"Miss, Valdez, sa kaliwa ka ni Mister Buenavista."

          Biglang tumahimik 'yung paligid namin at 'yung bulung-bulungang dasalan nang mga classmate kong babae na gustong makatabi si Kaizer nang bigla na lang magsalita 'yung Prof namin.

          Si Mia nga pala 'yung susunod na bubunot pagkatapos ko.

          Lahat ng mga mata na nasa classroom namin ay nakatingin at nakasunod kay Mia habang naglalakad siya papalapit sa direksyon namin ni Kaizer.

          Hindi ko maiwasan na hindi maawa sa kanya kasi pakiramdam ko talaga naiilang na siya sa classroom namin. Na parang nakikita ko sa kanya 'yung sarili ko last semester nung ako pa si Sitti the ultimate loser sa Eastton University.

          "Hi." Tipid na bati niya sa amin saka siya naupo sa tabi ni Kaizer.

          Napatingin ako kay Kaizer nang wala sa oras at nakita ko sa mukha niya 'yung pagkayamot na nababanas na ewan.

          Bigla kong ipinatong sa isang kamay niya na nasa desk 'yung kamay ko saka ko siya hinawakan at pinisil 'yung kamay niya.

          Nung humarap siya sa akin, binigyan ko siya ng isang matipid na ngiti saka ako napatingin kay Mia na nakayuko lang ang ulo at parang ayaw na mapansin ng mga kaklase namin.

          'Kawawa naman siya.'

          Nawala sa isip ko si Mia nang pisilin din pabalik ni Kaizer 'yung kamay ko saka niya binalik sa akin 'yung ngiti niya.

          Ayokong nakikita silang ganito. Di ba ex sila? Di ibig sabihin may pinagsamahan sila?

          Dapat ba kapag mga ex ganito 'yung trato sa isa't-isa? Kailangan ba talaga na mag-iwasa at hindi magpansinan?

          Alam ko na wala akong alam sa naging kwento nila Kaizer at Mia noo at wala naman akong balak mangealam. Pero sa tingin ko hindi magiging okay ang lahat kapag hindi sila nagkausap ng maayos.

          Saka nakikita ko talaga kay Mia ngayon ang sarili ko noon—kahit hanggang ngayon.

          Alam ko 'yung pakiramdam ng di sikat. At kung mapapansin man ako, 'yung mga kabobohan ko lang sa buhay ang makikita nila tapos pagtatawanan pa nila ako.

          Hindi ko alam kung ano bang meron sa nakaraan pero ayokong magaya sa akin si Mia.

          'Kailangan nilang mag-usap!' Sa isip ko saka lihim na bumuo ng plano sa utak ko.

          Kung hindi kikilos si Kaizer at Mia na maging okay sa kanila ang lahat, puwes ako na ang gagawa!

          "Siya nga pala class may announcement ako sa inyo."

          Napatingin ako sa harapan namin, doon sa Professor ko, matapos niyang maiayos 'yung sitting arrangement ng klase namin.

          "Next week ay magkakaroon ng program for a cause ang Eastton University. At sa bawat klase magkakaroon ng representative per category. Isa itong talent showcase program at ang klase na makakakuha nang lahat ng major awards sa pa-contest na iyon ay magkakaroon ng exemption sa darating na midterm exam at ang perang mapapanalunay ay mapupunta sa charity na sinusuportahan ng school natin."

          Bigla na namang umingay 'yung klase namin dahil sa sinabi nung Prof namin.

          Ayos! Mananalo na kami! May magaling kumanta, si Patty. May magaling sumayaw, si Margaret—pero medyo nagdududa lang ako kung sasali siya dito sa contest na ito kasi baka may trauma pa siya sa nangyari sa kanya noong nakaraan doon sa victory party ng school namin dahil sa nakamit naming championship sa basketball. Tapos nandyan pa si yabang na kahit tumayo lang doon sa stage eh mananalo na agad. Benefits ng pagiging school heartthrob nga naman.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now