magalit si Angelina niyan sayo?"
Naiinis niyang saad

Natawa ako sa sinabi niya at rinig ko sa kabilang linya ang pagkabigla niya ano naman kung magalit siya ay hindi naman na bago iyon kaya nga nag iinom ako dahil galit siya sa akin.

"Hahaha ano pa bang bago doon Yang,hindi ba nga matagal na siyang galit sa akin. Wala na nga akong magawa eh para maibalik siya kaya nga ako naglalasing para makalimutan ang sakit. Sobrang sakit Yang,alam mo yung nagababayad ka sa kasalanan na hindi mo naman talaga ginawa. Kahit anong paliwanag ko sa kanya wala na siguro talaga. Ansakit yang sobrang sakit parang hindi ko kayang mawala siya sa akin. Hindi ko alam kung saan siya pupuntahan wala akong contact sa kaniya. Ilang araw na akong nabalik sa bahay nila dati pero wala siya doon"
Tuluyang kumawala ang luha sa aking mga mata habang kausap ko siya

Rinig ko naman ang hikbi niya na parang dinadamayan ako sa pinagdadaanan ko.

"Ano ka ba Eric,wag kang sumuko alam ko na mahal ka ni Angelina and hindi ka din niya kayang mawala. Tingin mo ba sa pag iinom mo na iyan mababalik mo siya. Bakit hindi ka gumawa ng paraan para maiblaik mo siya sa iyo."

"Para ano pa Yang?knowing na bumalik na si Ryan sa kaniya,masaya ako para sa kaniya"
Mahirap magsinungaling pero kailangan para mapaniwala ko ang sarili ko

"Anong si Ryan,wala ng sila Eric alam mo yan at matagal na. Ikaw  lang ang mahal ni Angelina alam ko yun dahil kaibigan niya ako,wait nasaan ka ba at pupuntahan kita baka kung ano pa mangyari sayo"
Nag aalalang saad niya sa akin

Pero naputol ang pag uusap namin ng my sumuntok sa akin galing sa kabilang table naibagsak ko naman ang cellphone ko. Agad akong tumayo at hinarap ang lalaki

"Ano bang problema mo ha"
Agad ko namang pinaliparang ng suntok ang lalaki na mas bata sa akin

Akmang susuntukin ako ng mga kasamahan niyang mas matanda sa amin ay biglang my sumalo ng kamao na tatama sa akin at babae siya,sobrang galing niyang makipaglaban. Nabigla ako ng myumalalay sa akin papalayo sa mga nag aaway at si Yang iyon.

"Pa-ano mo nal-aman na nandito ako"
Nag uusisa kong tanong sa kaniya habang palabas kami ng bar

"Huwag ka ng maingay,kanina ka pa namin hinahanap,mabuti at nakita namin ang sasakyan mo dito sa labas ng bar na ito. Kinuha niya ang susi ng sasakyan ko at ipinasok na ako sa loob.

"Sin-ong kami at bak-it dito mo ako inupo sino magdadrive"

Sinarado niya ang pintuan at nagulat ako ng my umupo sa driver seat na nakaitim siya yung nakipaglaban sa loob kanina ha.

"Angel...

"magpahinga kana at huwag umimik"
Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

Sa sobrang lasing ko ay hindi ko na nakuhang magtanong pa sa kaniya dahil naliliyo ako at dahil ng suntok na aking natamo kanina. Natitigan ko na lamang siya and gusto ko siyang yakapin pero napaka seryoso niya lang at wala kang makikitang emosyon sa mukha niya. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako habang nagdadrive siya.

TILL THE END Where stories live. Discover now