xvi. dooms day

7.8K 303 66
                                    

Fck this life, bae. Ayoko na.

Papasok pa ba ako o hindi na? Tumalikod ako at papasok na sana ng elevator pero tinawag ako nung Mr. Hwang. "Hinahanap mo ba ang HR? I'm sorry pero hindi kami hiring ng muse." Kaiyak. Floor, bumuka ka at lamunin mo ako! "Nice meeting you." Pitingini. Hindi mo nga alam name ko. "But, naghahire ako for our guide song."

Napaharap ako sa kanya. Ito na.

"Ah, yun kasi talaga pinunta ko."

Napangiti sya, "What's your name?"

"Kim -- Do Kyungsoo." Feeler, bae.

"Follow me, Mr. Do."

Mabuti nalang at mabait sya. Nakahinga ako ng maluwag dun. Sumunod ako sa kanya at pumasok kami sa isang recording area. May isang lalaking nakaupo dun na nakaheadphone habang may kinakalikot na equipments at tutok sa computer nya.

"This is Mr. Rey Pinyoco." Pagpapakilala nya sa akin dun sa lalaki kasunod ay ang pagsabi nya sa pangalan ko. Ang ganda ng pangalan nya ah? Very unique. "This is YD Ent's one of recording area. Pumasok ka dun sa loob and I want to hear your sing." Sinunod ko yung sinabi nya. Kinakabahan akong pumasok dun. Nakikita 'to madalas sa movie, e. "You may start now, Mr. Do." sabi nya, resting his back at the chair while banging a pencil in the air. Kinakabahan ako.

Tila nafroze ako sa kinatatayuan ko. "Ah, Sir, kasi.. hindi ako makakanta kapag hindi ako nakakepkep short." Natigilan silang dalawa dahil sa sinabi ko. Totoo yun. Pero dahil nandito na ako. No choice. Hindi ako pwedeng magkepkep short at baka hindi ako papasukin nung guard. "Ano pong gusto nyong genre? Hiphop? RnB? Trot? Pasyon ba? Kumakanta rin kasi ako twing holy week. Nakakahumaling po ang boses ko."

"Kahit ano." Napaface palm sya.

"Ano pong gusto nyong kanta? Children's song? OST? 1990's? 1980's? O mas lower pa po dun? 'Wag lang before christ ah? Hindi ko na alam yun." Natawa si Mr. Pinyoco at tinignan sya ng masama ni Mr. Hwang. Luh. Naiinis ba sya? Syet. Ano ba, kinakabahan kasi ako. Mr. Hwang only swayed his hand and answered; anything I want. "Saan nyo po gustong magsimula ako? Ah, first verse? Second verse? Chorus? Or, backwards?"

"Rey, maghanap ka ng kepkep shorts."

Napakamot sa sentido nya si Mr. Hwang, "Hihi. 'Wag na po." sabi ko. Kasi naman. Malay ko ba kung anong gusto nila? Mas maganda kung yung kakantahin ko ay ayon sa preferences nila 'di ba? Huminga ako ng malalim bago nagsimula. Ito ay pang-amateur na kanta. "First I was afraid I was pechapay (?)" Syet. Hindi ko mapigilan ang butt kong magwiggle sa kanta. "Keep thinking I could never live without you by my side. But I spent oh so many nights -- luh." Nakalimutan ko na ang lyrics.

"Why did you stop?"

"Hanggang dun nalang, Sir."

Tinanggal ko yung headphone sa tenga ko. Maayos naman ang pagkakakanta ko, yun lang.. nakalimutan ko ang lyrics. Shonga. "You really got a nice voice, Mr. Do. Ballads probably suits you. I'll call you regarding the schedule." Lumabas na ako. Ngumiti si Mr. Hwang at napansin ko ang dalawang cute nyang dimples. "Basically, one of these--" Napatigil sya sa sasabihin nya dahil ring nang ring ang cellphone ko; si Jongin. "Importante ba yan?" He asked.

Napalingon ako at ipinasok ito sa bulsa.

"H-Hindi po, Sir."

"As I was saying, one of these days."

Napatango nalang ako. I let out a sigh ng makaalis ako sa building na yun. Tumawid ako sa kabilang kalsada para magantay ng taxi pero wala namang dumadaan. Medyo nag-antay pa ako ng ilang minuto at may humintong itim na sasakyan sa harap ko. Ibinaba nito ang bintana; si Mr. Hwang.

"Where are you heading?"

"69 Street, Alibangbang."

"Sabay ka na Mr. Do. I'm heading somewhere there too."

Nahihiya man ako, e, sumabay nalang ako sa kanya. Isa pa, nakatipid pa ako. Oh di ba? Ang high tech nga ng sasakyan ni Mr. Hwang. I crii. Nagpapatugtog sya ng mostly ballads. Siguro ilan ito sa mga naproduce nyang kanta. Wala akong isang kantang malait. Naeexcite akong makatrabaho sya. Wala pang isang oras, nakarating na kami sa apartment. Nauna na akong bumaba't sumunod sya. Tumigil kami sa harap ng gate namin.

"Salamat, Mr. Hwang." Ngumiti lang sya at pinaandar na ang sasakyan. Nang makaalis ito'y napalingon ako sa kabilang kalsada at nakita ang pamilyar na hubog. "Jongin," sambit ko. Nakasandal sya sa sasakyan nya habang nakacross ang braso nya. Tumawid ako at lumapit sa kanya. "Jongin, kanina ka pa?"

"Get in the car!"

.

.

.

Oh sh!t, I'm doomed.

KaiSoo: Let Me In [Completed]Where stories live. Discover now