"Si Benedict umuwi na?" Pag iiba nya sa usapan.

"Kagabi kaso di ko naabutan kasi tuluyan na syang umalis sa condo" madamdamin kong salaysay sa kanya habang hinihigop ang sabaw ng sopas.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong nya sakin at kinuha ang tubig na nasa tray sabay abot sakin.

"Di ko pa nga alam, Di ko alam kung ano ang gagawin ko sa hotel!" Ani ko at kinuha ang tubig na iniaabot nya.

"Dito ka ba ulit titira?" Nasamid ako sa kanyang winika.

"Ayos kalang?" Natatawa nyang tanong sakin.

"Oo ayos lang ako Piya, Sa ngayon di ko muna iniisip yung pagtira dito" ani ko

"Bakit naman? Mag kaka anak na kayo kaya pwede na kayong magsama" pagpapatuloy pa nya.

"Nicaaa" tawag ni Josh mula sa likuran ko.

Bumaling ako ng harap sa kanya, ngumiti sya sakin na agad ko namang ginantihan din ng ngiti.

"Kamusta na sina Don?" Tanong ko sa kanya.

"Nakipag coordinate na kami, nakita na yung katawan nila at kasalukuyan na nasa Ospital na sila" Ani Josh at nakipag beso sakin.

"Pupuntahan nyo?" Tanong ko sa kanya.

"Ako lang siguro" mabilis nyang sagot.

"Bakit?" Nag tataka kong tanong.

"Kasi susunduin ko lang naman sina Mame dun tas dito na sila magpapagaling" paliwanag nya.

Nakita ko ang pababa na si Jake at Jerome habang nakatingin samin.

"Nag breakfast ka na?" Tanong nya sakin at dahan dahang iginapang ang kamay paikot sa aking bewang.

"Oo tapos na" sagot ko sa kanya at medyo lumayo ng kaunti sa kanya ngunit mabilis nya din akong hinapit papunta sa kanya.

"Mag kaka anak na kayo pero nagkakahiyaan pa kayo sa isat isa" natatawang sabi ni Jake habang naka akbay kay piya.

Ngumisi lang si Jerome at hinila na ako paalis sa harapan ng kanyang mga kapatid.

"San ba tayo?" Inis na tanong ko sa kanya habang pa akyat kami sa hagdan.

"Aba tatlo na yan ha baka naman makagawa pa kayo" ani Jake na ikinatawa nina Josh at Piya. Habang si Jerome ay patuloy pa din ang paghila sakin.

Nilampasan namin ang kanyang silid na lalo kong ipinagtaka, dumiretso kami sa dati kong silid nung katulong palang ako sa kanila.

Bago nya pihitin ang doorknob ay pinapikit nya muna ako na sinunod ko naman.

"Open your eyes" malambing nyang bulong sakin.

Pagdilat ko ay hindi ko alam kung maiiyak pa ako o matutuwa sa nakikita ko.

Punong puno ito ng mga gamit para sa tatlo naming kambal sari saring mga pang baby na kagamitan ang nasa silid at pare pareho ito...

"Ako mismo ang nag ayos nito" masayang nyang sambit at niyakap ako galing sa likudan ko. Marahan nyang siniksik ang ulo nya sa mga leeg ko.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya habang hinihimas ang tiyan ko.

"Oo sobrang ganda nito Jerome" at tuluyan na akong napaiyak at napayakap sa kanya. Napakasaya ko parang kinukurot ang puso ko sa pinapakita nyang excitement na maging ama.

"Iloveyou DANICA" aniya at hinalikan ako sa noo.

Nginitian ko lang sya at lumapit ako sa mga gamit ng aking mga anak.

"Mas excited ka pa sakin" natatawa kong saad sa kanya habang nakatalikod.

"Danica?" Tawag nya sakin at paglingon ko lalo akong napaiyak ng makita syang nakaluhod.

"Will you be my WIFE?" seryoso nyang sambit.

Wala nang dahilan para tanggihan ko pa sya. Magkakaanak na kami at pinapatunayan naman nya sakin na karapat dapat na sya na maging ama para sa mga anak ko.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa mga kamay upang patayuin.

"Oo Jerome payag ako" masaya kong sagot sa kanya.

Tumulo ang luha nya sa mga mata at yinakap ako ng mahigpit.

"Salamat sa Chance na ito Danica para mapatunayan ko sayo at sa mga anak natin kung gaano kita ka mahal" Seryoso nyang sambit.

"Mahal kita Jerome" ani ko

"Hindi ko na sasayangin itong chance na ito Danica" at mabilis nya akong hinalikan sa labi.

Bumaba kami ng magkahawak kamay.

"Ano nakabuo ulit? Ang bilis ata ah" natatawang asar ni Josh

Itinaas ni Jerome ang kamay ko upang makita nila na nag propose sya sakin.

"Wow! Congrats again" natatawang saad ni Jake.

"Let's celebrate" ani Piya.

"Magsabay na kayo ni kuya jake magpakasal kuya Jerome" suggest ni Josh

Tumawa lang sina Jerome at jake at iginiya na kami palabas ng mansyon nila....

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now