No one will know (Parts 1 & 2)

Start from the beginning
                                    

Christmas party sa school at bukod pa ang christmas party ng department namin na ginanap sa parte ng Laguna. 5pm nang makarating kami sa resort, yung iba kong classmate ay nagpi-picture na at tumitingin-tingin sa mga tanawin. Ako naman ay umupo muna sa isang cottage at pinanood ko na lang sila. Medyo inaantok pa kasi ako dahil sa biyahe. Mag-aalas sais nang tawagin na ako ni Clair (classmate ko). "Elle, tapos ko na yung adobo. Isunod mo na lang yung mga piprituhin." Tumango lang ako at nagpunta na sa cr para magbihis, pagtapos non ay agad na akong nagpunta sa lutuan para prituhin na yung manok at isda.

7pm nang likumin kami ng prof namin para sa mga palarong ginawa. Pagtapos non ay kanya-kanya na kaming sandok ng pagkain. (Fast forward) Lahat kami ay nakaupo sa buhanginan, sa harap namin ay ang apoy na ginawa ng mga classmate kong lalaki. Nagsimula na ang inuman at kwentuhan, sa tingin ko ay ang grupo na lang namin non ang nasa labas. Meron rin naman na naglilibot na mga taga bantay, pero paminsan-minsan lang. Lahat kami ay nagulat nang marinig namin ang sigaw ng isa naming kaklase habang papalapit sa amin.

"Ma'am! Ma'am! Si Roxanne po! Si Roxanne hinimatay sa cr!" Sumunod kaming lahat sa classmate ko, ito namang close friend ko na si Erin ay pinipigil ako.

"Elle, wag na tayong sumama. Hintayin na lang natin sila dito."

"Pero kawawa naman si Roxanne, tara na Erin." Labag man sa loob niya ay sumama na rin siya sa akin. Pagdating namin sa cr ay ginising pa saglit ng prof namin si Roxanne, agad naman niya itong pinabuhat sa ilan naming mga kaklaseng lalaki. Dinala agad namin ito sa kwarto naming mga girls. Si Erin sa tabi ko ay tahimik lang at kanina pang nakakapit sa akin. Hanggang ngayon ay wala pa rin malay si Roxanne, lumapit ako sa kanya at pinakiramdaman ang palapulsuhan niya. Normal naman ang pulso niya pero namumutla siya. Maya-maya lang biglang kumalabog ng malakas ang pinto, agad yon binuksan ni Ron (classmate ko) pero hindi niya daw ito mabuksan. Ang iba kong classmate ay nagtipon sa isang sulok dahil sa takot. Si Erin ay nasa tabi ko pa rin at hindi inaalis ang kapit sa akin.

"Anong nangyayari? Umuwi na tayo!" Iyak na sigaw ng isa kong kaklase. Ang prof namin ay pinakalma ang lahat, nataranta naman ako ng mangisay-ngisay si Roxanne at tumirik ang mga mata. "Roxanne! Roxanne!" pinigil ko siya at pilit ginigising. "Sabi ko na nga ba eh." Dinig kong bulong ni Erin sa tabi ko, "Ano? Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi na niya ako nasagot nang biglang kumalabog na naman ang pinto pabukas, malakas na hangin ang pumasok sa loob ng kwarto. Maging sa labas ay humahangin rin at gumagalaw ang mga dahon sa puno. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Roxanne sa labas, nakangiti ito sa akin. Muli kong nilingon ang Roxanne na nakahiga tumigil na ito sa pangingisay pero nanatiling walang malay at namumutla.

"Roxanne!" Tawag ko doon sa labas. Lahat ng kaklase ko ay tumingin sa labas. "Ito, ito yung nakita kong mangyayari." bulong sa akin ni Erin. Bumitaw ako sa kanya at naglakad palabas. Dinig ko ang pagtawag ng mga kasama ko sa akin, pero nagtuloy-tuloy pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero isa lang ang sigurado ko hindi ito normal at delikado ang buhay ni Roxanne ngayon. Nang makalabas ako ng kwarto ay biglang nawala yung Roxanne na nasa labas, lumingon-lingon ako at hindi ko na siya makita. Dinig ko pa rin ang iyakan ng mga kasama kong babae. Ang prof ko naman ay hindi na rin nakatiis at hinila na ako pabalik ng kwarto. Nanatiling walang malay si Roxanne, tumingin ako kay Erin at nakita kong nakatitig lang din siya sa kaklase namin.

"Pulang tela. Sino ang may pulang tela?" tanong ko sa kanila. Agad binigay sa akin ni Ron ang pulang mantel na ginamit namin kanina. Kinuha ko iyon at ibinalot ko kaagad kay Roxanne. Buong katawan niya ay binalot ko at hinawakan ko ang suot kong rosaryo. Hinayaan ko lang ang ingay na nanggagaling sa mga kaklase ko, ipinikit ko ang mata ko at taimtim na nagdasal. Abot langit ang dasal ko na sana iligtas Niya si Roxanne, alam kong ang Panginoon lang ang mas makapangyarihan. Alam ko ng mga oras na yon na kaya niyang iligtas si Roxanne. Maya-maya lang ay napamulat ako nang umubo siya, inalis ko kaagad ang tela at nagulat ako ng makitang basang-basa ang mukha niya pati ang ulo. Akmang tatayo siya kaya tinulungan namin siya ni Erin, nang makaupo ay halos dinig namin lahat ang malalalim at mabilis niyang paghinga.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now