PROLOGUE

4 0 0
                                    


HINDI maaaring inggit ang nararamdaman ni Caden Messner habang pinagmamasdang magkayakap na nagsasayaw ang kanyang best friend na si Tristan Hanaway at ang bago nitong asawa na si Sidney. Well, hindi talaga bagong asawa dahil ikinasal na ang dalawa lampas dalawang taon na ang nakalilipas sa isang quickie wedding sa Las Vegas, pero kanina lamang ikinasal ang mga ito sa simbahan. Siya ang tumayong Best Man.

Masaya siya para sa kaibigan dahil halatang mahal na mahal nito si Sidney. Isa pa, naka-jackpot ito sa babae. Alam niyang unang nagustuhan ni Tristan ang ugali nito pero napakasuwerte ng loko na mukhang Victoria's Secret Angel pa si Sid. Kadalasan, ang mga ganoon kaganda, bagsak sa personality test. Masyadong maraming kilala si Cade na ganoong klase ng babae.

Which was why single pa rin siya at allergic sa seryosong relasyon. Hindi pa siya handang lumagay sa tahimik. Kung kaya Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Bakit niya pinanonood sina Tristan at Sidney na may inggit?

"Hey," bulong ng kanyang date na si Dominique. "Masyado kang tahimik."

"Ha? Ah, wala. Naiisip ko lang noong mga bata pa kami ni Tristan," sagot niya sa ingles. Inakbayan niya ang babae para i-distract ito sa pagkabalisa niya. "Parang Hindi lang kasi ako makapaniwalang may asawa na talaga siya. Dati kasi parang hindi totoo na may asawa siya. Hindi pa kasi namin nakikilala si Sid noon.

Sinulyapan ni Dominique ang bride. "She's pretty enough," puna nito na may tono ng pangungutya.

Tunay na modelo si Dominique, hindi man ng Victoria's Secret  pero ng ibang brand ng underwear. May mukha ito ng isang beauty queen at katawan ng isang porn star, salamat sa isang batikang plastic surgeon Hindi ito mahiyain kaya agaw-eksena ito sa suot na scarlet red na halter-top dress na backless at may slit hanggang singit, at kulay pula ring high heels. Magaling itong conversationalist at pati na rin sa kama, at sinisiguro ni Cade na napapakinabangan niya ang mga talento nito.

Nagkakilala sila habang nagbabakasyon siya sa Caribbean kung saan ginanap ang cover spread ng swimsuit edition ng Sports Illustrated. Nakilala siya ng isa sa mga photographers at nagpaalam  Kung maaari siyang kunan ng larawan. Naintriga si Dominique sa kanya kaya nagpakilala ito at inaya siyang mag-bar. Matapos ang hindi na niya mabilang na baso ng rum cocktails, nagising na lang siyang hubo't hubad sa kama at nakapulupot ang babae sa kanya.

Isang taon na silang friends with benefits, tinatawagan ang isa't isa kung kailangan nila ng date sa isang event o kung kailangan nila ka ng ka-date sa kama. Naiintindihan ng babae ang hanap ni Cade sa isang relasyon dahil ganoon din ito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagtagal silang dalawa.

"Kailangan mo bang mag-stay dito hanggang mamaya?" tanong ni Dominique na halatang bored na sa mga nagaganap. "O, puwede ka bang umalis nang mas maaga?" Lumapit ito sa kanya, mabilis na hinalikan ang kanyang mga labi bago inilapit ang bibig sa kanyang tainga. Kinagat nito ang punong-tainga niya at bumulong, "I have plans for you."

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at tumayo. "Let's go."

Matapos ang ilang oras, habang nakahiga sa dilim, yakap ang natutulog na dalaga, hindi pa rin niya maalis sa isip ang hindi matatawarang ligaya sa mga mata ni Tristan habang yakap-yakap ang asawa.

Ligaya iyon na hindi pa nararanasan ni Cade, at malamang ay hindi na mararanasan pa. At kinalungkot iyon ng binata.



————————————————
END OF PROLOGUE

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adrenaline RushWhere stories live. Discover now