Search 12: The Secret Comeback

2.3K 42 0
                                    

Search 12: The Secret Comeback

Daniel's POV

Next week na daw ang bakasyon ko kasama si Floremae at sa Boracay daw ang punta namin. Like seriously, ano ba ang gimik nina Lester at naisipan pa nila na papiliin ako ng babae? Eh sigurado naman na sasama din sila doon eh.

Barkada talaga Tsk. Tsk.

Papunta ako ngayon sa bahay. Wala akong klase kaya sa bahay na lang muna ako.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Mama na may kausap sa phone niya. Nilapitan ko siya para sabihin na nandito na ako at nabili ko na ang pinapabili niyang KFC chicken. Habang papunta ako sa kanya, narinig ko yung mga napag-uusapan ng kausap niya.

"O-okay...basta kung may kailangan k-kayo, sabihin niyo lang s-samin..." umiiyak si Mama? Bakit?

"Yeah...same here friend... naiintindihan ko."

Magsasalita na sana ako pero...

"Okay. I understand you. Promise ko na walang ibang makakaalam nito kundi sila lang. I'm willing to help and I know na gnaun din sila. Welcome back."

"Ma?" tinawag ko siya at bigla namang napaharap sakin si Mama. Nakatalikod kasi siya kanina.

"A-anak!" Nagulat siya at agad niyang itinago sa likod niya ang phone at pinahid yung luha niya sa mukha niya.

"Sino yun? Bakit ka umiiyak?"

"H-ha? Wala. Long lost friend lang yun. H-hehe."

Napatango na lang ako sa kanya kahit na hindi ako gaanong kumbinsido. She looks startled.

"Heto na po ang pinapabili niyo." Tapos inabot ko ang supot.

"SIge, salamat, anak."

"Okay. Punta na akong kwarto."

Kathryn's POV

Now we're heading back to Philippines.

Ano na kaya ang nangyayari sa kanila dun? Okay pa kaya sila? Palagi pa bang nagsha-shopping sina Juls, Miles, Kirs, El, Liz at Mich? Gumigimik pa kaya sila Lester, Seth at Kats? Sina Magui, Lelay at JC kaya? kamusta na? Pati sina tito at tita? Eh si Ate Ro?

Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadya na lumabas sa aking mga mata.

Si DJ kaya? Kamusta kaya siya? Nakakakain ba siya tatlong beses sa isang araw? Naaalagaan pa ba niya yung aso niya? Ano na kaya ang lagay nila ngayon? Maayos pa ba sila? Mga topakin pa ba sila?

At muli akong napsinghap ng malalim.

"Okay ka lang Kath?"

Hindi ko namalayan na tumabi na sa akin si Kuya Kevin.

"Kinda." Maikling sagot ko.

Nasa loob na kami ng eroplano ngayon. Nasa himpapawid na kami ngayon.

"Are you sure? Okay lang talaga sayo na bumalik tayo?"

"I'm not that sure about this pero parang may nagsasabi kasi sa'kin na bumalik na kaya pumayag ako sa suggest nina Daddy at Mommy. I know it's still dangerous for us and for them pero..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi biglang nagulo muli ang isip ko at tumulo na muli ang mga luha ko.

Tama nga ba na bumalik na kami?

"Kath, always remember that we're here for you. Pamilya tayo dito at magtutulungan tayo kahit na anuman ang mangyari."

"P-pero... k-kasal---"

"It's not your fault, Kath. Okay? Lahat tayo ay damay dito. Lahat tayoo binigyan na ng threat. It's not only you. Kami din."

Napatingin ako kay Kuya.

"What do you mean?" I asked confused. Hindi ba't ako lang ang nakakatanggap ng threats?

"Muntik na akong mabunggo noon ng sasakyan. Si Ate Chrys naman ay binugbog at si Ate Kate naman ay muntikan na ding maipit ng dalawang sasakyan noon. Sumabog naman ang sasakyan noon nina Mommy at Daddy. Buti na lang nga at nakalabas na sila noon."

Nabigla ako sa mga sinabi ni Kuya. Hindi ko ito alam.

"Why did you hide all of this from me?"

"Because we don't want you to worry about us, too. Marami na ang pinoproblema mo. Sinabi ko sa'yo 'to kasi sa tingin ko sinisisi mo na ang sarili mo which you shouldn't do. You shouldn't blame yourself because it's not right."

Niyakap ko si Kuya.

"Sana sinabi niyo na lang Diba nga sabi mo, pamilya tayo? Eh kayo 'tong nagsasarili eh!" sabi ko sa kanya. He hugged me back too.

"Sorry, Kath. Hindi na mauulit."

Naghiwalay na kami sa pagyayakap at pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko.

"You're my baby sister and it hurts na makita kang ganyan. Kaya smile na, okay? Stop blaming yourself too."

"Okay, kuya."

I wish na maayos na ang lahat bago pa lumaki ang problemang ito.

My Lost Lover [KathNiel FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon