☀️ Second Shot ☀️

Start from the beginning
                                    

Niyakap niya kami isa-isa at nagpaalam na. Dumiretso naman kami nila Rona, Cindy, Guia, Hazel at Yana sa library para tapusin ang sumunod na chapter. Bukas balak naming puntahan ang gradeschool na napili namin for observation and interview sa advisers.

"Manood muna tayo bago gawin ito."sabi ni Guia sabay lingon sa akin.

"Sige, basta bukas dapat may matapos tayo."sagot ko kaya instead na may nagawa kami sa library ay wala na.

Habang nanonood silang lahat, ako naman ay naghahanap ng mga articles tungkol sa Harringtons.

"Rudolf Jackson Harrington, Richard Vassili Harrington and their stepsister Sabrina Mei Harrington. If that's what your looking for."sabi ni Hazel. "Don't give me that look, Terry. Oo alam ko na... cute 'yung kuya nila. Kaso mukhang pangit ugali."

"Kaya tayo minamalas e. Na-judge mo na kaagad."sabi ko.

"No, I'm telling the truth. Nabasa ko na maraming issues siya noong teenager pa lang. Reason why their dad brought him here sa Philippines."

"And where did you get that? Sa internet din? Tsk. For sure media has something to do with it."

"Pero what if gano'n nga? Ang gagandang lahi pero kakaiba ugali. Sayang naman."

"You sounded like his girlfriend. Affected ka masyado."

Hinampas niya ng mahina ang balikat ko at umiling. "E kasi naman, hindi ka tumitigil kakasearch."

"Ng alin?"tanong ni Rona na kanina pa pala nakatingin sa aming dalawa.

"Ito kasing si Terry kanina pa hanap nang hanap ng mga articles about sa Harrington. Nakita mo lang kanina sa open field, gusto mo na kaagad."nakangising sabi ni Hazel sa akin.

Inirapan ko lang siya at nanahimik na lang. Hahaba pa ang usapan kapag sinagot ko pa siya.

"Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa magkapatid. Looks, wealthy family, they have their own businesses, well-known. Lahat na lang ata ng magaganda ay nasalo na nila."sabi naman ni Yana.

"Except sa ugali. Hindi raw talaga maganda ugali nung Jackson."nakasimangot na komento ni Hazel.

"And ang tragic din ng story ng family nila. Alam niyo nangyari sa mom nila? I can't imagine all the theories na nababasa ko."sabi naman ni Rona.

"Accident ba talaga or hindi? Up to this day, walang nakakaalam. Kaya maiintindihan ko bakit gano'n na lang si Jackson sa mga media tuwing makakalapit sila sa kapatid. They're so young noong nawala mom nila."sabi ni Guia.

"So, are we still gonna watch that movie or not? Kasi kung hindi na ede let's finish the chapters two and three."putol ko sa kanila.

"Ito naman. Kanina nga nagbabasa-basa ka about sa kanila hindi naman kami naging kj e. Ngayon naman ayaw mo na pag-usapan sila? Labo mo Terry."si Hazel.

"Baka nalulungkot lang kasi si Terry kaya gusto niya na kayong tumigil sa mga haka-haka niyo. Binigay na nga niya itong araw na ito sa atin para mag-relax."tanggol naman ni Rona sa akin.

Cruel Summer Where stories live. Discover now