1

6.3K 149 62
                                    


AIZEN SANTOS

"Happy birthday, Ma'am!"

I didn't expect na pagtungtong ng mga paa ko sa floor ng office ay may sasabog na confetti at babatiin nila ako sa araw na hindi ko naalalang birthday ko.

They were all smiling widely at me. Lalo na si Alex at Chelsea sa may mga dalang cake sa mga kamay nila.

"Maligayang bati sa iyong pagsilang, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Nagpalakpakan ang mga ito pagkatapos ng kanta.

I felt like something embraced my heart. Napangiti ako. "Thank you. Thanks, everyone."

Lumapit sa akin si Alex at Chelsea hawak ang cake sa mga kamay nila.

"You can now make a wish, Ate," ani Chelsea.

Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang mga cake bago ko ipikit ang mga mata ko.

Thank you so much lord for this day. Please give me strength to overcome each day na wala si Kier sa buhay ko. Lord please embrace him for me.

I opened my eyes and smiled a little. Muli silang pumalakpak.

"Thank you, Alex, Chelsea."

"Ikaw pa ba, Ma'am?" said Alex.

"Tanggalin mo nga 'yang kandila sa cake," utos ko sa kanya.

It was number 30. Hindi ko gustong makita ang edad ko dahil pakiramdam ko ay tumatanda na talaga ako.

"Mukha pa rin naman pong teenager, ah? Fresh na fresh!" anito.

Napa-iling na lang ako. "Sige na, mag-order ka ng foods. My treat."

"Yes!" sigaw nila.

Lalo akong napangiti. Humakbang na ako patungo sa opisina ko. Nakasunod naman sa akin si Chelsea.

"Just give me a slice, Chels," sabi ko nang mabuksan ko ang pinto ng office ko.

"Ah sige po, Ate."

I told her na Ate na lang ang itawag niya sa akin kung kaming dalawa lang naman din ang magkausap.

Napansin ko na maraming bouquet ng bulaklak sa table ko. Nilingon ko si Chelsea nang nakakunot ang noo.

"Ah, galing 'yan sa mga manliligaw niyo, Ate."

Tumaas ang isang kilay ko. "Alam mong hindi ako nagpapaligaw."

Binaba ko ang bag ko sa table at kinuha ang isang bouquet ng bulaklak na nasa swivel chair ko.

"Galing kay, doc 'yan, Ate." Makahulugang ngiti nito.

Muli kong tiningnan ang bulaklak. He shouldn't bother. Nilapag ko iyon sa table at umupo sa swivel chair ko.

"All yours."

"As always, Ate. Akala po tuloy ng boyfriend ko marami akong manliligaw."

Nangingiting napailing ako. I was glad na mukhang masaya siya sa kung anong relasyon na mayroon siya ngayon. Masaya rin ako para kay Alex na ngayon ay engaged na. Promoted na rin siya as Vice President of Finance at si Chelsea na ang pumalit bilang secretary ko.

"Sinabi ko na kasi sa'yo na wag ka nang tumanggap ng mga bulaklak."

"Eh, sayang kaya, Ate kung itatapon lang. Ang gaganda pa naman."

"Sige na, mag-order na kayo ng foods ni Alex."

"Sige po."

Sumandal ako sa swivel chair ko nang makalabas ito ng opisina. I looked at no specific thing in the room.

My Last (IMAS Book 2)Where stories live. Discover now