Part One

1.4K 28 0
                                    

Nanonod ng TV si Jo nang mag-ring ang telephone. Si Ken.

"Kumusta ang aking super sexy at magandang misis?"paglalambing ni Ken.

"Heto, namimiss ka na," sagot ng babae. "Dalawang gabi na akong walang kayakap."

Sumaya ang boses ng lalake. "Guess  what? Uuwi na ako bukas.

"Really? Bakit ang bilis naman yata?"

"Hindi naman pala gaanong matrabaho itong assignment ko rito sa Davao. Ibinilin ko na lang sa mga tao rito, kaya na raw nilang asikasuhin. Saka bigla rin akong ipinatawag sa head office."

"Gusto mo bang sunduin kata bukas sa airport? Kaya ko namang i-drive ang kotse."

"Thanks dear. Pero baka gabihin na ako ng uwi. Magtataksi na lang ako." Naglalambing ulit si Ken. "Ite-text na lang kita pag malapit na ako, mag-dinner nalang tayo sa labas."

"Good idea,"nasisiyahang sabi ng babae.

Wala nang mahihiling pa si Jo sa relasyon nilang mag-asawa. Mayroon siyang mister na malambing, maalalahanin, at responsable. kung tutuusin nga, sinasabihan siya nito na magtrabaho ulit kung naiinip siyang mag-isa sa bahay. Mas gusto niayng maging isang plain house-wife na lang at mag-asikaso sa bahay.

Muling nagbalik ng panonood ng TV si JO. Maya-maya ay tumunog ulit ang telephone. Dinampot niya.

"Hello?"

Umiiyak ang nasa kabilang linya."Jo. . . "

"Mae. . . ? Ikaw ba yan?" naguguluhan niyang tanong.

"Wala na. .  si Hansen. . "tuluy-tuloy ang hagulhol ng nasa kabilang linya na halos magkadautal sa sinasabi.

"Ano'ng ibig mong sabihin. . .?"

"Iniwan na niya ako. . ."

Bestfriend at kaklase ni Jo si Mae mula pa noong college days nila. marami na silang pinagdaananng problema sa kanilang magkaibigan.Kaya ang ganitong mga eksena ay nararamdaman na nilang pareho. Kung ano ang nararamdaman ng kaibigan, iyon din ang nararamdaman niya. (WOW! daig pa ang magkapatid.)

"Dinala na niya ang mga damit niya kanina. . "pahik-hikbing dugtong ni Mae. "Sasama na raw siya sa babae niya"

"Kapal ng muks no'n' ah!" Nag-init ang lalamunan ni Jo. Humigpit ang pagkakahawak niya sa telepono.

Matagal na rin niyang kakilala si Hansen. College days pa lang ay nanliligaw na ito sa kanyang kaibigan. Sa katunayan, mahigit isang taon din itong sunod ng sunod kay mae noon bago nito tuluyang sinagot.

Mabait naman si Hansen. Marami nga itong magagandang pangako sa kanyang kaibigan nang maging mag-asawa na ang mga ito. Nariyan na regaluhan ito ng magandang bahay sa isang disenteng subdivision at ipasyal sa Singapore. Tinupad lahat iyon ni Hansen.

Pero sa loob ng dalawang taon, isa lang ang naging problema nilang mag-asawa. hindi raw magkaroon ng anak ang mga ito. nang magpasuri sa mangagamot, napag-alaman na si Maae ang may diperensya.

Parang iyon na yata ang naging dahilan kung bakit  nanlamig sa relasyon ng dalawa si Hansen. Natutot na itong umuwi nang lasing. Minsan pa nga, tatlong araw na hindi umuuwi. At galit pa ito kapag tinatanong kung saan nanggaling.

Malakas ang kutob ni noon niMae na may ibang babae ang kanyang asawa. Dahilan iyon kaya hindi na naging maayos amg pagsasama ng dalaw. Nagsasama na lang ito dahil sa isana kasulatan at hindi dahil may pagmamahal pang namamagitan.

Alam ni Jo ang lahat ng ito.Siya kasi ang takbuhan ni Mae, siya ang sinusumbungan at iniiyakan nito.

"Gusto ko nang mamatay, Jo . . ." nanginginig na sabi ni Mae.

"What?" napamulagat na sabi ni Jo. "Gaga ka ba? Dahil lang sa isang walang kwentang lalake. . . ? Tumigil ka nga dyan!

"Mahal na mahal ko siya, Jo. Kahit madalas kaming nag-aaway, hindi ko yata kakayanin na mawala siya sa akin. . . " huma-hagulhol na naman si Mae.

"At dahil dyan ay magpapakamatay ka?" natatawa ma si Jo pero nakaramadam din siya ng takot. Paano kaya kung gawin iyon ng kanyang kaibigan?

"Ewan ko, hindi ko alam. Naguguluhan ako .. "

Matagal na katahimikan. May awa sa tinig nang muling nagsalita si Jo. "Pupuntahan kita ngayon . . . huwag kamg aalis . . diyan ka lang . . ."

"Pupunta ka rito? . . "

"Oo. . diyan na ako matutulog. Sasamahan kita ngayon gabi," tiningnan niya nag wall clock, mag-aalas onse na ng gabi. "Andito naman ang car. kaya kong mag-drive kaya don't worry."

Nagbihis lang siya sandali. Tapos ay tinawagan ulit ang kanyang kaibigan. "Paalis na ako rito sa bahay. Wala pa siguro isang oras nandiyan na ako. dyan ka lang ha, ipagluluto kita. Mag-midnight snack tayo," pam-palubag loob ng kaibigan.

Ikinanadado niya ang bahay. Sumakay sa kotse. Ngunit bago paandarin, nag-text muna siya sa asawa. Luv, kna Mae muna ako mattlog ngyong gbi. My prblem sya e. Mwwaah.

Mabilis naman na sumagot ang asawa. Ok tke care. Luv u.

Ang MULTO sa Arelleno Street!Where stories live. Discover now