Kabanata 1

31 2 0
                                    

Louise, tapos na ba ‘yung pinapagawa kong report sayo sa Entrep?”

Kapapasok ko pa lang sa aming classroom nang bumungad sa akin ang ganitong tanong ng aking kaklase. Ang aga ah, kanina pa ‘to chat nang chat sa akin, tamad naman ako mag-reply kaya’t inabangan pa talaga ako sa tabi ng pintuan.

Pilit na lang akong ngumiti habang inaabot ko sa kanya ang dalawang cartolina na naglalaman ng report niya mamaya. “Yes, tapos na. Walang labis, walang kulang.”

Inirapan lang niya ako at kinuha kaagad ang mga cartolina. “Dapat lang, ayokong mapahiya mamaya. Kapag pumalpak 'tong reporting ko mamaya lagot ka talaga sa akin.”

Hindi ko na siya pinansin at tumungo na sa aking upuan. Actually, wala naman talaga akong permanent seat, kung saan ang bakante sa may likuran ay doon ako uupo. No choice ako ngayon, katabi ko pa talaga 'yung mga demonyita sa section na 'to. Hindi naman kasi ako mahilig tumabi sa mga kaibigan ko at mas gusto kong mapag-isa na lang.

“Loi, paturo naman oh, ‘di ko kasi maintindihan 'tong topic na 'to,” kakaupo ko pa lang pero dali-dali akong nilapitan ni Felice, isa sa mga kasundo kong kaklase. “Sorry talaga Loi, pero alam mo namang dalawa lang braincells ko at hindi keri ng powers ko ang mga ganitong bagay.”

Natawa na lang ako sa sinabi niya habang kinukuha ang kanyang libro. "Sus, para namang 'di na ako sanay sayo. Ano ba kasi 'yan?"

"Alam ko naman 'yung Dialogue, fren. Eh kaso 'di ko alam kung anong sasabihin ko para ma-gets naman nila," akto namang maiiyak na siya kaya't nginitian ko na lang siya. "Fel, 'yung dialogue kasi is a conversation between two or more person."

"Tapos? Anong example 'non?"

"Heto, 'tong pag-uusap natin ngayon, dialogue na 'to." Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at mas lalong napasimangot sa sagot ko. "Oo nga pala 'no? Ba't ngayon ko lang na-realize 'yan? Felice naman oh, napaka-slow!" Tumawa na lang ako at binalik sa kanya ang libro. "Ewan ko sayo."

Nagulat naman ako nang inusog niya ang kanyang upuan at lumapit nang husto sa akin. Ah, may tsismis na naman ang babaeng 'to. "Fren, alam mo na ba 'yung latest chika about kay bebe mo?"

"Bebe ko? Sino?" Tanong ko sa kanya at inirapan lang ako. "Slow mo talaga sa mga ganitong bagay. Sino pa ba ang bebe mo ha? Edi 'yung long-time crush mo, si Tristan!"

Tristan. 

Sa tuwing naririnig ko pa lang ang pangalan niya, pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Para bang isang musika sa aking pandinig ang kanyang pangalan. Nararamdaman ko naman na parang nag-aalburuto ang aking tiyan, hindi ako mapakali at kulang na lang halos mapunit ang labi ko sa lawak ng aking ngiti.

Korni man pakinggan, pero wala eh, ‘yan talaga ang aking naramdaman sa mga sandaling ‘yun.

"Ayan, kapag si Tristan na ang pinag-uusapan para kang asong ulol," pang-aasar niya sa akin kaya sinenyasan ko siya na manahimik. "Hinaan mo nga 'yang boses mo, baka marinig ka ng mga kaklase natin. Sige na, ano ba kasi 'yan ha?"

Sasabihin na sana kung ano ang nalaman niya nang bigla kaming nabulabog dahil sumisigaw ang aking mga kaklase. Paglingon ko sa may pintuan, halos hindi ako mapakali sa aking upuan dahil naririnig ko pa na mas malakas ang kabog ng aking dibdib kesa sa sigawan nila.

"Oh, ayan na ang guardian angel mo." Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya. Medyo magulo 'yung buhok niya ngayon at nakabukas ang isang butones ng kanyang uniporme at hindi niya suot ang kanyang blazer at tie ngayon, pero sobrang gwapo niya talaga sa paningin ko. Para talaga siyang anghel na bumaba galing sa langit upang iligtas ako sa anumang klase ng kapahamakan.

The ReplayWhere stories live. Discover now