Chapter 2

79.6K 1.2K 38
                                    

“MERON akong regalo sayo Dock,” masayang wika ni Christine, nang mapag-buksan siya ng pinto ni Dock.

Itinaas niya ang hawak na paper bag para makita nito iyon. Lumapit siya dito at walang paalam na ginawaran niya ito ng halik sa pisngi.

“What are you doing here?” Nagta-takang tanong nito. Isinara na nito ang pinto ng maka-pasok siya. Hindi pa siya nakaka-sagot ay tinalikuran na siya nito at nagpunta sa sala ng unit nito.

“Hindi ka pa nasanay sa’kin, dapat nga sweet mo akong sinasalubong kapag dumadating ako,” pag-bibiro niya dito. Inilapag niya sa couch ang dala-dalang paper bag.

Noong nakaraang araw pa niya nabili ang regalo para dito nang mang-galing siya sa work ay dumaan muna siya sa mall para bilhan ang binata ng munting regalo. Polo lang naman ang binili niya na sigurado siyang babagay dito.

Hindi niya narinig na sumagot ito sa sinabi niya.Sanay naman na si Dock sa kanya. Kaya nga sanay na din siya na cold-treatment pa rin ang natatanggap niya mula dito. Mamayang ala-una pa ng tanghali ang pasok ng mga elementary students sa school na tinuturuan niya may biglaang programa na gaganapin ng alas-otso ng umaga hanggang alasdose ng tanghali para iyon sa mga college students para sa darating na On-the-Job Training ng mga ito.

Kaya naman umaga pa lang ay naisipan na niyang bulabugin si Dock. Ala-sais palang ng umaga kaya alam niyang maabutan niya si Dock, balak niyang mag-handa ng breakfast para dito.

Pangatlong beses pa lang siya nakapunta sa unit ni Dock at kabisado naman na niya ang ilang gamit na meron ito sa kusina. Nag-lakad siya papunta sa kusina nito, naabutan niya doon si Dock na umiinom ng tubig.

“Masaya ka ba? Nakita mo ulit ako,” nakangiting wika niya.

“Lagi naman kitang nakikita,” ikling sagot nito.

“Kaya lagi kang masaya.”

Nakita niya ang ginawa nitong pag buntong-hinga saka umiling. “May trabaho ako, Christine, anong oras pa lang nandito ka na.”

Napa-ingos siya itinigil niya ang ginagawang pagka-likot sa refrigerator nito. Hindi niya ito sinagot. Hinayaan na lang niya na magpunta ito sa sala.

Madali naman siyang natapos sa pagluluto. Itlog at hotdog ang hinanda niyang almusal. Ngiting-ngiti at kinikilig siya sa simpleng almusal na hinanda para sa binata.

Gusto niyang matikman nito ang labi—este ang luto niya.

Nawawalan na siya ng pag-asa dahil isang minuto na ang lumipas walang Dock na lumapit sa kanya mula sa kusina.

Pinili nalang niya na maghanda sa lamesa nito ng mga pagkain. Hotdog, fried rice, egg at tubig. Papasok sa opisina si Dock at kailangan na makakain muna ito bago umalis.

“Dock, kumain ka na bilis—“ hindi niya natapos ang sasabihin ng maramdaman niyang may yumakap sa beywang niya. Nanlamig at nagsi-tayuan ang mga balahibo niya ng maramdaman din ang pagsubsob ng mukha nito sa leeg niya.

She did'nt know how to react. Sabi na eh, kahit ipakita nito na naiirita ito sa kanya ito din ang sumusuko.

“Next time hindi ko na papayagan na pumunta ka dito sa unit ko ng walang pasabi,” bulong nito sa kanya.Naramdaman niya ang pag-haplos ng hininga nito sa leeg niya.

“K-kumain ka na.”

“Mamaya na,” humigpit ang yakap nito sa kanya.

“Sabay tayong kakain ng hinanda mo.”
Bigla ay parang nanlambot siya.

Para kaming mag-asawa!

Pinakalma ni Christine ang sarili at nilakasan ang loob na humarap sa binata. Iniyakap ang braso sa leeg ni Dock.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon