FF. Mahaba kasi yung story. Sorry. Last day na ng burol ni lola kaya maraming tao yung bumisita. So marami rin yung mga pagkain na pinapakain sa bisita. Tapos yung mga food usually naka-seal kasi pag hindi yun naka-seal, hindi kakainin ng tao. Dito kasi sabi-sabi na madalas daw lagyan ng lason yung pagkain pero hindi naman ganun yung family namin. Tapos may kwento rin kasi na yung iba nilalagyan ng bulong yung pagkain. May times daw na hindi mo alam na may kuko ng tao o kaya parte ng katawan ng tao yung kinakain mo kasi nga may bulong. Natapos yung libing ng lola ko nang maayos. Wala kaming naramdamang creepy maliban dun sa tiktik na hindi pa rin naalis sa bubong namin kahit nailibing na yung lola ko.

Isang gabi, alas 11 naririnig na naman namin yung tiktik habang naglalaro kami ng uno. Takot na takot sila Kian at Josh samantalang ako takot lang. "Bakit may tiktik na naman?" tanong ni Camille kay Jing tapos biglang umiyak si Angela. Nakatingin kaming lahat sa kanya kasi nagulat kami. "Hindi namin sinasabing ikaw yung tiktik, Gela." biro ni Kian tapos tumawa kami, samantalang naiyak pa rin si Angela tapos sorry nang sorry. Paulit-ulit lang sya sa pagsasabi ng Sorry habang naiyak. "Anong problema?" tanong ko. Samin kasing magpipinsan, ako lang yata yung seryoso. "Buntis ako." sagot ni Angela kaya nagulat kaming lahat. Kaya pala laging may tiktik sa bubong kasi buntis si Angela. Kinaumagahan sinabi namin sa mga tita namin yung tungkol kay Angela. Si Angela naman iyak pa rin ng iyak at nagso-sorry. Isang malaking failure daw sya sa family, ganun-ganun. Kahit sabi ng mga tita namin naiintindihan daw sya, hindi pa naman daw huli ang lahat kahit magkaka-baby na sya. Kahit na 2nd year college pa lang sya. So dahil nga buntis si Angela, pinatawag ng mga tita namin yung mga magulang ng boyfriend ni Angela. Taga ibang baryo yung boyfriend nya. Gabi na nang dumating sa bahay yung boyfriend nyang si Jake kasama yung nanay at tatay, kasama rin yung tito nya tsaka dalawang tita. Lahat kami nasa sala, kumpleto kaming walong magpipinsan tapos yung mga kamag-anak namin. Ang dami nilang pinag-usapan pero nauwi lahat sa kasal. Dapat daw bago manganak si Angela nakasal na daw sila tapos dapat daw sa kanila tumira si Angela. Okay lang naman yon sa side nila Angela kasi sabi dapat talaga ang babae dala-dala ng lalaki. Napag-usapan nilang sa susunod na buwan na ang kasal kaya kinaumagahan, inayos na nila lahat kahit simpleng kasal lang ang gagawin. Simple lang kasi ang gusto ng family nila Jake at ayaw nilang ikasal sila Angela sa simbahan. So para maging maayos ang lahat, pumayag nalang yung family namin.

Dumating yung araw ng kasal ni Angela, masaya naman ang lahat. Nagpatay ng dalawang baboy yung family nila Jake kasi yun yung tradisyon sa kanila. Pag may ikakasal, dapat magpapatay ng dalawang baboy tapos ipapamigay sa lahat ng kapitbahay nila sa baryo. Bawal may matirang baboy. Nga pala, sa baryo nila Jake ginanap yung kasal. Dun din sa bakuran nila ginanap yung reception na pinagtatakahan namin lahat maliban lang sa family nila Jake. Kasi wala man lang kapitbahay na pumunta sa reception. Ang tao lang don ay family namin at nila Jake. Tapos yung mga kapitbahay pa nila Jake parang ayaw man lang tumingin sa gawi namin kahit na agaw atensyon yung place kasi nga dahil sa reception. Pero hindi nalang namin pinansin. pinili na lang naming maging masaya para kila Angela. Natapos na yung kasal at pinamigay na sa kapitbahay yung pinatay na baboy. Yung part na yon, tinanggap ng mga kapitbahay yung baboy kahit hindi sila pumunta sa kasal. Iniwan namin si Angela kay Jake since dun na sya titira tapos umuwi na kami sa bahay ni lola. Pero bago kami umalis, binigyan sya ng pangontra ng tita nya. Dahil buntis nga sya, kailangan nya daw yon at ng baby nya. Tapos nagbilin sila na dapat daw laging may bawang sa bahay nila tapos lagi dapat may walis tingting sa loob ng kwarto nila kung san man sila matutulog.

Lumipas ang ilang araw tumatawag samin si Angela. Masakit daw yung tiyan nya tapos lagi syang nagsusuka. Anyway, malayo yung ospital sa baryo nila. Tapos sabi nung nanay ni Jake gawa lang daw yon ng buntis si Angela. Pero sobra kaming nag-aalala kaya pumunta kami kila Jake para bisitahin si Angela. Kasama lang namin sila tito tapos yung papa ko, si Kian at Camille. Yung iba naiwan sa bahay ni lola. "Anong nangyari sayo?" gulat na tanong ni Camille nang makita namin si Angela. Ibang Angela kasi yung kaharap namin. I mean, sobrang namayat agad si Angela. Yung gulat namin kakaiba kasi ilang araw palang matapos yung kasal tapos ganito na agad kapayat si Angela. Parang kakakita pa lang namin sa kanya tapos ganito na. Ang payat-payat ni Angela tapos medyo nangitim din sya. Lahat kami nag-aalala samantalang wala pa ring emosyon yung mukha ng mga magulang ni Jake. Tapos si Jake sinasabi na parte daw yon ng pagbubuntis ni Angela. Sila Tito nagdesisyon na iuwi muna samin si Angela, nung una ayaw pumayag ng family ni Jake kasi daw kasal daw sila pero pinilit pa rin namin. Sabi namin isasama namin si Jake pero sila rin yung hindi pumayag. Wala naman kaming nagawa kaya umuwi kami nang kasama si Angela. Nasa biyahe pa lang kami pauwi tapos si Angela nagsimula na namang magsuka. Medyo kakaiba yung suka nya kasi kulay itim na parang dinuguan tapos sabi ni Angela hindi naman daw sya kumain ng dinuguan, last na kumain daw sya non eh nung kasal pa nya. Kaya ang ginawa namin dumiretso kami sa ospital kahit malayo. Nang makarating kami sa ospital tinignan agad si Gela. Nagulat kaming lahat kasi sinabi ng doktor na hindi naman buntis si Angela. Nagpupumilit si Gela na buntis sya kasi hindi daw sya dinadatnan tapos nag-pregnancy test pa syang madami tapos lahat positive. Lahat din ng sintomas ng pagbubuntis eh nararamdaman nya. Iyak lang nang iyak si Angela nun. tapos non binigyan ng gamot si Angela para sa pagsusuka nya tapos umuwi na kami.

Ilang araw pang nagsusuka si Gela. Katulad lang din nung mga nakaraang araw na parang dinuguan yung suka nya. Sobrang payat na nya lalo. Yung kapitbahay nila tita sinabi na patignan daw namin sa albularyo si Angela kasi iba daw talaga ang itsura ni Gela ngayon. So pumunta kami dun sa sinabing albularyo. Sinabi ni Gela lahat. Kasama kaming magpipinsan pati yung iba naming tita. Sabi nung albularyo kung ano daw ang kinain ni Angela bakit sya ganon. Tapos naikwento ni Gela na nagsuka daw sya pagkatapos ng kasal nya. Nung kumain sya ng dinuguan kinagabihan ng kasal. Yon kasi yung ginawang luto sa baboy na pinatay. Tapos sabi ng albularyo, may gusto daw lumason kay Angela. May bulong daw yung kinain nya kaya puro ganun din yung sinusuka nya. Actually, gusto daw nung may gawa non eh mamatay si Angela pero may kumokontra daw which is yung binigay ni tita kay Angela na pangontra. May binigay rin na kung ano yung albularyo na dapat daw isama ni Gela sa pagkain nya. Simula non, nakipaghiwalay na si Angela kay Jake. Hanggang sa bumalik na rin yung katawan ni Angela sa dati. Nang masigurado naming okay na si Angela, umuwi na kami sa Cavite.

Thank you for reading. Thank you ulit, admin.

-Anne

Scary Stories 5Where stories live. Discover now