Chapter 5

2.3K 40 4
                                    

After 3 months..

Nakauwi ng maayos si nic sa laguna. 3 buwan uli kaming ldr , 3 buwan na puro chat at 3 buwan na puro video call.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa victory liner upang bumyahe papunta sakanila. Birthday gift ko sakanya ang pag punta sakanila para makasama siya.

Mahaba haba din ang byahe it took me 12 hours bago ako makarating sa destination ko which is sa subdivision nila. Inabangan niya ako sa labas and then siya ang nagbuhat ng mga gamit ko papasok sa subdi. Habang naglalakad ay nag kwekwentuhan kami, maya maya may isang lalaki na nakabike ang biglang nagsabi sa akin ng "Hi welcome to laguna". Nginitian ko lang ito dahil sa nahihiya ako.

Agad kong tinanong si nic kung sino yon at ang sagot niya ay pinsan daw niya.

Nang makarating kami sa kanila agad niya akong ipinakilala sa lolo at lola niya , agad naman akong nag mano at bumati.

Nagkwentuhan kami hanggang sa gumabi na at medyo inaantok na ako kaya naman sumandal ako sa sofa at ipinikit ang mata ko

"Hindi ka jan matutulog uy" biglang sabi ni nic nung napansin niya ako.

"Alam ko" nakangiting sabi ko sakanya.

"Inaantok ka na?" Agad naman akong tumango.

Tumayo siya pagkatapos ay umalis at nag tungo sa pinakadulo na kwarto. Maya maya ay lumabas ito pagkatapos ay hinila ako papasok don.

"Tulog kana dito, maglalaptop lang ako" tumango naman ako pagkatapos ay nag shower saglit sa cr at nag tungo na sa kama upang matulog.

NAALIMPUNGATAN ako nung ginising ako ni nic upang mag midnight snack, nagulat ako kasi nandito pa din siya sa kwarto na pinagtutulugan ko, nanood ako sa nilalaro niya hanggang sa hindi namin namalayan na 2 am na pala.

"Tulog na tayo" nakangiting sabi niya . Agad naman akong tumango at humiga sa kama pero ganon na lang ang gulat ko nung humiga din siya sa tabi ko.

"So tabi kaming matutulog?" Medyo kinakabahang tanong ko sa sarili ko

"Goodnight, I love you" mahinang bulong niya

"I love you too, goodnight" nakangiting sagot ko. Agad kong inilagay ang unan sa pagitan namin pagkatapos ay natulog na ako.

KINAUMAGAHAN napag desisyunan namin na mamasyal. Dinala niya ako sa kung saan saan at kung ano ano din ang mga pagkain na pinatikim niya sa akin na bago sa aking panlasa.

Habang nag eenjoy kami puro picture. We didn't know that we're already creating a lot of memories.

"Tara don kakain" natatawang sabi niya. Agad naman akong nagulat

"Kakain nanaman?"

"Oo gusto ko tumaba ka para walang mang agaw sayo" natawa naman ako sakanya.

Habang naglalakad nagulat ako ng bigla niyang harangan yung mata ko nung may dumaan na nag momotor. Dahil sa pagtataka agad kong tinignan yung nag momotor pero sa gulong ako naka focus

"Oh titignan pa" nakasimangot na sabi niya

"Ha? Teka bat mo bakit mo hinarangan yung mukha ko?"

" ikaw eh, tinitignan ka nung lalaki na nakamotor tapos nung inalis ko kamay ko sa mukha mo tinignan mo pa " natawa ako sa sagot niya

"Possessive much? Haha ikaw lang naman love ko" napangiti naman siya sa sinabi ko.

Agad niya akong inalalayan papasok sa isang restaurant pagkatapos ay nag order siya ng fries,strawberyshake, nachos at sandwich.

"Grabe ang mahal naman ng pagkain dito" natawa agad siya sa sinabi ko.

"Madami eh hahaha" maya maya ay bigla itong tumayo pagkatapos ay lumipat sa tabi ko

"Teka bat dito ka ? Dun ka sa kabila" nakangiwi na sabi ko.

Ang style kasi ng table namin eh parang nasa bird nest na sa sahig nakaupo pagkatapos ay may sariling cage and may table sa gitna, may sandalan naman na malambot dahil medyo masikip yung lugar per nest kasya lang sa dalawang magkasintahan.

"Ayoko don, gusto ko sa tabi mo" Natawa naman ako . He's so clingy and possessive at the same time and that's what I like about him.

I think im starting to deeply fall for him .

Mr. ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon