Search 33: Operation; trust and believe

2K 33 0
                                        

Search 33: Operation; trust and believe

N A R R A T I O N:

Tinamaan si Gret at ang mas nakakapangilabot, ang anak niya ang sanhi kung bakit siya'y tinamaan. Hindi naman iyon kasalanan ni Julia sapagkat humarang si Gret. Ang dapat na tamaan nun ay si Kath.

Dumating bigla sina Seth. Gulat man sila na makitang nakahandusay sa sahig si Gret, binuhat pa rin nila ito at idinala palabas. Binuhat naman nang mag-isa ni Daniel si Kath palabas. Si Seth ay pinosasan naman si Ia.

"Mommy..." paulit-ulit na sambit ni Julia habang inaalalayan ni Seth palabas.

Idiniretso sa hospital si Gret, Min, Ted at Kath. Ang iba ay sumama papuntang ospital pero si Ia ay idniretso naman sa prisinto. Doon lang daw muna siya habang hinihintay ang Mommy niya. Nasa loob man ng selda si Julia nakatulala pa din siya. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagbaril sa Mommy niya.

Daniel's POV

"Anak, okay ka lang ba?! May masakit ba sayo? Ano? Ano? Sumagot ka naman." tanong ni Mama.

Napatingin ako kay Papa. Napalingo-lingo lang siya dahil sa ginagawa ni Mama.

Ano ba naman 'to. Hindi naman ako bata.

"Okay lang ako, Ma. Mga konting galos lang ang nasa mukha ko. Si Kath ang inaalala ko."

"Anong konting galos? Pati labi mo may sugat, oh! Sino ba ang nanuntok sayo para masuntok ko din?!"

Tsk. She's being an amazona again.

"Wala nga lang 'to ma." Tsaka ako lumapit kina Lester.

Lahat ng kaibigan ni Kath nandito nasa hospital. Ilang oras na ang nakalipas, mga dalawa na yata, pero wala pa rin kaming balita sa kanya dahil nasa emergency room pa siya. Sina Tita Min at Tito Ted nasa maayos na kalagayan na at nandun na sila sa kwarto nila kasama si Ate Kate, Kuya Kevin at ibang Society members. Kailangan na lang daw nila ng pahinga pagkatapos nilang magamot.

Biglang bumukas ang pintuan ng emergency room.

"Doc, ano po ang balita?" agad-agarang tanong ni Ate Chrysler.

"Mrs. Barreto is okay right now. Mabuti at hindi malalim ang pagkakabaon ng bala pero..."

"P-pero po ano? Ano pong nangyari kay Kath?" mangiyak-iyak na tanong ni Ate Chrys kaya napunta ang lahat n gaming atensyon doon.

"She needs immediate operation. We need to find a donor..."

Biglang umiyak si Ate Chrys.

H-hindi ko maintindihan...

Anong operasyon? Anong donor?

"A-ate, anong ibig sabihin ng doktor?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako.

Dinambahan ng kaba, takot at pag-aalala ang buong puso ko. Parang bumigat ang damdamin ko.

"Daniel, kayong lahat, ma-makinig kayo sa'kin."

Naghintay kami sa mga susunod na sasabihin ni Ate Chrys.

"May sakit si Kath. M-may butas ang puso niya."

M-may bu-butas ang puso ni Kath?

Humagulhol sina Juls, Kirs, Miles, Mich at Liz. Si Ella naman ay sumama muna kina Tita Min.

"P-papano po nangyari 'yon?" tanong ng kapatid ko na si JC.

"We don't know. Natuklasan lang namin 'to pagpunta namin sa Vancouver. Ayaw niyang magpa-opera noon but now, I'm not going to follow her decisions. I'll find Kath a donor. Even if it's against her will." Sabi ni Ate.

My Lost Lover [KathNiel FF]Where stories live. Discover now