Tinanaw ko na lang ang kotse nitong papalayo at napabuntong hininga.

Napahawak ako sa dibdib ko and I felt unfamiliar thing.  Hindi ko dapat maramdaman ito.

Minsan malakas ang tibok ng puso ko at ngayon naman ay ganito.

Did I need to check up? Haist. Wala naman siguro akong sakit sa puso ano.

Hanggang sa mawala ang bulto ng kotse nito ay nakatanaw lang ako. I sighed and turn my face into my apartment pero ganon nalang ang gulat ko ng sumalubong ang tingin ni Ate Cheryl kaya napahawak ako bigla sa dibdib ko.

"Ate Che Naman!"
I hissed and closed my eyes.

I heard her laugh and my eyes automatically open and look at her with glares.

"Talende Clea!" Mapang-asar na saad niya at nginisihan pa ako.

Bumaba din ang mga mata niya sa hawak ko at mas lalong lumawak ang kaniyang ngisi. Jusko naman.

"A-a..ano k-kasi Ate. Wag kang mag-isip ng kung ano binili ko ito!" Naiinis na atungal ko kaya natatawang umiling siya.

"Ano ba ang iniisip ko?" Inosenteng tanong niya kaya nanliit ang mga mata ko.

"Ate! Wala lang yun, promise!" Nanunumpa pa na saad ko at itinaas pa ang kamay ko.

"Osya sige, mag papanggap nalang akong walang nakita ha." Paalam niya kaya napasimangot ako.

"Wala nga lang 'yun e." Mahinang saad ko at lumakad na papunta sa loob ng apartment.

Sumunod naman siya saakin at nakita ko na sa loob si Heiji na nasa sofa at may hawak na papel. May idinadrawing yata.

"Hello baby." Bati ko sa kaniya.

Nag-angat naman ito ng tingin at maliwanag ang mukhang tumayo at yumakap saakin.

"Hello din Ate!" Magiliw niyang bati pabalik.

Natawa naman ako at hinawakan ang ulo niya at marahang ginulo.

"Musta ang Cute na Cute kong Baby ha?" Malambing na saad ko at hinawakan ang kaniyang pisngi.

"Okay lang po. Ate look oh! Binigyan ako ni Teacher ng mga stars. Perfect daw po kasi ako sa pinasagutan niya kanina." tuwang tuwa nitong ipinakita ang kamay niya at ang palm niya na ikinangiti ko pa lalo.

"Ang husay-husay naman ng Baby namin na 'yan! O sige dahil very good ang Baby Heiji ko kakain siya ngayon ng Ice cream." Anunsyo ko at mas lumiwanag ang kaniyang mukha sa narinig.

"Yehey! Thank you Ate ko!" Masayang sigaw nito at hinila na ako patungo sa kusina.

Natatawa naman akong sumunod ganon din si Ate Che na nakatunghay lang saaming dalawa.

I pulled a chair to him at pinaupo ko siya don. Inilapag ko naman ang dalawang box ng Ice Cream na binili ni Mr. Dela Vytch.

Kumuha na din ako ng tatlong baso at isa-isang nilagyan iyon. Habang nag lalagay ako ay nagsalita naman si Ate Che.

"Cristlea, ayos lang ba kayo sa trabaho mo? Hindi ka ba naman nahihirapan?" Tanong nito na puno ng pag-aalala. Napangiti naman ako.

"Hindi naman po Ate. Ayos lang po kahit medyo mahirap dahil Secretary po ako." Nakangiting sagot ko. Tumango naman ang huli at inilapag ko na ang baso na may Ice Cream.

Chocolate yung isa at isang Vanilla naman ang kabila. Parehong paborito ni Heiji iyon kaya hindi ko maiwasang pagsaluhin dahil iyon palagi ang pinagagawa niya kapag bumibili kami ng Ice Cream.

Nag kataon lang siguro na ito na lang ang available sa Store kanina kaya ipinagkibit-balikat ko na lang.

"Ano gusto niyong dinner?" Tanong ko sa pagitan ng pagkain ng Ice Cream. Nakita ko naman si Heiji na nagpanggap pa na tila nag- iisip bago nagsalita.

"Adobo!" Sabay kaming natawa ni Ate Che dahil don. Naiiling naman akong kinurot ng bahagya ang pisngi nito.

"Ikaw talaga mag poop na tayo sa kauulam ng Adobo. Mag fi-fish fillet na lang ako okay?" Saad ko. Ngumiti naman ito at nag thumbs up pa.

"Ate dito na din kayo kumain ha." Saad ko sa babae. Nilingon ko naman ito at nakita ko na masayang tumango.

"Oo ba, sayang rin ang libre." Natatawang sambit niya kaya natawa din ako.

Pagkatapos ng usapan na iyon ay tumayo na ako at nagsimula ng mag luto. Katulad nga ng napag-usapan ay dito sila kumain saamin at pagdating ng gabi ay nagtrabaho na lang ulit ako para sa Finance report na pinagawa saakin.

Dapat ang Finance department ang gagawa nito pero ako pa ang nautusan. Secretary ako oh! Hindi ako taga gawa ng ganitong report hmp!

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtatrabho ay bigla nalang nag beep ang cellphone ko kaya saglit ko iyong tinignan.

Napaarko ang kilay ko at iniopen ang unknown number na nagtext saakin. Sa kalagitnaan ng ganitong oras may magtetext pa saakin?

'Your actions will make some conflict to your life. Be wisely, known better of the people around you. Hindi mo alam na nasa paligid mo lang ang  mga kalaban.'

Kumabog ng napakalakas ang dibdib ko at bigla nanaman akong kinabahan para sa paligid ko.

Fuck. Simula ng pumasok ako ng DVI ay ngayon pa lang ako nakatanggap ng ganito.

Ano ba ang gusto nilang iparating saakin? Sila Dad ba ang may kagagawan nito?

Napahilot na lang ako ng sentido ko at hindi ko na itinuloy ang pag tatrabaho at natulala na lang sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.

***

💚HINOGNASINGKAMAS

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now