Friendship... ^^

118 0 4
                                        

"And I'll sing a melody and hope to God she's listening sleeping softly while I sing" tunog ng cellphone ko, inabot ko ito at sinagot ang tawag (Angel calling),

 "hello, Angel? oh? bakit?" sagot ko sa kausap ko sa kabilang linya,

 "Kakagising mo palang? anubayan, late kana naman, bilis-bilisan mong gumalaw at may lakad pa tayo,marami pa tayong dapat tapusin ngayong araw" sagot naman nya na medyo may panga-asar at halong galit pang kasama.

"Ganun ba? sige teka lang maliligo at kakain lang ako, san ba tayo magkikita kita? sinu-sino ba ang kasama natin? anu-anu bang gagawin natin?" sabi ko ulit na medyo inaantok pa din ang tono.

"Mamaya ka na magtanong sinabi nang bilisan mo, basta magpunta ka nalang dun sa may kanto ng Malainen, ung kanto na papasok kila Kim".

"Ahh, ganun ba? okey, 15 minutes nandyan na"  toot... toot... toot... toot... toot... , ibinaba na ni Angel ang phone nya at hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita. Nagmadali na akong maligo at kumain at baka kung anu pang gawin sa akin noong babaeng yon kapag nagtagal pa ako, halos hindi ko na nga naubos ang pagkain sa plato ko.

 "Nanay, aalis po kami nila Angel, may pupuntahan daw po kami", "oh sige, ihahatid nalang kita dun sa kanto, naipag paalam kana sa akin ni Sanni, may pupuntahan daw kayo, dun daw sa may kila Kim" sagot naman agad ng nanay ko. Buti pa Nanay ko alam agad kung saan kami magpupunta pero ako, wala akong kaalam-alam kung saan yon. Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ng mga dadalhin kong damit ay inihatid na din agad ako ng nanay ko dun sa kanto na pinag usapan naming, ung meeting place namin. Tinext nga din pala ni Angel na magdala ako ng extrang damit mga dalawang pares daw.

Nakarating na din kami agad sa meeting place naming at doon nga inabutan ko na sila Angel. Kim at Sanni na mukhang maiinit na ang ulo dahil kaninang kanina pa ata ako hinihintay, halos mag iisang oras na kasi nung tinawagan ako ni Angel.

"Pasensya na late na naman ako" medyo mahinang sabi ko sa tatlo at sinamahan ko pa ng ngiti.

"Ok lang, sanay  na kami" sabay-sabay na sagot nila na para bang pinag planuhan at pinag praktisan, aba at sinamahan pa ng mapanlokong ngiti nilan.

"Sige po, alis napo kami" pagpa-paalam ni Sanni sa nanay ko.

 "Oh sya sige, wag kayong magpapagabi ha?" sabi ng nanay ko sabay abot ng baon ko.

 "opo" sagot naman naming apat. Umalis na ang nanay ko at kami naman ay naghanap na ng tricycle na masasakyan namin, medyo malayo layo din kasi ung bahay nila Kim, pero buti nalang mas mura  ang singgil ng mga tricycle driver dito, kinse pesos lang ang singgil sa bawat isa sa amin.

"Malayo pa ba tayo? nagugutom na ko eh" tanong ko kay Kim, si Angel at si Sanni kasi ang nasa likod  ng tricycle at kami lang ni Kim ang nasa loob.

"Lagi ka namang gutom diba?" sagot sa akin ni Kim na may halong panga-asar pa ang tono, "sabagay, sabi ko nga" sagot ko naman na parang naeewan lang.

 "Kuya sa may tabi nalang po" "kuya, PARA NA PO!"nilakasan ni Kim ang boses nya dahil sa palagay ko medyo napikon na dun sa tricycle driver na parang naggbibinge- bingehan pa.

"ARAY" sigaw ni Sanni na gunimbal sa amin, pano ba naman ang lakas ng boses nya at sa sobrang lakas ng hiyaw nya ay pinagtinginan kami nung mga tao na nandun. "hahahaha" tawa naming tatlo na may halong pang iinis kay Sanni. Di na kami nagtagal at nagpunta na nga kami sa bahay nila Kim. Sa pagkakatanda ko, pangalawang beses ko nang nakapunta sa bahay nila Kim, kaso yung unang beses ay gabi na mga alas otso o alas nuwebe na ng gabi noon.

Ilang lakad lamang, ay nakarating na rin agad kami sa bahay nila Kim, nadatnan naming doon ang nanay, at dalawa pang kapatid pa niya.

 "Good morning po", bati naming na may paggalang.

Friendship... ^^Where stories live. Discover now