Search 11: Pagpaparamdam

2.6K 37 2
                                    

Search 11: Pagpaparamdam

Julia's POV

Ano na kayang nangyari sa plano nina Les?

Successful kaya? Failed? O 50-50?

"Hay, ang boring naman oh!" nakabusangot na sabi ni Ella habang umupo sa couch.

"Agree..." -Liz

"Parang ang sarap matulog pero hindi ka naman makatulog! Hay nako." Sabi pa ni Miles.

Nandito kami tambayan naming. Nakaupo kami kung saan-saan na may kasamang pout na malungkot. Ang boring naman kasi talaga eh! Wala kaming mapagdidiskitahan dito. Nako naman.

"Eh kung manood na lang kaya tayo ng movie dito?" suggestion ni Kirs.

"Oo nga! Nice idea, Kirs!" I exclaimed bilang pagsang-ayon kay Kirs.

"Eh ano naman papanoorin natin? Baka boring na naman yan tapos madadagdagan lang yung pagkabore natin dito!" tanong ni Miles.

"Pumili muna tayo kung anong klase ng movie yung panonoorin natin... kung romance, horror, comedy, etc. etc.!" -Kirs

"I prefer romance..." sabi ni Liz.

"Parang hindi naman noon makukuha yung ambiance na gusto natin! Hello?" sabi ni El na may pagtataray.

Ansabe ng ambiance?

"Okay, okay! Then romance is out! So ano na nga?" tanong ulit ni Liz.

"Hhmmm... what if comedy na lang kaya?" suggestion ni Kirs na nakapagpa-agree sa aming lahat.

"So, what movie? May alam ba kayong comedy movie diyan?" -Miles

Bigla kaming natahimik... mga mukha na nag-iisip nang malalim...

Ting! Light bulb!

"Ah hah!" sabi ko na tumayo pa mula sa kinauupuan ko.

"May naisip ka na ba?" -Miles

"Tandaan niyo pa ba nung Christmas noong 2012? Yung plano natin na manood nun sa sinehan pero hindi natuloy kasi nagkaroon tayo ng mga family vacation agad-agad? At pagkatapos ng christmas vacation na yun naging busy agad tayo sa school because of the Valentines Fair? Kaya hindi tayo nakapanood kasi after Valentines Fair hindi na sya showing?" mahabang paglitanya ko.

Walang pause yun ah!

"Yeah... we were about to watch Sis---" -Mich

"SISTERAKAS!" sabay na sigaw nina Miles, Ella and Kirs.

"Yeah. yeah. That's it! Bakit hindi na lang yun ang panoorin natin ngayon?" ako

"Hmm... why not?" -Liz

"Okay. yun na lang. Pero san tayo kukuha ng movie na yun?" -El

"May nakita ako dito eh... Sigurado akong Sisterakas yun!" -Kirs

"Oh... the VCD?" -Liz

"Oo." -Kirs

"Nakita ko yun eh. Try to find it doon sa lalagyan ng VCD's and DVD's." –Liz

Agad na pumunta si Kirs sa lalagyan na tinutukoy ni Liz.

Habang naghihintay kami, may nagtext sakin na hindi nakarehistro ang numero.

From: +63999*******

You and your friends' LIFE are in a big danger miss.

Danger? Loko tong mokong na to ah! Makapag-trip wagas! Ni kurutin nga hindi magawa ng ibang tao sakin yun dahil takot sila sa tito ko na general eh!

To: +63999*******

Who's this?

After 5 minutes nakabalik na si Kirs dala ang VCD. Ipina-play na namin ito sa kanya at nagsimula na sa panonood pero hindi pa din nagreply ang nagtext sakin.

Sabi na nga ba eh! Malakas lang ang topak nun ngayon!

JC's POV

2 days ang nakalipas simula noong plano nina Les. Nakapagdesisyon na din si kuya... and guess what kung sino ang pinili niya?

Si Floremae Danice Martinez ang pinili niya. Sa tingin niya daw kasi, mabait at mukhang harmless...

Hhmmm... Baka nga harmless siya kasi isa siya sa mga FOREVER KATHNIEL fans sa University sabi ni Seth.

Hahahaha! Paano niya magagawang landiin o kung anuhin man si Kuya kung boto nga siya para kay kuya at Ate Kath diba? Ang talino din ni Kuya eh!

Ngayon, pinagpa-planuhan namin kung saan magbabakasyon si kuya. Hindi nga ako sumasali eh. Nandito lang ako sa labas ng tambayan namin. Sina Les, Julia at ang iba pa ang nagpa-plano dun. Malalaman ko naman yun mamaya diba?

Nagmamasid lang ako sa paligid ng may bigla akong may nakitang babaeng parang umiiyak sa di kalayuan.

Pinuntahan ko siya. Kasi ayaw ko talagang may babaeng umiiyak eh. Parang nakakaawa kasi at ang sabi pa samin ni mama kapag may nakita kaming babaeng umiiyak, i-comfort mo siya kung sa tingin mo kaya mo. Kaya nilapitan ko nga siya.

Nilabas ko yung panyo ko sabay abot sa kanya nang malapitan ko sya.

"Miss, uhmmm...panyo?" ako

Agad siyang napatingin sa panyo ko at unti-unting napapunta sa mukha ko kaya nagkaroon ako ng chance na makita din ang mukha niya. Agad akong ngumiti. Siya ang babaeng binigyan ko ng ice cream sa harap ng Mini Stop noon.

"Y-tou again? J-JC r-right?" wika niya.

"Yeah, and you are?" tanong ko.

"Lyn...short for Anna Lyn. Thank you nga pala sa ice cream mo noon."

Naaalala niya pa yun? Flattered naman ako!

"Sus, wala yun. Ahh, Lyn... lindol ka ba?" pag-uumpisa ko ng banat.

"H-ha? Bakit naman?"

"Ikaw lang kasi nagpayanig ng isip at puso ko! Hahaha!"

Hindi yun damoves, okay? Ginawa ko lang yun para mapangiti siya. It's part of my comforting.

"Asus..." pinahidan niya ang mga luha sa mata niya. "...nambola pa!" sabi niya.

Hay salamat napatawa din siya.

"Ayan tumawa ka na! Bakit ka nga pala umiiyak?" tanong ko out of curiosity.

"H-huh? Ahmmm... hindi kasi ako nakasagot sa a-assignment namin...h-hehehe..." -Lyn

"Sus! Para diyan lang? Sayang mga luha mo!"

"T-thanks...ah... uhmm... a-alis na a-ako h-ha? May klase pa kasi ako..."

Tapos tumakbo na siya nang pagkabilis-bilis. Bakit parang bigla siyang nailang?

LՒQ

My Lost Lover [KathNiel FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon