ONE SHOT #10

10 1 0
                                    

YAMETE KUDASAI

"Ano bang ibig sabihin n'yan?" kuryos kong tanong sa aking kaibigan na si Johnelle.

Nagkibit-balikat siya. "Tanong mo kay Mhian, tutal madami namang alam 'yon sa buhay," sambit ni Johnelle.

Tumango na lamang ako at naglakad papunta kay Mhian na busy'ng-busy kaka-cellphone.

"Mhian, may tanong ako," agad kong wika nang maupo ako sa tabi niya.

Saglit niya 'kong tinitigan. "Ano?"

"Ano yung ibig sabihin ng yamete kudasai senpai?"

"Hindi mo alam? Kawawa ka naman, kaya hindi ka crinucrushback ni Raizel e," aniya.

"Huwag mo akong maasar-asar ngayon," inis kong sambit.

"Kalma ka lang, yung puso mo!" ani Mhian.

"Na kay Raizel," dugtong ko.

"Landi mo," bigkas ni Mhian.

Tumawa ako. "Ano nga kasi, teh? I'm curious kaya, tell me na!"

Lumingon sa akin si Mhian nang nakangisi. "Ang ibig sabihin no'n, 'please crush me back'. Okay ka na? Saka nakaka-attract 'yon ng lalaki kapag may ah ah ah sa dulo. Paniguradong ika-crushback ka talaga. Trust me." aniya sa seryosong boses pero nakangisi ang tanga.

"Talaga?"

"Oo, kaya ano pang hinihintay mo, gawin mo na kay Raizel!"

"Ayoko nga--"

"Raizel, may sasabihin daw sa 'yo si Ayeza!" biglaang saad ni Mhian nang makita niya si Raizel na bagong pasok sa room.

Tamad itong lumingon sa 'min at tamad ding naglakad.

Napakagat ako sa labi ko. "G-Good morning, Raizel."

"Talk well!" ani Mhian at iniwan akong mag-isa kasama si Raizel.

Umupo si Raizel sa tapat ko. "Ano yung sasabihin mo?" tanong niya.

Yumuko ako. "Uhm.. ano..."

"Sinasayang mo ang oras ko," malamig niyang wika, na nagpakaba sa akin.

"Kasi Raizel, yamete kudasai senpai ah ah ah!" Pagkatapos kong sabihin 'yon, tinignan ko siya.

Nakaawang ang bibig niya.

Bwesit. Ano bang pinaggagawa ko sa buhay?

Tumayo ako. "Labas na muna ako, ang init e!" Akmang tatayo ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Umungol ka sa harapan ko tapos tatalikuran mo ako?"

Tumaas ang mga balahibo ko. Feel ko nga tumaas din yung bulbol ko sa baba, charot.

Hindi ako nagsalita. Umatras ang dila ko.

"Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?" tanong niya.

Hindi pa rin ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa sahig.

"Tignan mo ako," utos nito pero hindi ko sinunod.

"I said, look at me, or else I'll kiss you here."

Nang sabihin niya 'yon, agad-agad akong tumingin sa kanya. Eyes to eyes.

"Good girl," saad niya.

Napalunok ako.

"Alam mo, pwede naman nating gawin 'yong ginawa mo sa 'kin kanina. P'wede ka namang umungol sa harapan ko, all naked."

Kinalibutan ako sa sinabi niya.

"Not now. Papakasal muna tayo."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, binitawan niya ako.

"You make me aroused. And marrying me is your punishment." seryoso n'yang wika.

Tumingin ako sa alaga niya na bakat na bakat.

"Enjoy the view?" tanong niya.

Biglang nag-init ang mukha ko. "H-Hindi."

"Liar." Patakbo siyang lumabas ng room.

Halatang kanina niya pa pinipigilan.

Pero ano nga ulit 'yon? Papakasalan niya ako? Not now?

Pwede namang bukas na agad, ha? Charot.

THE END OF THEIR KAHARUTAN.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now