Part Two

1K 20 0
                                    

HINDI maganda ang panahon habang bumabyahe sa Jo. May kaunting ambon kaya medyo basa ang daan. Wala ring masyadong sasakyan sa kalye. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman holiday.

Siguro dahil sa ambon. Na sa tingin niya ay lalakas pagsapit ng araw. Tinatamad lumabas ng bahay ang mga tao.

Malayu-layo rin ang subdivision nina Mae. Naka-kotse na siya pero tiyak na aabutin siya ng kulang-kulang isang oras.

Kakaiba ang gabing ito. Malamig ang hangin, dumadampi iyon sa balat ni Jo dahil nakabukas ng konti ang salamin sa kotse sa driver's seat. Madilim na ang kalangitan dahil walang buwan. Maging poste sa kalye ay ilan lang ang may ilaw.

Tiningnan niya ang relo. Quarter to twelve na.

Naaantok na si Jo. Wala rin naman siyang gustongg magpatugtog. Nakatuon lang ang atensyon niya sa kalsadang tinutumbok.

Isang daan ang naisip niyang daanan dahil alam niya madali siyang makararating sa pupunyahn kung dadaanan ito.

Ang ARELLENO STREET.

Ang MULTO sa Arelleno Street!Where stories live. Discover now