NAPINDOT
Kasulukuyan akong naghuhugas ng pinggan nang may naisip akong kaharutan. Kaya pagkatapos kong maghugas, dali-dali akong pumasok sa kuwarto at nag-online para i-chat ang aking crush na si Ruan.
Chinat ko siya ng tuldok.
Daniela: .
Daniela: Ay napindotWala pang isang minuto, nagreply na siya na agad ko namang ikinatuwa.
Ruan: Sad'yang pindot, gano'n?
Napakagat ako sa labi ko. Kakilig naman, hutaness.
Daniela: Hindi naman gano'n pero parang gano'n na nga.
At simula no'ng i-chat ko siya, hindi na naputol ang pag-uusap namin. Nagpupuyat pa nga kami n'yan tuwing friday at sabado, nag-lalate night talks kami. Deep talks, asaran, at harutan. Naghaharutan kami kahit walang 'kami'. Pero masaya pa rin ako kasi akalain mo 'yon, chinat ko lang siya ng tuldok, naghaharutan na kami. Hapitot ko na ba 'yon? Charot.
Alas-dose na ng gabi, magkausap pa rin kami ni Ruan.
Ruan: Goodnight, Dani.
Daniela: Goodnight, Ruan.
Ruan: I love you
Ruan: Ay napindotAgad naman akong ginapang ng kilig.
Daniela: I love you too
Daniela: Ay napindotRuan: May sasabihin pala ako sa 'yo.
Nangunot ang noo ko.
Daniela: Ano?
Ruan: Can I court you?
Ruan: Ay napindotBumilis bigla ang tibok ng puso ko nang mabasa ko 'yan. At sa sobrang kilig na nadarama, tumalon-talon ako sa kama at tumili.
OO NA AGAD, SELF! ACHIEVEMENT NA 'TO, YUNG FEELING NA YUNG CRUSH MO, LILIGAWAN KA!
HAROT TO THE MAX.
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
RandomRANDOM GENRE AND STORIES. ONE LOVE STORY, ONE SHOT. ENJOY READING!