"Draw lots ang gagawin natin." Sabi ng Prof ko sabay angat ulit sa ere nung black box na hawak niya kanina. "Kaya walang tatayo sa mga upuan niyo."

          Madami ang nagreklamo sa mga kaklase ko. Sabi nila dapat volunteer na lang o di kaya kung sino na lang 'yung magagaling ang kuhain.

          Pero wala. Hindi nakinig sa mga reklamo 'yung Professor namin at nagpatuloy lang doon sa pag-alog niya sa blackbox niya.

          "Para sa dancing category..." Sabi ni Sir sabay bunot ng isang papel sa loob. "Number 18. Margaret Torres."

          Ang lakas ng palakpak ko nang tawagin 'yung name ni Margaret.

          Yes! Panalo na kami sa dancing contest!

          "And number 24. Mia Valdez."

          Oh-oh. Iyan ang sabayang binigkas ng mga kaklase ko nang tawagin na rin ang pangalan ni Mia.

          Napatingin ako kay Margaret na nasa harapan ko lang nakaupo at kitang-kita ko 'yung matatalim na tingin na binibigay niya kay Mia.

          "Sir ayoko maging partner ang babae na—"

          "Next, poetry contest."

          Padabog na muling umupo si Margaret sa upuan niya nang hindi siya pansinin nung Professor namin.

          "Number 14. Kris Lorenzo."

          "Boo! Boring! Ayoko dyan! Doon sa beach body contest niyo ako isali, Sir!" Biglang sabi ni Kris sabay nagtawanan ang klase namin.

          "Ikaw na kaya magturo dito sa harap at ako na gagawa ng poetry mo?"       

          "Joke lang, Sir! Bunot ka na lang ulit, Sir!"  Sagot niya sabay nagtawanan na naman 'yung mga kaklase ko.

          Yes! Panalo na naman kami sa poerty chuhu na 'yun! Matalino daw si Kris di ba? Kaya na niya 'yan!

          Bumunot pa si Sir ng maraming pangalan para sa mga category doon sa talent showcase ng school namin next week.

          Grabe! 'Buti na lang at di pa ako nabubunot! Wala kaya akong talent!

          "Song writing contest."

          Ay maganda mabunot dyan si Patty! Magaling siya kumanta at sa tingin ko naman kayang-kaya niyang sumulat ng kanta. Saka pwede naman siyang tulungan ni Kris na sasali sa poetry category. Member din ng poetry ang pagsusulat ng kanta di ba?

          "Sa ilalim ako bubunot para mas masaya."

          Ayos 'yung bagong teacher namin ngayong sem. Ang cool niya lang. Tapos medyo hawig pa niya si Pin sa Kimi ni Todoke  dahil doon sa pangbabara niya at sa tusok-tusok na style ng buhok niya.

          'Kailangan kong mapag-ayos si Kaizer at Mia. Pero paano ko sila maayos kung hindi ko naman alam paano sila nagkagalit maliban na lang sa iniwan niya si Kaizer?'

          "Number 26."

          'Itanong ko kaya kay yabang kung bakit sila nag-away ni Mia? Ay teka! Nag-away nga ba sila? Baka naman pinagsusungitan lang ni Kaizer si Mia? Alam niyo na? Umaatake na naman ng pagiging suplado niya?'

          "Number 26!"

          'Siguro kapag si-net-up ko sila sa may roof top, baka magawa nilang mag-usap. Kaya lang kapag nalaman naman ni Margaret na pinagbabati ko sila Kaizer at Mia, baka masabon na naman niya ako at awayin niya ako?'

          "Felicity Sandoval will represent our class in the song writing category."

          'Pero okay na rin iyon! At least magkakaayos na sila Kaizer at Mia saka para na rin sila magka-ilangan dito classroom namin. Saka pangit naman talaga sa isang relationship 'yung—'

          Teka! Pangalan ko iyon ah!  Binanggit ba ni Sir 'yung pangalan ko?

          "Sir?"

          "Hay nako. Baliw talaga."

          Napatingin ako sandali sa direksyon ni Kaizer nang bigla na lang siyang magsalita.

          "Miss Sandoval," napaharap ako ulit kay Sir. "Ikaw ang nabunot para sa song writing contest next week."

          "Ah okay po—ANO PO?! AKO PO?!"

          OHMYGAD! Akala ko ba si Patty 'yung napag-usapan na bubunutin doon sa draw slot? Bakit ako? BAKIT AKO?!

          Saka anong alam ko sa pagsusulat ng kanta?!

          "Iyan na muna sa ngayon. Babalitaan kayo ng student organization tungkol sa mga activity na sinalihan niyo. Class dismiss."

          O to the M to the G. Bakit ako?

          Anong kanta ang isusulat ko?!

A/N: Sensya na kung walang kwenta ang update ko ngayon at maiksi lang. Ito lang kasi talaga ang laman ng chapter na ito. DUN! DUN! DUN! DUN! Si Sitti! Kasali na naman sa contest! :D Lagi talagang swerte sa bunutan si Sitti. Try mong tumaya sa lotto gerl baka manalo ka :D Ano kaya ang mangyayari sa talent showcase portion na ito? At ano kaya ang mangyayari sa team up nila Margaret at Mia? Magawa kayang sumulat ng kanta ni Sitti? ABANGAN!

My Tag Boyfriend (Season 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant