Chapter 22

185K 2.2K 138
                                    

Chapter 22

Zack

We were at the parking lot waiting for the girls...

Hindi ko pa masyadong napapatawad si Andrew pero kalmado na ko.

On the other hand, he also has something on his mind at nananahimik sya at tinitgnan nya ako ng masama.

"Pare, tama ba mga nakita ko kanina? Sa tagal na hindi natin nagkita ang dami mong hindi naikukwento sa akin... " naunahan akong magtanong.. "What's with you and Marielle? Are you having an affair with her?"

Napatawa ako don a. Anong pinagsasasabi nito? Me? Having an affair with Marielle? That is ridiculous! Of all people, he should know that I can't stand that woman.

"Affair? Your imagination is running wild again Andrew." Sumeryoso ako ng salita. " I'm the one who should be asking you... what are you doing with my wife? Are you the one having an affair with her?"

Ang sakit sa tenga non. Nakakinis sabihin pero kailangan kong itanong.

"At sa akin mo pa binaligtad ang tanong. Sa kakasama mo siguro sa Marielle na yan.. Nahawa ka na ng katangahan. " iiling iling sya. "Zack, my man, kung aagawin ko sa yo ang asawa mo, matagal ko na sigurong ginawa iyon."

Tinatamaan na naman ako ng topak. Oo, prangka sya, But does he have to be this frank? Masakit yon a! Kung hindi ko lang matalik na kaibigan to baka nasapak ko na to!

Nakakainis pa ang tono nya, seryoso ba sya o pinag-t-tripan lang nya ako? Hindi ko mawari ang mukha nya. Parang nangiinis na parang nanloloko. For the first time, hindi ko sya mabasa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nya.

"I thought you're in love with your wife? Pero ano yung nakita kong hindi man lang nya alam na nasa Pilipinas ka? And to think that for one week, wala syang idea kung anong nangyayari sa yo? For how long has this been going on? Mukhang hindi lang ngayon nangyari ito a. Mas alam pa ni Marielle ang whereabouts mo! Damn man! Babalik ka ba kay Marielle? Nauntog ka na nga, natanggal na nga yung bulag mo, magpapakatanga ka na naman?! Mag-isip ka nga! Akala ko ba matalino ka! Kung may ipapalit ka kay Charlie, siguraduhin mong mas angat sa kanya!"

"Don't push me! " nagagalit na sagot ko... "You don't understand!"

"Damn right I don't!"

Nagkatitigan lang kami ng hindi nagsasalita. Challenging each other with our stares. Pero ako ang bumawi ng tingin. It’s not worth it.

"I don't have to explain myself to you. I have my reasons."

"Huh.... Reasons? Ano ba ang baluktot na reasons na yan? Enlighten me." Sabi nya at iiling iling...

After a while na hindi kami kumikibo, medyo kumalma kaming dalawa...

"Andrew, you just have to trust me on this. But I'm asking you to stay away from Charlie. I'm warning you."

Hindi pa rin sya kumikibo... parang nag-iisip.

Dumating na si Marielle.. but still no signs of Charlie.

"Let's go Zack..." pag-aaya ni Marielle.

"Where's Charlie? Mas nauna pa syang pumasok sa 'yo sa Ladies room?" Tanong ko... she should have gone out by now..

"Ummm.. she said na mauna na tayo, kasi ihahatid mo pa daw ako... kaya C'mon, let's go...I'm so tired already."

Oh well... I'll talk to her later, ayokong makipag-away kay Andrew, mas ok na lang na umiwas. Puntahan ko na lang si Charlie sa bahay para makapagusap kami ng matino. I need to clarify some things. Mas mabilis na maihatid ko si Marielle the better.

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon