Aluguryon Part 2

6K 270 22
                                    

Cover by: FaberJohn01

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Cover by: FaberJohn01

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Aluguryon

AiTenshi

Nov 4, 2019

Part 2

"Aray!! Ayoko naaaaa!" ang sigaw ng isang kaklase ko na may halong pag iyak.

"Itay, ayoko na kaya. Umuwi na tayo." ang natatakot kong salita noong marinig ko ito.

"Anak hindi iyon masakit. Maligo ka lang diyan sa ilog at linisin ang iyong katawan." utos ni itay.

Sadyang dumarating sa punto ng buhay ng isang batang lalaki ang isang malaking hamon ng kapalaran at iyon ay ang pag tutuli. Ito ay isang tradisyon na ang edad 5 pataas na kalalakihan ay itunutuli bilang pag hahanda sa kanilang pag bibinata. Sa ganitong araw, lahat kami ay nalunoy sa tubig upang lumambot ang balat sa aming ari. Pag katapos nito ay pipila kami upang isagawa ang pag alis sa balat nito. Nakakatuwa lamang isipin na kailangan mong ngumuya ng dahon ng bayabas at pag katapos ay ibubuga mo ito sa iyong ari na noon ay nag durugo. Gayon pa man, pag katapos ng lahat ng ito ay masasabi mong ikaw ay ganap nang lalaki, handa na sa iyong nalalapit na pag bibinata.

"Gabriel ayos kana ba? Dahan dahan sa pag lalakad upang hindi ka masaktan." ang wika ni Itay.

"Ayos lang ako itay. Binalutan ko na ng tela ang ari ko para hindi ito sumasabit sa salawal. Dapat kasi sa susunod na taon nalang ako mag patuli e."

"Ano ka ba, nariyan na iyan. Nakaraos kana kaya tapos na ang pag hihirap mo. Kung sa susunod na taon pa ay 8 taon kana noon, tiyak na mapag iiwanan kana ng mga kaklase mo. Tiyak na pag tatawanan ka nila kapag nakita ka nilang supot ka."

"Bawal raw itong ipakita sa babae dahil mangangamatis. Iyan ang sabi ng nag tutuli kanina."

Natawa si itay "siguro ay may katotohanan iyon."

Tawanan..

Habang nasa ganoong pag uusap kami ni itay ay siya namang pag tanaw namin sa aking kapatid na si Jose, nag kakandarapa ito sa pag takbo, tinatawag ang aming pangalan, natatakot at umiiyak. "Kuyaaaa, Itay!!" ang natatarantang boses niya.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ng aming ama.

"Si Inay! Bigla nalang itong hinimatay! Tumama ang kanyang ulo sa lamesa at nag durugo ito. Tulong itay!! Bilisan natin!!" ang sagot niya.

Noong marinig namin ito ay agad kaming nag tatakbo ni itay. Kahit masakit ang aking ari ay nagawa ko pa ring kumaripas ng pag takbo dahil sa kaba at pangamba na baka may nangyaring masama sa kanya. Ang kabog ng aking dibdib ay hindi matatawaran, pakiwari ko ba ay lalabas ang aking puso sa aking bibig. Samantalang si Itay naman ay pinipilit labanan ang kaba at takot, bagamat ramdam kong nanginginig ang kanyang katawan dahil sa labis na pag alala. Sobra ang pag mamahal niya kay inay kaya't ginagawa ang lahat para dito. Si Itay ay simbolo ng isang mapag mahal na haligi at asawa.

ALUGURYON (BXB 2020)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora