Chapter 4

18.1K 322 3
                                    

Chapter 4

Grabe, ganito ba talaga dito? Meron na akong mga bahay, ari-arian, mga alahas, at tumataginting na bank account na maraming laman na pera. Halos magningning yung mga mata ko sa nakikita ko. Pano ba naman kasi, ang daming zeros.

"Sabi na nga ba't magiiba ang ihip ng hangin kapag nakita mo yan." Sabi ni Jordan habang nakangisi. Para bang nilalait niya ako.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

"Lahat ng iyan ay nakapangalan sa magiging asawa ko. You're so lucky to be my fiance." Sabi niya. Ohh, so kapag hindi na niya ako fiance ay babawiin to sakin? Grabe imagine, akin lang to, wala akong kahati. Meaning, may sarili ding yaman si Jordan, kapag pinagsama mo yung ariarian namin, siguradong sobrang laki ng halaga.

"Seryoso ba to? Grabe ang yaman ko na." Sabi ko.

"Don't be too rash. Hindi mo pwedeng bilhin lahat ng gusto mo kasi nakamonitor ang lahat ng ginagastos mo. Marereport kay lolo lahat ng binibili mo kaya mag ingat ka." Sagot niya. Ay, di ko rin pala magagamit parati. Pero okay narin yun kasi baka mamaya bigla kong maubos yung pera. "You'll be attending my college. Same course tayo. Business Management."

"Ha?"

"Pinaimbistigahan na kita. Hanggang 1st year college lang ang naabutan mo. Medicine pa ang course mo dun. When your grandmother died, you stopped schooling."

"Hindi ba pwedeng Medicine parin ang course ko?" Tanong ko. Dream kong maging doctor. Ano namang gagawin ko sa business di ba?

"Hindi pwede. Ako ang magiging tagapagmana at ikaw ang magiging asawa ko. Syempre kung nasan ako, dapat nandun ka din." Sagot niya. Tumayo siya at tinignan ako. "I'll do something about the wedding. Fiance palang naman kita. Ako ng bahala. I'll find a way to stop the wedding in the future. Too bad at saglit mo lang mararanasan ang maging mayaman."

Halos magusok yung tenga ko sa narinig ko. Bakit ba niya ako nilalait? Anong ginawa ko sa kanya? Oo, pinilit lang to saming dalawa pero bakit parang unaakto siya na siya ang agrabyado eh ako dito yung makakaranas ng mga pagmamaliit.

"Ano bang problema mo?"

"Wala. I just want to break this engagement off." Sabi niya. "Tapos na akong makipagusap sayo. Pwede ka nang umalis."

Hindi na ako umapila pa at sumunod nalang sa kanya. Di ko kaya pang titigan ang pagmumukha niya ng mas matagal. Baka mamaya di ako makapagpigil at masuntok ko bigla to. Bago pa ako makalabas ng kwarto niya ay nagsalita ulit siya.

"And oh, wag kang lalapit saken sa school natin, okay?" Sabi niya. Padabog akong lumabas ng kwarto niya.

Ugh bahala na siya!

Bumalik na ako sa kwarto ko. Wow, ngayon ko lang narealize na ang ganda pala ng kwarto ko. Halos pang prinsesa na yung design. Grabe, ang ganda talaga. Tumakbo ako at humiga agad sa kama ko. Wow, ang lambot lambot!

*knock knock*

Agad naman akong umupo ng maayos. "Pasok."

Pumasok naman yung isang katulong. "Ma'am Raine. Ito na po ang inyong uniporme. Papasok na daw po kayo sa eskwelahan ni Sir Jordan sa lunes."

"Ahh sige. Ilagay mo lang diyan." Sabi ko at sinunod naman niya. Wow, feel na feel ko na talaga! Ako na! Joke lang. Baka mamaya lag lumaki ulo ko, biglang kunin ni lord sa akin lahat ng to.

Natulog nalang ako. Sana hindi to panaginip para bukas pagkagising ko mayaman parin ako.

Kinabukasan

Late akong nagising kaya naman binilisan ko lang ang pagligo. Pagkalabas ko ng banyo ko may mga 3 hanggang 5 katulong ang nasa kwarto ko. Jusko, nakatapis pa ako eh.

"Ahh, anong ginagawa niyo sa kwarto ko?" Tanong ko.

"Kami po yung tutulong sa inyo araw araw para magbihis at maglinis. Iutos niyo nalang po samen at kami na po ang gagawa." Sabi nila at sabay sabay silang pumunta saken at tinanggal yung towel ko sa katawan. Ay taray! Sila talaga magbibihis sakin? Eh marunong naman akong magsuot ng panty at bra eh.

"Hoy, teka lang!" Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanila. Binibihisan nila ako. Sila ang nagaayos ng buhok ko at naglalagay ng sapatos ko. Grabe, linggo ngayon at wala naman akong maalalang gagawin ko kaya bakit kailangan nakapang-alis yung suot ko. At bakit kailangang nakamake up ako?

Lumabas na ako at dumeretso sa dining room. Nandun na sila Jordan, Julia, Jude, at tanda sa lamesa at kumakain.

"Andyan na pala si Lorraine eh." Sabi ni tanda at sinenyasan niya ako na umupo sa tabi ni Jordan.

Pagkaupong pagkaupo ko ay nilait agad ako ni Jordan. "Wow, mukha ka nang mayaman."

"So, Jordan, I'm expecting na sasamahan mo si Lorraine sa school niyo para naman makapag adjust siya agad." Sabi ni tanda.

"Oo naman, sasamahan ko siya sa school buong magdamag." Sabi ni Jordan. Ulul ba siya! Sabi niya wag akong sumama sa kanya sa school ah!

"Ahh eh. Pano po yun, hindi ko po naituloy ang college ko. Baka bumagsak lang ko dun." Sabi ko.

"Don't worry. Bibigyan ka namin ng special lessons dito sa bahay. Para naman hindi ka ma-late sa lessons mo sa school." Sabi ni Julia.

"Ahh, thank you." Sagot ko nalang.

"Pakilala mo kaya si Lorraine sa mga friends mo sa school, Jordan." Sabi ni Jude kaya naman tinignan siya ng masama ni Jordan. Alam ko, syempre ayaw nga niya akong sumasama sa kanya di ba kaya bakit niya ako ipapakilala sa mga kaibigan niya.

"That's a good idea." Sabi ni tanda. Okay dapat talaga tawagin ko na siyang lolo.

"Okay fine." Sagot ni Jordan. Kapag si tanda na ang nagsasabi, agad agad na sumusunod si Jordan.

"Is that okay with you Lorraine?" Tanong ni tanda.

"Raine nalang po itawag niyo saken. At opo okay lang po yun." Sagot ko.

Ngumiti nalang si tanda saken, ganun din sila Jude at Julia. Pagkatingin ko naman kay Jordan, ayun nakasimangot. Siguro ayaw niya ako ipakilala sa mga kaibigan niya. Wala naman akong paki kasi sigurado akong kaparehas niya ng ugali yung mga kaibigan niya.

The Endless ChaseHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin