Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)

Start from the beginning
                                    

And ayun na nga bigla ako kinabahan at natakot ng bongga talaga mga bakla, sino ba naman ang hindi. Kaya ang ginawa ko, di na ako bumalik. Hahaha lumabas na ako sa highway tapos umikot ako sa kabilang way para makabalik sa looban namin, baka kasi kapag dun ako dumaan ulit, baka sapakin na ako nung invisible specie na yun. ikinuwento ko yun kina mama at napagalitan pa ako kasi gala daw ako ng gala kaya nangyari sakin yun.

Di lang yun. E di, lumipas ang ilang months. Nakalimutan ko na yung sumabunot sakin. dumaan ulit ako eskinita, mga 8pm yata yun kasi bibili ako sa labasan, tumatakbo ulit ako nun kasi natatakot na ako e. Nang biglang may pumitik sa tainga ko! As in talaga! Di na ako nagduda at nagtaka kung ibang tao ba yun kasi sure ako na wala akong kasabay at wala akong masasalubong. Kaya ang ending, umikot na naman ako sa kabilang way which is mas malayo para makauwi samin at lesson learned. Di na ako tumatakbo pag dumadaan ako dun kasi naisip ko baka galit sa mga tumatakbo si invisible specie.

Yung specie na yun din ay namamato. Salbahe kumbaga. Makailang beses na akong dumadaan dun na laging may nambabato ng maliliit na bato at minsan buhangin. Di yun tao kasi madami na kaming mga taga looban na nakakaranas nun at madali mong malalaman kung may tao kasi magkakadikit yung mga abandonadong bahay kaya walang pagtataguan saka sigurado na malalaman namin kung sino yun kasi ang tagal nyang nantitrip dun sa eskinita. At siguradong bugbog yun kasi barumbado kaming mga taga looban. Kay Sensui lang ako tiklop! Hahaha Hanggang sa bigla na lang tumigil yung pamababato at pagpapakita ng babaeng nakaputi na na-encounter nina Kuya Ands (fyi, nagpapakita pa din yung babaeng naka-white dun, pero occasional na lang. Hahaha di palagi saka dun lang sa may mga 3rd eye) e nagkataon naman na undas nung panahon na na-encounter yun nina Kuya Ands and Lans kaya siguro nakita nila. Malakas yata sila kapag undas e.

So yun nga, natigil yung pamababato at si ateng naka-white nung nilagyan ng ilaw yung poste na nasa bukana ng eskinita palabas saka yung isa sa abandonadong bahay e natirahan na. 2 species na yung naipakilala ko sainyo. May 2 pa dun. Wait nyo lang.
Salamat sa lahat ng nagbabasa and totoong nangyari po ang mga ito na ikinukwento ko sainyo, dedma na lang sa mga bashers. Sana may sumabunot din sainyo. Hahaha char lang. Peaceee!

Part 3

May kapitbahay kami, si Aling Sasing. Yung bahay kasi nila ay yung unang bahay na makikita mo pagkalampas na pagkalampas mo sa eskinita papasok sa looban. Pero di pa yung bahay agad ha, may kalawakan ng konti yung bakuran nila tapos sa kanto nun may malaking puno ng Bungalon. Itong kwento na ito palabas na sa eskinita at alam ito ng lahat ng taga looban. Dahil si Aling Sasing mismo ang nagkwento.

Tanghaling tapat nung namili si Aling Sasing sa labasan, pero wala masyadong tao na masasalubong kasi sabado daw noon, walang pasok ang mga bata at nataon pang simula ng siesta. Wala naman daw kakaiba nung naglalakad na si Aling Sasing sa eskinita pero ang pinagtataka nya, bakit ang una nyang nabungaran imbes na yung bakuran nya, e talahiban daw. Malawak na talahiban at talagang matataas ang mga damo.

Sa punto pa lang na yun, alam na nya na napaglalaruan sya at siguradong nabubulong na (bulong - read as booolong, term na ginagamit sa probinsya namin kapag napaglalaruan ka. Yung naliligaw o di makauwi o di kaya ay nabago ang ruta na dati mo nang dinaraanan gawa mg mga engkanto). Pero ang ginawa ni Aling Sasing, naglakad lang daw sya ng naglakad habang nagdarasal at umaasa na bigla siyang makawala sa bulong, pero ang tagal-tagal na nyang naglalakad at nasa talahiban pa din daw sya. Napapagod na sya nun nang biglang may tumapik sa kanya sa likod at nakita nya si Tiya Marites na taga doon din sa looban. 

Nagtataka si Tiya Marites kung ano daw ang ginagawa ni Aling Sasing. Ayon aa kanya, kanina pa daw nya nakikita si Aling Sasing na paikot-ikot sa puno ng Bungalon na nasa bakuran nito. Nung una hindi nya pinansin kasi baka may ginagawa lang si Aling Sasing at ayaw nya itong maabala. Pero nung nakakailang ikot na si Aling Sasing, di na sya mapakali kaya tinapik na nya ito.

Ikinuwento ni Aling Sasing kay Tiya Marites na bago sya tapikin nito e kanina pa sya naglalakad daw sa talahiban na wala naman dun sa looban. Wala naman nang ibang nabiktima yung bulong, nagkataon lang siguro talaga na si Aling Sasing yung natyempuhan. Hahaha pero nadali na din ako nun pero saka ko na ikukuwento.

HALIMAW

Galing ang papa ko noon sa pamamasada ng tricycle, 1am na sya nakauwi sa bahay namin. Pero mga bandang 2am, di makatulog si papa kasi ang iingay daw ng mga aso at yung aso namin na parang lider ng mga aso sa looban e nag-iingay na, na parang gustong makalabas sa bakod. So ang ginawa ni papa, lumabas sya ng bahay at binuksan yung tarangkahan, saktong takbo naman ng aso namin papunta dun sa dulo ng eskinita.

Sa dulo kasi ng eskinita, may malaking puno ng Bungalon, pero nandon yun sa loob ng malawak na compound. Nagulat si papa kasi napakaraming aso ang nakatingala sa puno at tila ba may inaaway dun. Alam nyo naman yung mga aso, nakikita nila yung usually na di nakikita ng normal na tao.
Ang tantiya ni papa, nasa 30 na aso yung nakapalibot sa puno. Meron pa daw sa loob ng compound base sa ingay na naririnig nya. Yung aso namin yung pinakamalapit sa pader, (kasi yung pwesto ng puno ay nakadikit sa pader) kaya lumapit na din si papa kasi medyo malayo yung pwesto nya nung una. Naku-curious na kasi sya nun kung bakit at anong meron bakit nagkakaganun yung mga aso, to the point na pati yung mga aso na taga labasan e nandon na din.

Di pa nakakalapit masyado si papa nung bigla syang mapaatras dahil sa kaba at takot, dahil ayon sa kanya, nung papalapit na sya, may bigla daw umuungol na parang malaking hayop mula dun sa taas ng puno, at nung umuungol na yung kakaibang nilalang, lalong nagalit yung mga aso at tumakbo na si papa pabalik sa bahay dahil alam ni papa na hindi yun normal na hayop. Mula kasi sa taas ng puno, natanaw ni papa ang isang malaking itim na pigura na parang naglalaway.

Di na rin naman naulit yung pangyayari na yun pero isa yun na nakakakilabot daw na naengkuwentro ng papa ko dun sa eskinita.

Hindi ko din alam pero yung malalaki madami kasing puno ng Bungalon samin dahil na rin siguro sa malapit kami sa dagat. At halos lahat ng malalaki at matatandang puno ng Bungalon samin e may mga laman (may nakatira) o di kaya ay kagaya nga nung puno sa dulo ng eskinita, at puno ng Bungalon ni Aling Sasing, madalas matambayan ng mga kakaibang nilalang.

Taguro
❤ of the 🇵🇭

Scary Stories 5Where stories live. Discover now