M A Y B E T H I S T I M E

52 7 35
                                    


•Plagiarism is a Crime! •

[Maybe this Time - lukyunghanxxx ]

"Kung noon.. hindi pwede. Kung noon.. bawal. Siguro naman ngayon.. pwede na? Siguro naman ngayon.. ako pa rin, 'di ba? " - Kyrsten Joy Luna

×××××

Kyrsten Joy Luna

8 years had passed since we parted ways. It's been eight years since he left. It's been eight years.. yet I'm still inlove with the man I met in 1996.

I'm Kyrsten Joy Luna, a 25 year old girl. A freelance model at Janelyn Clothing Line. Unica iha sa pamilya namin. Isang Perfume company ang pinapatakbo ng mga magulang ko.

Hindi kami ganoon kayaman. Siguro nakaka-angat lang sa buhay.

"Wala ka na bang ibang balak gawin maliban sa pagtitig diyan sa singsing mo? Hala sige teh! Tunawin mo! " napasimangot na lang ako dahil sa sinabi ng kaibigan kong si Thelina.

Isa rin s'yang model kagaya ko.

"Anong gusto mong gawin ko? " tanong ko bago ako tumayo sa pagkaka-upo. Dumiretso ako sa counter at bumili ng Ice cream dito sa 7 Eleven.

"Ang gusto ko lang namang gawin mo, kalimutan mo na siya. Look girl, it's been 8 years! " aniya. Humarap ako sa kaniya bago s'ya inirapan.

"Eh bakit ba? Sa mahal ko yung tao eh. " saad ko. Haharap na sana akong muli sa counter ng hawakan n'ya ako sa magkabilang balikat ko at sinimulan akong yugyugin.

"Hello?! Kyrsten to Earth! Gumising ka na oy! Huwag kang managinip ng gising diyan! Nakakalimutan mo na ba? May Fiancé na yung tao! " saad n'ya.

Kailangan ipangalandakan? Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yon.

Sinamaan ko s'ya ng tingin. Tinampal ko ang dalawang braso n'ya para matanggal ang kamay n'ya sa pagkakakapit sa mga balikat ko. Masyado siyang maraming sinasabi.

Naninikip ang dibdib ko. Para may kumukurot sa puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya.. sa tuwing naiisip kong may iba na s'ya... ang sakit! Ang sakit-sakit!

Bakit gano'n? Hindi ba puwedeng isang araw pagkagising ko nakalimutan ko na siya?

Hindi ba puwedeng isang araw pagkagising ko.. wala na? Wala 'tong sakit. Wala na yung pagmamahal ko sa kan'ya..

"Salamat po. " saad ko ng makuha ko na ang Ice Cream. Nagbayad muna ako bago dire-diretsong lumabas habang si Thelina ay dada pa rin ng dada.

"Alam mo naman sigurong wala ka ng mapapala kay Nathan 'di ba? Hindi ka na n'ya mahal! O mas magandang itanong na, minahal ka nga ba niya? Well, alam mo naman sigurong magpapakasal na sila ngayong taon. " saad n'ya. Hindi ko s'ya pinansin, dire-diretso lang ako sa paglalakad patungo sa kotse ko.

Bakit ba ang sakit niyang magsalita?! Bakit ba ganiyan siya..? Ang prangka niya masyado, to the point na nakakasakit na yung mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Hindi ko mapigilan ang panggigilid ng mga luha ko habang nakatalikod ako sa kan'ya. Bawat salitang sinasabi niya, sinasaksak no'n ang puso ko.

Maybe this Time (one-shot)Where stories live. Discover now