02

6.6K 194 8
                                    

"HOW ARE YOU?"

Napalingon ako kila Alieghya and Sabrine. Nandito sila ngayon sa apartment ko, hindi ko alam ang ginagawa nila dito pero after five freaking years ngayon lang sila ulit nag pakita.

Tinignan ko lang sila at tikom ang bibig na ipinag patuloy ang aking ginagawa. Bigla na lang silang pumunta dito. May sama padin ako ng loob kaya siguro ganito ang pakikitungo ko.

May mga pag-kain na nakalagay sa sala pero hindi ko sila kinakausap. Nang dahil kasi sa kanila ay nakagawa ako ng bagay na pinagsisihan ko noon mapa hanggang ngayon.

Tinignan ko silang dalawa pero hindi ako nagsalita at lumapit na lang kay Heiji.

"Dun ka muna kay Ate Cheryl?" Saad ko sa bata na tumango naman at ngumiti.

"Sige po Ate. Bye po, bye din po sa inyo." Magalang at malambing na 0amamaalam ni Heiji na nginitian naman ng dalawa.

Pag kaalis ng bata ay napatingin ako sa dalawa at inialis din tsaka ako pumunta sa sala .

"Please!! Cristlea. Pansinin mo naman kami, you know, we are not ghost here."

Nag hihisterikal na saad ni Sabrine saakin at tumayo pa. Lumapit siya saakin at hinawakan ang aking kamay.

"What do you want me to say? Hi? Hello? Mabuhay?"

I Sarcastically said and pushed her hands away.

"Wala na akong oras pa sa pakikipag bonding sa inyong dalawa, my life ruined because of your silly dares. Nakakatrauma na baka mamaya pag nakipag lapit na ulit ako sa inyo ay sa malaking pagkakamali na naman ang magawa ko."

Alam ko na sa mga binitawan kong salita ay masasaktan sila, pero eto lang ang paraan para malaman ko kung seryoso ba silang kaibigan saakin.

"Im sorry."

Napatingin ako kay Alieghya na nakatungo na ngayon ang ulo habang mahina ang boses na nag sasalita.

"Im sorry, kung hindi dahil sa akin sana nasa 'yo pa rin ang lahat. I'm sorry for what I did in the past. Please, patawarin mo na ako."

Mahinang sabi niya at nakita ko naman ang paggalaw ng balikat nito.

Umiiyak. Nangingilid ang luha ko habang nakatingin sa kanila. Ganon ba kadali iyon? Mapatawad?

Yes, i want them to suffer at maibalik yung sakit sa kanila but looking at them like this?

Para akong sinasakal.

Kaya kahit masakit ay kailangan ko itong sabihin.

"G-give me a time to think."

Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko at maisabi ko ng buo ang gusto kong sabihin.

"Bigyan niyo ako ng space. F-five years isn't enough para mapatawad kita Leigh. Masakit e. S-sobra yung sakit nung araw na pinalayas ako ni Dad. He even disowned me. P-pinahiya niya ako and after that itinago sa lahat. What do you think I'm thinking right now? Hindi niya inisip ang bata. H-hindi niya ako binigyan ng pag kakataon na magpaliwanag. M-masakit kasi, ako yung nag aruga kay Heiji na walang tulong nila Mom and Dad. S-sobra yung hirap ko non and now sasabihin mo saakin na p-patawarin kita? Sa loob ba ng limang taon nasaan kayong d-dalawa? N-ngayon ayos na ako tsaka kayo babalik at manghihingi ng sorry? Sa limang taon na y-yon, h-hinintay ko kayo, h-hinintay ko na sana tulungan niyo ako. P-pero ni isa sa inyo walang dumating para tulungan a-ako!"
I totaly breakdown.

Humahagulgol akong napa upo. Napahilamos ako sa mukha ko habang umiiyak ako.

I look at them. Umiiyak sila pero hindi nila ako nilalapitan.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz