Chapter 3

21K 350 5
                                    

Chapter 3

"Lorraine, meet Jordan. Your fiance."

Literal na nalaglag yung panga ko sa sinabi ni tanda. Jusko lord, bakit parang isa isang natutupad yung mga pangarap ko? Ito na, ito na ang forever ko!

Tumayo naman si Jude at inakbayan yung Jordan. "Nice, lil bro! You got yourself a hot fiance!" Pano ba yan? Hot daw ako? Syempre nag-feeling ko at inayos ayos ko yung mukha at buhok ko.

Halos hindi naman ako makagalaw kasi nakatitig lang saken yung Jordan. Para bang pinagmamasdan at inoobserbahn ako. Ang intense ng mga titig niya. Halatang chine-check out niya ako. 

"This is ridiculous. Are you fcking serious?" Sabi niya tapos napa-irap siya. Ay, mataray.

"Jordan! Your words!" Sigaw ni tanda sa kanya.

"I'm going." Sabi ni Jordan at umalis na siya. Yung totoo? Anong nangyayari?

"Sorry about that." Sabi ni tanda at sinundan yung Jordan.

"Sorry kung ganun yung asal ni Jordan. Ako nga pala si Jude Fuentabella. Pinakamatanda sa aming magkakapatid." Sabi ni Jude. Buti pa to medyo mabait yun nga lang halata mong playboy.

"And ako naman si Julia Fuentabella. Nagiisang babae. Middle child." Siya naman medyo boyish, syempre only girl eh. Para ngang hindi ako mahihirapang pakisamahan siya eh.

"Lorraine Cortez, at ako'y hindi makapaniwala sa mga nangyayari." Sagot ko habang naka-straight face lang.

"Don't worry. Fiance lang naman eh. May chance pa naman na hindi kayo ikasal. For example, sumakabilang buhay si lolo ng hindi pa kayo kasal edi pwede na kayo maghiwalay pagkatapos." Sabi ni Jude.

"Tapos ano? Mumultuhin siya ni lolo? Baliw ka talaga, kuya." Sabi ni Julia at umirap pa siya. Oo nga naman kasi. Dapat tuparin yung pangako pero pero pero aish! Di ko na alam!

"Wala na bang ibang paraan para mawala tong promise na to?" Tanong ko. Hindi naman sa ayoko, pero alam ko namang hindi ako belong dito.

"Meron pa naman. Kapag sinabi ni lolo na wala na, edi wala na." Sagot ni Jude.

"Alam mo mas okay narin to kasi di ba wala ka naman ng matitirhan? Kaya dito ka nalang muna." Sabi ni Julia. Oo nga no, wala na pala akong apartment. So ano? Dito na talaga ako?

"Pagiisipan ko muna." Sagot ko.

Ang gulo ng nangyayari! As in sobra! Di ko na alam ang gagawin ko. Matutulog na hga lang ako!

Kinagabihan nung araw na yun, lumabas na ako ng kwarto para kumain ng hapunan. At pagdating ko dun, alam niyo kung anong nadatnan ko? Lahat sila nakatingin saken.

"Anong meron?" Tanong ko. Si Jude halatang nagpipigil ng tawa. Si Julia naman ganun din. Si Jordan nakataas ang kilay saken. At si tanda ay gulat na gulat.

"Uhm, Lorraine. Pwede ka naman mag-CR eh. Wala namang pumipigil sayo." Sabi ni Jude habang nagpipigil ng tawa.

At dahil naguguluhan na ako sa mga inaakto nila, ayun sakto may salmin sa dining area kaya dun ako tumingin. Juskooooo!

Magulo buhok, laway, at muta. Ano ba yan! Nakalimutan ko na hindi na pala ako magisa sa bahay. May mga kasama na ako! Agad akong tumalikod para pumasan at ayusin yung dapat ayusin.

"Ayan, okay na." Sabi ni tanda at tumawa narin siya. "Sumabay ka na samen. Dito ka sa tabi ni Jordan."

Syempre wala na akong nagawa kundi tumabi sa kanya di ba. Gutom na ako eh kaya naman kain muna bago makipagaway. At tsaka kailangan ko ng lakas kasi mukhang mapapasabak ako dito kay Jordan.

"So ano, pumapayag ka na ba maging fiance ni Jordan?" Nabulunan naman ako sa tanong ni tanda.

"Ah, ahhm." Di ko alam isasagot ko.

"Opo, lolo. Payag na daw po siya." Nagulat ako kasi si Jordan yung sumagot.

"Ha?"

"Sundan mo nalang ako. Mamaya natin pagusapan to." Bulong ni Jordan saken. Parang kahapon lang di siya boto sa idea na to ah. Tapos ngayon bigla niyang sasabihin pumapayag ako?

"Ahh, opo." Napa-oo tuloy ako. Feeling ko may pagnanasa na saken tong si Jordan eh.

At tsaka parang mumultuhin ako ni lola kapag di ako pumayag no. Bakit kasi di niya sinabi tong mga bagay na to sakin? Siguro dahil hindi siya sigurado na mahahanap ako ni tanda.

"Mabuti naman. Sigurado akong matutuwa si Josephine." Sabi ni tanda at halatang sobrang saya niya.

"Sige po. Maguusap pa po kami." Sabi ni Jordan at hinila na niya ako papaalis.

"Teka lang di pa ako tapos kumain eh!" Pagpupiglas ko. Ngayon na nga lang ako makakakain ng masarap, pipigilan mo pa ako.

"Sumunod ka nalang sabi eh!" Sagot niya.

Hinila niya ako papunta sa kwarto niya na katabi ng kwarto kung saan ako natulog. Bakit parang iba yung design ng kwarto niya. Mas dark pero mas modern yung design. Yung akin kasi pang princess eh.

Punaupo niya ako sa upuan at dun naman siya sa kaharap kong upuan. May nilapag siya na papeles sa harap ko.

"Mapapasayo lahat ng iyan kapag pumayag kang maging fiance ko." Sabi niya kaya naman kinuha ko yung mga papel at binasa ito.

Di maari..

MAYAMAN NA AKO!

The Endless ChaseWhere stories live. Discover now