CHAPTER 1

45 3 8
                                        

"Ang aga aga wala pang almusal ! Badtrip naman oh!!" inis na sambit ni dyna sa harap ng lamesa alas otso na wala pang almusal kagagaling lang nya sa gig kagabi madaling araw na syang umuwi tapos gigising sya ng wala nanamang almusal

"Eh bakit nag bigay kaba?!" Sagot sa kanya ng kapatid nyang mas matanda sa kanya ng isang taon

"Hindi naman kayo humingi! Free ako oh! Gisingin nyo lang naman ako!"

"Aba! Gigisingin kapa ? E kung magalit ka? Kasalanan pa namin! Buhay mo yan ! Malaki kana kaya mona ang sarili mo! Yang mga kapatid natin ! Maliliit pa! makisama ka naman!"

"Saka last week kapa nag grocery" sagot naman ni arnold na mas bata sa kanya ng isang taon

"Anong gagawin ko? Nag iipon ako para sa pag aaral ko, 1st year college nako sa pasukan, malapit na yun! Intindihin nyo rin naman ako ate ! Arnold !"

"Kung ganun intindihin mo din kami! Ako hindi ko na hinangad na mag aral
pang kain lang natin masaya nako dun ! Si Ashley nga 1 taon palang umiinom pa ng gatas
Si Anna nag aaral na!
Maski si arnold kumakayod nadin!"

"Natural matanda na yan ! 17 na yan ! Pwede na nga yang mag fast food !"

"Yun na nga yung ginagawa ko !"

"Oh bakit walang makain dito?"

"Aba! Kumayod ka ng sarili mo dadamay mo pa kami ! Kung di kapa kumakain bumili ka ng pag kain mo ikaw mag luto!"

"Bakit kayo ?"

"Kumain na kami kanina pa!"

"Badtrip naman ! Kumain na pala kayo, hindi pa kayo nag sasabi! Bwisit na bahay to oh hindi sabay sabay kumain !
Makalayas na nga!"
Inis na sambit ni dyna
Dala ang maliit nyang bag ay agad na syang umalis ng bahay

Sa araw araw na ginagawa lagi nalang silang nag aaway dahil sa pera

Puro pera nalang ang pinag uusapan mabuti nalang at hindi na sila nangungupahan dahil bago mawala ang mga magulang nila may naiwan itong bahay para sa kanila

Sa totoo lang nanay lang nila ang namatay dahil ang tatay nila ay sumakabilang bahay na
Na depressed ang kanyang ina ng sobra
Kaya ito ay nag paka matay

Nag mahal ng lalaking hindi naman karapat dapat mahalin

Hanggang ngayon
Walang balita sa tatay nya
Iniwan na sila pinag palit sa bagong babae
Sa babaeng triple ang yaman kaysa sa nanay nya
O baka mas magandang sabihin na maraming PERA
Samantalang ang mga anak nya naghihirap sa buhay

Balang araw makaka punta
Din sya sa lugar kung saan nakatungtong ang kanyang iresponsableng ama
At maging ang babaeng kamukha na ang babae sa isang libo

Si josefa, pero malaki ang pinag kaiba nila
Si josefa ang isa sa nag sulong ng kalayaan
Ng pilipinas

Pero ang babaeng tinutukoy na asawa ng kanyang ama
Ay ang babaeng gumawa ng gulo sa kanilang pamilya !

*****

Nasa loob si dyna ng isang convenience store malapit sa kanila

Doon na sya kumain dahil nagugutom na talaga sya

Sa kalagitaan ng kanyang pag mumuni muni nakita nya ang isang magazine na katapat nya lang

Nasa cover kasi ang isang iskwelahang napaka laki at napaka ganda
Parang palasyo ang disenyo nito

Ang LURIO'S ACADEMY
Kinuha nya ang magazine na iyon at binuklat sa lugar kung nasaan ang page na tinutukoy ng nasa cover

"Ang LURIO'S ACADEMY ay isa sa mga malalaking iskwelahan sa bansa
Narito nag aaral ang mga anak ng malalaking kumpanya sa bansa
Mga matataas na mga tao ang naririto .

Goodnews! Nagtapos na ang mga mapapalad na scholars sa lurios
Inaanyayahan ng lurios ang mga bagong scholars

Kung ikaw ay nag hahangad na makasama sa mga bagong pipiliing scholar
Siguraduhing qualified ka sa mga mababanggit

*Mataas ang grado (94 and up)
*May dugong pilipino

Kung isa ka sa mga yan
Halina't subukang mag apply bilang bagong scholars ng lurios
At baka ikaw na ang isa sa mapipili
See you on june 30
At LURIO'S ACADEMY!

"OMG ! Nag hahanap ang lurios ng scholars? I want to go there !!" Saad ng isang babae na nasa likuran nya pala

"Alam mo ang school nato?"
Tanong ko sa babaeng nasa likuran ko

"Of course! Hindi mo ba alam, dyan nag aaral ang mga mayayaman! Hindi lang mayayaman mga gwapo pa! I want to go there para makapa ngasawa ng mayaman !" Excited na ani nito

Tumango tango naman ako bilang pag sangayon sa sinabi nya
"Excuse me? Wag mong sabihing gusto mo ding mag    aral dun? Naku girl !! Di ka bagay dun ! Mga sosyal ang mga tao dun" natatawa nitong ani

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya

"Saka sa applyan palang ng mga scholars, bagsak kana !
Perahan dun girl ! Bag nga na mamahalin wala ka " sambit pa nito saka pinakita ang bag nyang mamahalin nga naman

Mas lalong nag pintig yung Tenga ko, ano naman kung wala akong mamahaling gamit?

"Girl! Nakalagay dito 94 and above ang average
And may dugong pilipino
I am qualified! Walang naka sulat dito na kailangan ng pera kaya nga scholars e, mga walang kakayahang mag aral sa kanilang iskwelahan! At bakit ka nandito? Kung mayaman ka? Dun ka sa mall mag shopping !
At sa suot mo, mamahalin man o hindi
hindi ko makita ang halaga mo!
Saka eto, etong suot ko bili ko to in my own money ! So i am worth it!! Than you are!"
Irita kong sambit binili ko muna yung magazine kahit na mahal saka ako umalis

Badtrip na nga sa bahay
Badtrip pa kahit saan !

Pag labas ko ng convenient store nakita ko ang magandang kotse sa tabi
Sa babaeng maarte siguro to! Mayaman nga talaga
Bakit sya nandun ?
Kung mayaman sya?

"Pre nandyan si mam! Yung may ari, Mag ayos ka, maarte pa naman yun!" Natatarantang ani ng crew sa convenient store

So sya pala ang may ari?
So what??
Kung kaya nyang mag aral sa ganung school ng walang tulong mg scholarship
Wala akong pake!

Mas lalo tuloy akong nag ka interest sa school nayun
Baka nandun ang lalaking mag aangat sakin sa buhay

Tinignan ko ang petsa sa kalendaryo ng cp ko
14 days nalang pala bago mag june 30

Kelangan kong magtrabaho ng mag trabaho at mag review ng mag review!

Sinerch ko ang lurios habang nag lalakad
Napaka raming lumabas

Mga kwento tungkol sa lurios
Mga babaing nag hahangad sa lurios
At ang mga lalaking naga gwapuhan at mga mayayaman

"Ipapasa ko ang exam! ang interview! para maka pasok sa scholar at maging estudyante ng lurios!
Hahanap ako ng mga mayayamang lalaki
Gagawin ko ang lahat para umangat sa buhay
Sa walang kwenta kong tatay ! At ng kanyang mukhang gintong asawa HINTAYIN NYO KO MAKAKA TUNGTONG DIN AKO SA INAAPAKAN NYO!!!"

DIAMONDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon