Season 1 |5|#AngProbinsyanoSaBar

Start from the beginning
                                    

"Umm..."panimula nung babae.

Tss... kanina ang kapal ng mukhang kausapin ako tapos ngayon kala mo nahihiya. Mga babae talaga.

"Hey, are you from here? Or galing ka sa province?"

Sus, hindi na lang sabihin sa akin na baduy ako manamit. May pa ingles-ingles pang nalalaman.

"Hey," pangungulit nung babae, pero syempre hindi pa din ako umimik.

"Hey," papabayaan ko lang siya mag salita diyan siguro naman magsasawa din yan. "Hey,

Nako Kendrick, aalis din yan.

"Uy manong,"

Ano daw ang sabi niya? Manong daw? Aba loko 'to ah!

"Uy mamang mukhang probinsyano..."

Hay! Kabanas! Ano bang problema nito? Hindi niya ba talaga ako tatantanan? Ang ingay niya!

"Shut up." Sabi ko. Alam ko na medyo naging cold yung tono ko pero pabayaan niyo na, nakakabanas kaya. Ang ingay niya kasi tapos boses palaka pa.

Sinubukan ko siyang tingnan ng masama, kaso bigla na lang ako natigilan ng makita siya.

Kahit na sobrang dilim kung saan kami nakaupo ngayon at tanging ilaw lang ng bar ang nagsisilbing liwanag para makita ko yung mukha niya, e natigilan pa din ako.

Paano ka ba naman hindi matitigilan pag mukha ng isang anghel yung makikita mo?

Shit, ang ganda niya.

Ang haba ng buhok niya, hanggang bewang ata tapos ang puti-puti niya. Medyo malapit siya sa akin dahil sumiksik lang naman siya sa tabi ko kaya kitang-kita ko yung mukha niya. At ni isa mang bakas ng tigyawat wala ako nakita. Yung mga mata niya medyo singkit parang may lahing koreana. Tapos ang haba din ng mga pilik mata niya. Hindi ko na din napigilan na hindi tumitingin sa mga labi niya. Nyemas kasi, ang pula tapos parang ang sarap halikan...

Ay nako!Nalasing lang ako naging manyak na ako!

Kasalanan lahat ito ng mga walanghiyang yun! Hindi sana ako nagkakaganito kung hindi nila ako ginago.

"Oh bakit ka nakatitig diyan?" tanong nung babae. Mukhang nahuli ata ako nito ah, halata kasi sa boses niya na nangaasar lang siya.

Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya, mahirap na baka ano pa ang magyari.

"What do you want?" inis na tanong ko.

"You told me to shut up earlier, so bakit ka nagtatanong?"

Madaldal na nga, pilosopo pa. Nako sayang lang ang ganda niya. Makaalis na nga dito!

Tatayo na sana ako kaso bigla niya hinawakan yung braso ko. Ewan ko ba kung dala lang ng kalasingan pero parang may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa aming dalawa. Korny ba? Oo nga e para akong baklang lasing na nakatayo dito.

"Wait! Sorry, I am only joking. Please sit down."

Dahil sa ayaw ko pa talagang umuwi kasi hindi ko masisikmura na makita yung mga bayarang babae ng dad ko, tumabi na lang ulit ako sa kanya. Pero sinigurado ko na nasa magkabilang dulo na kami ngayon.

Hindi ko naman inaasahan na tatawa siya bigla.

Ano bang klaseng babae 'to? Baliw na ata.

"Ano bang nakakatawa?" sabi ko.

"Wala lang. Para ka kasing mga kababata ko ang sungit."

Nang hindi ko nanaman siya pinansin umusog siya sa upuan hanggang magkatabi na naman kami.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now