ZATRA 1 -

3.9K 229 14
                                    

Nagising ako ng maramdamang bumubukas ang bakal na pinto sa kulungan.

"Narito na ang iyong pagkain bihag." Sabi ng kawal at itinapon ang isang tinapay na mahaba.

Agad-agad akong gumapang papunta sa tinapay at kinain ito.

Nahihirapan akong gumalaw sa kadahilanang naka-kadena ang aking kanang paa.

Sumandal ako sa sementong haligi ng kulungan habang nginunguya ang tinapay at may tumulong luha sa aking mga mata.

Naaawa ako sa sarili ko.

"Sniff" singot ko sa aking sipon at pinunasan ang mga luha gamit ang likod ng aking kamay.

Habang kinakain ko ang tinapay ay may nakita akong maliit na daga na kinakain ang mga nuhuhulog na parte ng tinapay sa sahig. Napatitig ako sa maliit na daga at napatitig bigla sa kadenang nasa aking paa.

"Kung ang kapangyarihan ng mga nilalang na dumukot sa akin ay gumaya ng kahit na anong wangis. Hindi malayong kaya rin nilang maging isang maliit na daga. Kaya nga nilang manggaya ng wangis ng isang nilalang. Ngunit ang hindi nila kaya ay ang gayahin ang kapangyarihan ng kanilang ginagaya. Which in my case, I can do that." Nasabi ko sa aking sarili at ngumiti.

Pinikit ko ang aking dalawang mata at sinubukang maging isang maliit na daga ngunit hindi ko magawa.

"Sa tingin ko'y wala sila dito sa paligid." Bulong ko sa aking sarili at napatingin sa matulis na punyal sa gilid.

Kinuha ko ito at dahan-dahang lumapit sa maliit na daga na abalang abala sa pagkain ng mga nahuhulog na tinapay.

"I'm sorry." Sabi ko sa aking isipan at mabilis na itinusok ang punyal sa daga na ikinamatay nito.

Hinanda ko ang aking sarili at huminga ng malalim at sumigaw ng sobrang pagkalakas-lakas.


"KKKKYYYYYYAAAAAAA!!!!"

As expected, agad-agad nagsidatingan ang mga kawal.

"Anong nangyayari bihag?" Tanong ng isa sa mga kawal.

Hindi ko siya pinakinggan at patuloy lamang ako sa pagsigaw.

"KKKKKKYYYAAAAA!!!"

Maya maya, lumabas ang red na ipo-ipo at niluwa ang lalaking nagkunyaring si Kirkus noon na sa pagkaka-alam ko ay Travis ang pangalan.

"Anong nangyayari sa iyo? Bakit ikaw ay sumisigaw?" Galit na tanong niya sa akin.

Tinuro ko ang patay na daga sa harapan ko at ngumiti.

"Pahiram ng kapangyarihan mo." Nakangiti kong sabi at naramdaman ko na unti-unti na akong lumiliit. Nagmistulan silang mga higante sa paningin ko. Nagawa ko! Nagawa kong gayahin ang isang maliit na daga! Nakawala ako sa kadena at tumakbo ako palabas ng kulungan.

"Hishte! Habulin siya!" Dinig kong sigaw ni Travis sa kanyang mga kawal.

Napatigil ako sa pagtakbo dahil kailangan ko ng umakyat ng hagdanan upang makalabas. Pero sa liit kong ito hindi ako makaka akyat ng mabilis at alam kong maabutan ako ng mga hishteng ito.

Humarap ako sa kanila at naramdaman kong unti-unti akong lumalaki at naging isang pegasus. Hindi lamang basta bastang pegasus dahil ginaya ko talaga ang wangis ni Eros, ang Enca ni Kirkus.

Pinagaspas ko ang malalaking pakpak ko at ang mga kawal na pasugod sa akin ay tumilapon.

Agad naman akong tumakbo paakyat ng hagdanan at muling pinagaspas ang mga pakpak upang makalipad.

ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon