At kinikilig ng bonggang bongga ang bruha!

“Maghunos dili ka nga! Nakakahiya ka!”

Lumapit sa amin si Andrew. At feeling talaga a… feeling nya a!!!! feeling hambog a!!!! Alam nya kasi na sya ang center of attention ngayon, and he is loving every minute of it.

“Hoy! BVakit kakalat kalat ka?”

Ano bang manners meron itong taong ito. Talagang hindi marunong bumati…

“Hello din Andrew. Good afternoon din. “ Pa sweet na sabi ko sa kanya at biglang ikot ng mata ko pataas…

“Ano naman ang nakain mo at bigla kang sumulpot dito sa school? At paano mo nga pala nalaman na dito ako nag-aaral?”

He smirked.

“I have my sources.”

Hmmmp talaga lang a.

“Hi bestfriend! Kamusta ka na? Long time no look a…”

“Hi Tanya.. “ He smiled at her… “It’s been quite a long time.”

“Ayy! Naalala mo pa pala ang pangalan ko…”

“At bakit naman hindi,, parang bubuyog ka sa flight from America.. iyon lang ang katangi-tanging lipad ko na hindi ako nakatulog dahil sa kadaldalan mo..”

Nagdikit ang kilay ni Tanya.

“Ang yabang nito! Hmmmp!”

“Anong ginagawa nyong kakalat-kalat kayo sa kalye.. I’ve been looking all over for you.. hindi mo man lang sinasagot ang cellphone mo..”

Ay! Sorry,  hindi ko napansin. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang daming missed calls.

“Ooooppps sorry, naka silent pa pala. “ Hindi ko pala ito na-swtiched yung profile paglabas ko ng classroom.

“Give me a favor Charlie, and you too Tanya, wag nga kayong tumambay dito sa labas ng campus nyo. Hindi nyo ba nakikitang parang pinagkakaguluhan kayo?”

“Bakit, kumakain lang naman kami ng fishball a… saka masarap talaga magluto ng sauce si manong kaya maraming suki yan. Tikman mo” at isusubo ko sana sa kanya yung isang fishball.

“Hindi ako kumakain nyan…” He said disgusted.

“Bakit? kasi pagkaing mahirap?” pagtataray na sanabi ni Tnaya, hinahamon si Andrew.. Lagot! baka magsabog itong dalawang to a!

“Hindi ako matapobre…”

“So then, eat it!”

“hindi ako kumakain ng hindi ko trusted ang nagluto..”

Ha! talaga lang a!!!! Remembering the chicken I cooked for him… Hindi kumakain ng hindi trusted? Sino niloko nya?

“Matapobre….” Sabi ni Tanya…

Nag-iba ang mukha ni Andrew,, parang nainis.

“O sige, kapag kinain ko yan,, what’s in it for me?”

“Nothing,,, masasarapan ka lang naman…”

“Talaga lang a?” sarcastic na sabi nya..

“Talaga!”

“Kapag hindi ako nasarapan, anong gagawin ko sa yo…”

“Sige.You will be entitled to one kiss.” She said smirking.

LOKA LOKA TO A!!!! Oh my Gosh! Umiral na naman si Tanya!

“Andrew, mapagbiro lang talaga itong kaibigan kong ito…. Joke lang yon diba? Diba Tanya!!!!!” pinandilatan ko sya ng mata…

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon