CHAPTER 11: car racing

Start from the beginning
                                    

" kayo na lang may ipinapaayos pa si dad na mga papers "

"Sabihin mo tinatamad ka lang..sige na ihahatid ko na lang jan yun sayo "saad niya saka pinatay ang linya.

Bakit ba kasi ako pa ang gagawa ng mga hinayupak na to putcha nakakabawas ng gwapo .

Saad ko sa isipan ko habang inaayos ang mga papel na tungkol sa business ni dad.

Habang inaayos ko ang mga papel ay may biglang nahulog na sobre kaya kinuha ko ito at pinag masdan at nang wala akong makitang sulat ay binuksan ko ito at tumambad saakin ang isang litrato  ni dad kasama ang isang lalaki na kaedad niya at babae na kaedad ko nang titigan ko ito ng mabuti ay biglang nanunot ang noo ko sa napansin ko .

Teka pamilyar ang mukha niya. Saan ko nga to nakita?

Saad ko sa isipan ko pero nang mapagtanto ko sa isip ko kung sino ito ay nasapo ko ang noo ko

" tangina parang si anne to pero hindi lang siya nerd sa picture nato"  bulong ko sa sarili ko at bigla kong nabitawan ito nang may humawak sa bslikat ko at nang lingunin ko ito ay "Dad!" Gulat kong saad.

" Wala akong matandaan na sinabi kong pakialaman mo ang litratong to" seryosong saad ni saka kinuha ang litrato sa table.

" sorry dad  bigla kasing nahulog yan kaya kinuha ko at tinignan"   deretsong saad ko

" Sa susunod wag mong pakialaman ang mga bagay na hindi ko iniutos sayo dahil baka ikapahamak mo ito"

" Tss dahil lang sa picture na ya  mapapahamak ako? Nakss dad masyadong bumibilis ang pag tanda niyo kaya kung ano ano ang naiisip mo" natatawang saad ko sakanya.

" I' m deadly serious son. Hindi ko gustong mapahamak ka at hindi mo kilala ang taong to " saad niya at ihinagayway ang litrato kaya bigla akong nakaramdam ng takot.

" what do you mean dad?" Kabadong tanong ko.

" just promise mo na wala kang pag sasabihan masku ang mga kaibigan mo" saad niya kaya tumango ako bilang sagot " Siya si Mr.Francis isa siyang mayamang business man pero kahit ganun mailap din siya sa mga tao kaya itong babaeng kasama namin ay ang nag iisa niyang anak diko alam ang totoong pangalan niya dahil code name lang ang ginagamit niya. walang miski isa sa mga naka transakyon niya ang nakaalam sa totoong pangalan niya. Pili lang na mga tao ang may alam non at yun yung mga kasama niya."  Mahabang saad ni dad.

She's a Secret Mafia LeaderWhere stories live. Discover now