Prolouge

15K 227 4
                                    

"Michelle, one more lift." pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking noo. Kaya ko to! Pinusisyon ko ang paa ko sa kung saan ako makakabwelo ng maayos. When I got my place, I nodded.

"Yes, Sir. One, two, three!" ihinagis na nila ako sa ere. Ginawa ko ang stunt ko at nakatungtong ako sa kamay ng mga sumasalo sakin ng mabuti. Sabay taas ng aking dalawang kamay at ngiti ng matamis. 

"Good job Michelle! Water Break!"

Hingal na hingal ako nung ibinaba nila ako. I smiled at my team mates at nakipag apir pa. Pumunta na ko sa bleachers kung saan nakalagay ang favorite drink ko. Ininom ko iyon sabay punas ng twalya sa mukha ko. Maybe I'll get a good shower tonight.

"Ang galing mo girl! Bagay na bagay kayo ni Bryan!"

"Thanks girl." I smiled at the girl who praised me and my boyfriend. I smiled at the thought of his name.

Inilibot ko ang tingin ko. Wala pa si Bryan dito? He should be here practicing basketball. Malapit na ang Intramurals.

I noticed s past few days, para siyang palaging lutang. Ewan ko ba, baka pressured lang.

Tatayo na sana ako nang may makita akong isang estudyanteng papalapit sakin.

Oh, si Charlene, isa sa mga kaibigan ko dito. I smiled at her face who's approaching me.

"Oh, hingal na hingal ka." sabi ko habang inaayos ang ipit ng buhok ko.

"Yung blue notebook mo?" napalingon agad ako sa kanya once na marinig ko iyon. Agad akong pumunta sa bag ko upang icheck iyon. Hinalungkat kong mabuti ang bag ko. Shet! Nawawala! Sinabog ko ang gamit ko. Pero wala parin!

"Asan na yun?!" alalang alala kong bigkas.

"Di ko man alam ang laman non, nakita ko yun kanina!" napatingin ako sa kanya bigla.

"Asan?" kinakabahan kong tanong.

"Hawak ni Xander."

I'm Dating The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon