Christmas Party

266 13 0
                                    

Ito na nga at maaga ako nagising dahil ngayon ang Christmas party namin sa Q's Hotel and kailangan maaga ako pumunta dahil pinagbilin sa akin ang pag hohost kasama si Mark at Maxine.

Agad naman akong nakarating sa Hotel and nandun na sila Mark at ilang minuto pa ay magsisimula na. Halos dumadami na din kami and yung ibang bisita ni Sir na ang iba ay familiar at singers.

This is our moment medyo kinakaban na ako,pero bahala na.

All I want for Christmas is you.... 🎶🎶🎶

"Ito pong susunod kong kakantahin ay isa sa pinaka gusto kong kanta ng iniidolo kong si Ms. Regina Luna so sana po magustuhan ninyo"
Ani ko na nakangiti sa harap ng maraming tao

You are one of the few things worth remembering and since its all true how could anyone mean more to me than you 🎶🎶🎶

"Thank you po"

"Napaka galing talaga ni Angelina,palakpakan naman po natin siya"
Nakangiting saad ni Mark habang papalapit sakin

"Yes naman Mark,thank you po ulit and sa pagbibigay ng tiwala and pagkakataon na makantahan kayong lahat"
Ani ko sa mga tao na nagpapalakpakan

"Grabe ka Gel,and now ngayon meron pa tayong isang guest na pihadong masusurprise kayo kung sino and Gel ihanda mo ang sarili mo dahil baka dito ka mahimatay"
Nagkatawanan naman kami

"Wow sino ba yan Mark at mahihimatay ako?
Ani ko na nagtataka kung bakit nga ba ako mahihimatay haha

"Sabi mo e,so guys please welcome Ms.Regina Luna"
Sigaw ni Mark at nakatingin sa akin

Napatulala naman ako nung lumabas si Ms.Reg para bang tumigil ang mundo,bigla naman akong hinila ni Mark dahil makanta na si Ms.Reg

Grabe nakatitig lang ako sa kanya habang pinapanuod siya sa entablado at halos hiyawan ang mga tao sa galing niya magtapon ng high notes.

After ng program ay party party na ang lahat magkakasama kami nila Jon,Mark,Yang and Ms.Reg sa table

"Hi Angelina right?"
Nakangiti niyang saad sa akin

Grabe kinakabahan ako at para bang ayaw bumuka ng bibig ko,bahagya naman akong kinulbit ni Yang para makaimik

"Ah-h hello po,tama po ako nga yun"
Nabubulol kong sagot habang nakatitig sa ganda niya

"You know what Jon is right magaling ka ngang kumanta and you're so beautiful"
Aniya na nakatitig lang sa akin

"Ayy hindi naman po,kayo nga po itong maganda and magaling kumanta"
Ani ko na nahihiya pa

"Magaling po talaga yan si Gel,kaso takot na lumaban sa contest"
Ani Mark na parang nambabara pa

"Oo nga po Ms.Reg,idol na idol nga po kayo niyan and halos lahat ng songs niyo ang kinakanta niya diba Gel"
Dagdag pa nito habang mypang asar na tingin sa akin

"Ahh hehe ganun na nga po,pasensya na po kayo maiingay po sila"
Nagkangitian kaming dalawa na para bang ang gaan sa pakiramdam

"Alam mo you look so familiar nga e,have we met before?"
Aniya na nag iisip

Nagtaka naman ako baka nung unang kita niya sa akin nung sa CS

"Ahh opo nung sa CS?"
Ani ko na nakangiti

"yeah,but in other place?"

"Hindi naman po"

Napaisip naman din ako. And after naming kumain ay nagkaayayaan mag inuman,hindi ko naman ineexpect na malakas din pala si Ms.Reg uminom myghad.

Halos kwentuhan lang at inuman ang ginawa namin and malakas na music ang bumabalot sa paligid.Medyo nahihilo na din ako at para bang nakakaramdam ako ng sakit dahil narinig ko na naman ang themesong namin ni Ry,yung This I promise you. Parang gusto ko sumigaw at magwala dahil lahat bumabalik. Sabi na kasing wag na uminom.

"Yang!!!"
Sigaw ko na parang nabigla naman ang lahat sa table

"Gel bakit?okay ka lang ba?"
Aniya na nag aalala hindi naman kasi malakas uminom ito at laging bantay ko pag nakakainom ako.

"Grabe yung mga boys diba napakawalang kwenta,pagkatapos kang iwan magahahanap ng iba pweee dapat hindi na nabubuhay mga ganung tao!!!"
Sabay tayo ko naman

"Gel ano ka ba lasing kana!,san ka pupunta"
Nag aalala namang saad ni Yang at sinundan si Gel na pupunta sa gitna para sumayaw

"Ooohhhh tara magparty"
Lasing na lasing ang bruha dai gusto magwala

"Mark,okay lang ba si Angelina sobra ata ang nainom sundan mo na sila at ibalik dito"
Ani ni Ms.Reg na nag aalala para kay Gel

"Naku ganyan po talaga yan,laki kasi ng pinagdaanan sa gagong ex niya kaawa nga po,wait lang po puntahan ko"
Agad naman na sumunod si Mark

Naiwan si Ms.Reg sa table dahil umalis si Jon para my emergency call sa Daddy niya. Habang nakatingin si Ms.Reg kay Gel papalapit sa kaniya ay naaawa siya na para bang gusto niya itong icomfort. Sobrang gaan ng loob niya dito.

"Hay nakuuu Gel,sa susunod talaga hindi na kita papayagan uminom!"
Galit at padamog na inupo ito ni Yang at Mark

"Gel,okay ka ba?
Ani ni Ms.Reg at nilapitan ito

"Hindi po,Hindi sobrang sakit pa din kahit antagal tagal na. Gusto ko siyang kausapin at sabihin kung bakit bakit bakit"
Sambit nito na nauutal dahil sa kalasingan at nawalan ng malay

Napatigil naman silang lahat at agad na inalalayan si Gel sa upuan

"Naku Gel,Mark samahan mo ako at iuuwi ko na si Gel. Kaso baka magalit si Mama niya sa bahay ko nalang muna kaya ito"
Ani ni Yang na nag aalala

"Mabuti pa nga Yang tawagan mo nalang ang mama niya,tayo na at ihahatid ko na kayo"
Ani Mark

"Ahh ako nalang ang mag aasikaso kay Angelina,sa bahay ko nalang muna siya tutal mga mukhang pagod na kayo,tayo na at ihatid natin sa sasakyan ko"
Ani ni Ms.Reg at tumayo na para pumunta sa parking

Napatigil naman ang dalawa sa sinabi ni Ms.Reg at tila ba biglang bigla. Nagkatinginan pa bago sumunod sa parking

Nakauwi naman na ang lahat at napag paalam ni Yang si Gel kay Mama niya.Naging successful naman ang Christmas Party nila .

Ano nga ba ang nangyari kay Gel at sa ex boyfriend niya,sino nga ba si Ryan? Ano naman kaya ang magiging reaksyon ni Gel pag nalaman niyang siya ay nasa bahay ng idol niya?

Thank you sa pag babasa. Please do vote 😊💚

TILL THE END Where stories live. Discover now