Kabanata 4:Panauhin

Start from the beginning
                                    

Natatawa siyang pagmasdan yung nandidiring mukha ng dalaga "Alam mo nakakadiri ka! At pwede  ba lubayan mo na ako"sabi nito sabay tayo

Tumayo rin siya "Pasensya ka na binibini. Hindi ko kayang gawin iyang sinasabi mo" saad niya

"At bakit naman?"

"Gusto kasi kitang mapasaakin, binibini" sagot niya

"Pwes puputi nalang ang uwak hindi mo parin ako naaangkin" sabi nito

"Huwag kang magsalita ng patapos binibini dahil darating yung panahon na kusa mong ibubuka iyang hita mo para sakin" sabi niya sabay lampasan ang dalaga

NATULALA si Zafira dahil sa mga sinasabi ni Sextans. Ano? Siya ibubuka ang hita para sa lalaking yun? Huh! Puputi nalang ang uwak at masusunog nalang ang dagat hindi parin yun mangyayari at sisiguraduhin niyang hindi siya maaakit sa malaking maginoong manyak na yun na si Sextans Pornue.

Habang kumakain, naramdaman niyang nakatitig sa kanya si Sextans kaya naiilang siya at hindi siya nakakakain ng maayos dahil sa titig nito.

Tumikhim ang kanyang inaama "Hydra, bibisita ako sa bayan ng Dalaguete at maiiwan ka dito. Ayus lang ba iyon sayo?" tanong ng Alkalde

Mahina siyang bumuntong hininga "Ayus lang po sa akin inaama" sagot niya pero labag sa kalooban niyang naiwan dito mag-isa

"Ahmm Leomore, pwede namang maiwan si Sextans dito para makasama ni Zafira. Nakakaawa naman ang dalaga kung walang kasama" sabi ni Ginoong Beowolf

Patay! Argghhhh Naiinis siya sa pamilyang Pornue! Kung pwede palang ilibing ng buhay ang mag-ama ay matagal niya ng ginawa. Ngayon nagdadasal siya na tanggihan ni Sextans ang sinabi ng kanyang ama.

"Ayus lang po sa akin na maiwan dito dahil gusto kong malibot ang magandang nayon na ito" saad ni Sextans na ikinainis niya

Arggghh humanda kayong mag-ama dahil papatayin ko kayo!!!

"Mukhang maganda iyang plano mo" sabi ng inaama niya "Sigi Sextans maiwan ka nalang dito para may kasama ang aking inaanak. Hydra, magpasama kayo ni Mordred na libutin ang buong nayon"

"Papasyal po ako sa buong nayon?" nakangiting tanong ng dalaga

"Oo pero kasama si Sextans at Mordred" sabi nito

Ang saya ay nahaluan ng lungkot dahil kasama si Sextans pero wala na siyang ibang magagawa kundi sumang-ayon nalang para makalabas siya ng mansiyon.

Nagulat nalang si Zafira na ngayong hapon pala ang alis ng mga Alkalde kaya halos pagsakluban siya ng langit at lupang tumingin sa kanyang kaliwa kung saan nakatayong nakapamulsa si Sextans.

"Paano ba iyan binibini, tayo nalang dalawa ang naiwan" nakangising saad nito

"Huyy anong tayong dalawa nalang ang naiwan? Mayroon pa kayang mga utusan. Wag kang panaginip ng gising!" sigaw niya sabay linagpasan ito

Kailangan niyang lumayo sa lalaking iyon dahil delikado. Baka makain pa siya nito at masarapan siya.

Pumunta siya sa silid ng kanyang nanay at nakita niya itong nag-iimpake."Nanay saan po kayo pupunta?" tanong niya

Tumingin ito sa kanya "Aalis ako binibini dahil kailangan ng mayordoma ang iyong mansiyon" sagot nito

"Ano? Pwede naman pong maghanap tayo ng ibang mayordoma"

"Binibini mas mabuti kung ako nalang dahil matagal na akong mayordoma dun"

"Sigi po mag-iingat po kayo" sabi niya

Kahit ayaw niyang iwan siya ng tumatayong ina niya ngayon, wala siyang magawa dahil talagang kailangan ng mansiyon niya ng mayordomang mamamahala rito.

Kumakaway siya sa papalayong karuwaheng lulan ni Lhacerta. Nang hindi na makita ang karuwahe ay napagpasyahan niyang bumalik sa loob. Maggagabi na pero hindi pa niya parin muling nakikita ang binata. Asaan kaya ito?

"Ginoong Mordred asaan si Sextans?" tanong niya ni Ginoong Mordred na nasa salas

Hindi sumagot si Ginoong Mordred at nakatingin lang ito sa likod niya. Tumingin siya sa kanyang likod at nakita niya si Sextans na naka ngiti ng nakakaloko sa kanya."Namiss mo ba ako binibini?" tanong nito

Pinaikot niya ang mata niya "Hindi" mayabang niyang sagot

"Eh bakit mo ko hinahanap?" tanong nito

"Wala lang" sagot niya sabay talikod

"Talaga?" nanunuksong tanong nito

Umusok na yung ilong ni Zafira dahil dito "Hindi nga kita namimiss! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" naiinis niyang sigaw

"Ohh wag kang magalit binibini kasi baka tumaas ang altapresyon mo" nag-alalang saad ni Sextans

Hindi niya pinansin ang binata at naglakad papuntang silid kainan para kumain ng haponan. Umupo naman sa kanyang harapan ang binata at nagsimula na silang kumain ng  tahimik. Walang nagsalita sa kanila habang kumakain kaya naninibago si Zafira dahil tahimik ang binata. Nang matapos na silang kumain, tahimik parin ito at lumabas sa silid kainan. Nagtaka at nabahala ang dalaga dahil sa pagiging tahimik nito kaya sinundan niya. Nakita niya ito sa pasilyo na naglalakad at hinabol niya.

"Sextans sandali!" sigaw niya kaya napatigil ang binata at tumingin sa kanya

Tinaasan lang siya ng kilay "Ayus ka lang ba?" tanong niya habang lumalapit kay Sextans

Tumango ang ito at nagpatuloy sa paglalakad. "Uyy talaga bang ayus ka lang? Kanina ka pa tahimik ahh" reklamo niya

"Ayus lang ako" saad nito pero hindi parin nililingon ang dalaga at patuloy parin sa paglalakad

"Saan ka pupunta?"

"Sa tutulugan ko" sagot nito

"Saan ka matutulog?"tanong na naman niya

"Ewan...... Kahit saan" sagot nito "Bakit saan mo ba ako papatulugin?" tanong nito sabay lingon sa kanya

"Ahmm hindi ko alam..."sagot niya sabay kagat ng pang-ibabang labi

Bakit pa siya ganito? Bakit ba siya nagtatanong ng ganitong bagay sa binata?

"Akala ko sa kwarto mo ako papatulugin" sabi nito kaya napalingon siya rito

"Ayoko no! Ano ka senuswerte?" tanong niya

Tumawa ito bahagya "Oo naman swerte ako dahil lahat ng babae nagkakandarapa sakin" mayabang na sagot nito

Hayy ito na naman siya... Mayabang na naman

"Edi ikaw na yung swerte" sabi niya sabay alis at naglakad papunta sa kanyang silid tulugan

Bahala na ito kung saan ito matutulog. Hindi niya na iyon proproblemahin dahil problema na iyon ng binata. Bumuntong hininga siya bago pinikit ang mga mata para matulog.

Nagmahal Sa Maginoong ManyakWhere stories live. Discover now