2

6.1K 203 119
                                    


AIZEN SANTOS

"Kumusta ang anak ko, hmm?" Mom asked while cupping my face.

I tried to smile to show her that I was totally fine.

"Naku, mukhang ini-stress ka na naman ng trabaho, halika, kumain kana at mukhang gutom ka." Kinuha ni Mom ang kamay ko at giniya ako sa kusina. Naabutan ko si dad doon na nag-aayos ng mga pagkain sa mesa.

"Dad..." Bineso ko ito.

Marahan naman nitong hinaplos ang buhok ko.

"Mukhang nagkaka-wrinkles kana, sweetheart? Kailangan mo na yata ng tatlong buwang bakasyon sa Greece."

Napa-iling ako. Kahit kailan na mapunta ako sa bahay hindi nila nalilimutang bumanggit ng bakasyon. I guess lahat ng bansa nabanggit na nila sa akin.

"Masyadong mahaba ang 3 months, dad. I'll miss you and I don't want that."

Tumawa ito at pinaghila ako ng upuan.

"Mom, I told you not to cook too much foods," sabi ko nang makaupo sa silya. Punong puno na naman kasi ng iba't ibang pagkain ang mesa na alam kong siya na naman lahat ang nagluto.

"Gusto ko lang kumain ka nang marami dahil simula bata ka hanggang ngayong matanda kana ay hindi ko pa nakikitang tumaba ka," anito at umupo sa tapat ko.

"Alam niyo naman po na hindi ako palakain ng marami. I just don't want you to get tired, alam kong marami na rin kayong dinadaing sa katawan niyo, and anyway, bata pa po ako," I corrected habang kumukuha ng pagkain sa mesa.

"Ipapaalala ko lang sayo na malapit ng ma-expired 'yan." Napatigil ako sa pagkuha ng fruit custard at tumingin kay mom. "Alam mo kung anong tinutukoy ko," dugtong pa nito habang natatawa-tawa.

Nilgay ko ang fruit custard sa pinggan ko. And isa pa, hindi nila nakakalimutang ipaalala sa akin na matanda na ako.

"Wala ka bang planong bigyan kami ng apo ng Mommy mo?" tanong ni dad.

"Tsaka na po natin pag-usapan 'yan," sabi ko at sinubo na ang pagkain ko.

Parang lagi silang may deadline at minamadali nila akong mag-asawa, mag-anak at kung anu-ano pa. They more worried about my future.

Marami silang kwento sa tuwing nasa bahay ako. I knew they were trying to entertain me. Alam kong gusto lang din nila akong pasayahin.

"Kumain ka pa," si Mom na naglapit pa ng mga pagkain sa akin.

"I'm already full, Mom."

"Hindi. Kumain ka nang kumain hangga't hindi ko naririnig na dumighay ka, okay?"

"Pagbigyan mo na ang Mommy mo, lagi na 'yang nag-iisip sa'yo kung kumakain ka ba ng tama sa oras. Minsan ka lang dito kaya gusto niyang makitang nakakain ka nang maayos."

Pinunasan ko ng napkin ang gilid ng labi ko at tumingin kay Mom.

"Mom, I'm fine. You have nothing to worry about me. Okay lang po ako."

Naramdaman ko ang paghawak ni dad sa kamay ko.

"Hindi mo kailangang sabihin sa aming okay ka para lang hindi kami mag-alala, anak." He was looking at me na parang alam niya ang totoong nararamdaman ko, "Alam mo ba, sa tuwing nakaka-usap namin noon ang Ate mo lagi niya ring sinasabing okay siya, she always showed us na okay siya kahit nakikita at nararamdaman namin ng Mommy mo na hindi siya okay."

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Nov 19, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

My Last (IMAS Book 2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ