Mountaineer Stories

Start from the beginning
                                    

Sinabihan pa kami ng tour guide na kanan lang naman daan don bakit ang tagal nyo. Nakita ko yung galit at inis sa mukha ng bebe ko kasi bakit hindi sya sumama samin dahil dapat ang tour guides ay isa sa harap, gitna at dulo pero kami yung nahuhuli pero wala kaming kasama sa likod na tour guide.

After non tahimik lang kaming apat. Nung nasa van na kami tinanong yung bf ko ng kaibigan nya bakit daw ang tagal namin tapos sinabi na nya na naligaw kami. Sabi din ng bf ko na "Diba sabi ng tour guide kanan lang yung daan? Pero dalawa yung nakita namin. Kaya nainis din ako dun sa tour guide." Tahimik lang kaming tatlo kasi nandun pa din yung takot samin, kaya yung boyfriend ko lang yung pinagkwento namin sa kaibigan nya.

Yun lang naman, safe naman kami and naka-graduate naman kaming lahat pero di pa din maalis sa isip ko ito dahil first time kong sumama ng hiking pero ganon pa nangyari. Tapos imbes na di ka maniniwala sa kasabihan pero dahil na-experienced mo, maniniwala ka nalang. Payo lang sa mga graduating student dyan, huwag muna kayong gagala pag malapit na yung graduation nyo. For your safety na din.

-Tiger

Mt. Cristobal in Quezon, Laguna

If Mount Banahaw is considered Holy, its adjacent mountain, Mount Cristobal is known as devil's mountain. Mt. Banahaw is considered holy because Mt. Cristobal absorbs all the negative energy from it. Because of this, locals believed that Mt. Cristobal harbors a lot of ghosts, and evil spirits. One ghost story tells of a couple who died in the mountain after taking a deadly trail. The couple shows themselves to climbers and lead them to the same trail where they die. Despite of the horrifying tale, mountaineers still brave the mountain because of the thrill of climbing a 5-hour non-stop assault on muddy rain forest.

Mountain in Salinas
Shared by Fenix

This is my scariest encounter so far. Me and my friends went hiking up this certain mountain in Salinas and then decided to stay inside this small chapel within this small community on top of the mountain for the night. There's no electricity there and it was really dark during that time (new moon). We slept side by side, and I was lying near this improvised drum set (made of plastic containers and metal things) about 4 meters away. During the night I was suddenly awakened by this noise- someone appears to be playing the drums.. I can tell it's a person playing because the drum beats has rhythm- complete with the sound of the improvised tambourine (made of bottle crowns). I was actually listening to it for about 5 seconds but then I decided to see who it was. I took my flashlight by my side and pointed it to the drums. Surprise! As soon as I pointed the flashlight, the playing stopped and there was no one, and nothing in sight! Except for the drum sticks that fell to the floor! It was so strange that I dismissed it as if I was only dreaming, but I confirmed that morning with my friend that it was for real! He also heard the drums and saw me point the flashlight and he too thought he was dreaming. It appears that he already asked one of the locals about it, and the latter confirmed that there really is something there but he did not elaborate. He even told my friend to not talk about it because something usually happens when someone does! It appears this little town (of about 8 houses) has some kind of secret. Yaiks!

Mt. Maculot
Shared by Jayson Muros

Kahapon Nov. 11 2012 galing kami sa twin dayhikes Mt. Maculot at Mt. Manabu.

9:00am umakyat kami sa Mt. Maculot nakababa kami ng mga 1:30pm, pumunta naman kami sa Mt. Manabu dito na nangyari ang lahat 4:00pm nag-start kami umakyat sa summit 5:00pm nang makarating kami sa summit ng bundok na ito bumaba kami 5:30pm medyo madilim na sa bundok ng mga ganitong oras kaya nagdala kami ng ilaw, mga 6:30pm na sa halos gitna palang kami ng bundok natagalan kami kasi medyo maputik ang daan ng makarating kami sa medyo patag ng konti, yung kasama kong nasa likod biglang nagsabi nang "P're, may nakita akong White Lady" sabi ko naman sa kasama ko "Loko ka p're wag kang magsasabi ng ganyan nasa bundok tayo."

Pagdating namin sa pahingahan at kasama na namin ung ibang mga grupo nagkwento yung nakakita, sabi nya totoo daw ung nakita nya na white lady nung una daw parang sumasabay daw sa paglalakad namin nung nakita nya tapos nung sinabi nya samin na may nakita sya at inilawan nya bigla daw itong nawala.

Kaya swerte ako at hindi ako ang nakakita.

Mt. Maculot, Bayan ng Cuenca Batangas

28 na ako ngayon pero hinding-hindi ko makakalimutan ang isang pangyayari sa buhay ko na masasabi kong isang kakaibang pangyayari. Hindi ko na maalala yung taon basta ang alam ko, mahigit sampung taon na yung lumipas.

Isang bakasyon, kakatapos lang ng mga palaro sa amin, dahil nga bakasyon may mga paliga sa aming subdivision. After ng game nagkayayaan kaming umakyat ng bundok dito sa Batangas dahil napakalapit lang namin. Madami na sa amin ang nakailang akyat na sa bundok na ito. Marami ng kwento ang nababalot sa likod ng bundok na ito. At ilang beses na din itong napabalita dahil sa mga hindi maipaliwanag na pagkawala ng mga tao. Lalong-lalo na nung may isang mountaineer ang ilang araw na nawala at after ilang weeks natagpuang patay sa bundok na ito.

Hapon na nang kami ay makaakyat sa may bandang grotto ng bundok na ito. Humigit kumulang 2 oras ang pag-akyat dito, hindi naman nga kasi ganun kataas. Napakaganda ng tanawin sa itaas. Lalong-lalo na sa likod nito, makikita mo ang buong lawa ng taal. Gabi na nang maiayos namin ang mga tent na aming tutulugan, may mga dala kaming pagkain at mga inumin. Sa pagkakaalala ko, kami lang ang tao sa bundok, wala nang iba. Nasa mahigit 15 kaming magkakasama. May kantahan at kulitan nung gabi at masayang tawanan. Hanggang nung kinabukasan, bababa na sana kami nang nawawala ang isa sa aming kasama. Nung una hinintay lang namin itong makabalik sa pag aakalang baka umihi lang ito sa isa sa mga malalaking puno o bato sa bundok. Ngunit lumipas ang halos kalahating oras, walang bumalik na kasama namin. Nandon pa din ang gamit nya at walang nag-isip na baka nauna na syang bumaba ng bundok dahil nandun din yung mga kasama namin na kapatid nya. Nagpasya na kami na hanapin sya sa paligid ng aming campsite.

Ilang minuto din ang lumipas nang sumigaw ang isa sa amin at ang sabi ay nakita na nga ang nawawala naming kasama na itago nalang natin sa pangalang Carlo, nakita na pala sya pero nandun sa kabilang parte ng bundok na kailangan mong bumaba at umakyat ulit. Pero kitang-kita sya ng mga kasama namin na paikot-ikot sa isang malaking puno. Agad na silang bumaba para makarating sa isang bahagi na bundok pero si Carlo patuloy pa din sa pag-ikot sa puno. Panay ang sigaw nila sa pangalan ni Carlo pero wala daw itong naririnig na para bang wala sya sa sariling mundo. Kitang-kita daw nilang pagod na pagod na si Carlo kakaikot sa puno. Nang malapit na sila kay Carlo, panay pa din daw ang tawag nila sa pangalan nito pero hindi pa rin ito nalingon. Nang makalapit na sila agad daw tinapik ng isang kasamahan namin si Carlo at tinanong. "P're anong nangyayari sayo? Kanina ka pa namin hinahanap at kanina ka pa tinatawag pero hindi ka lumilingon at panay ang ikot mo sa punong ito." Nang mahimasmasan si Carlo ay kanyang ikinuwento na nakaramdam daw sya nang pag-ihi at nang lumakad sya, di kalayuan ay umihi daw sya sa isang puno. Nang matapos daw sya ay bumalik na sya at doon daw ay parang naligaw sya sa kanyang pagbalik. Hindi nya alam na napaglaruan na pala sya ng mga bantay ng bundok. Agad kaming bumalik sa campsite at tuloy baba na ng bundok. Marahil sa aming pag-akyat nakalimutan naming magpasintabi, dahil na rin siguro nagambala namin yung mga bantay kaya nangyari ito. Maraming kababalaghan ang nagaganap dito sa lalawigan ng Batangas.

At kahit anong tapang ng Batangueño, takot pa rin kami sa mga hindi namin nakikitang elemento.

Hanggang sa muli.

Ka Ambo

Scary Stories 5Where stories live. Discover now