Hindi ako nakasagot sa sinabi nito, tama nga naman kaka sabi ko lang sa kanya kaninang umaga na hindi kami close tapos ako itong nag de demand bakit hindi ako ginising when in fact pinagtakpan na niya yung pag tulog ko sa klase. Haysss Eshreeeeen!

"Thank You!"

"What? I can't hear you" nang aasar na ani nito

"I said, Thank You!" sigaw ko sa tenga nito na siya namang ikina hawak niya sa tenga niya siguro na bingi hahaha deserve mo yan

"Sakit mo naman magpa salamat"

"Deserve"

Gumaan gaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong matulog ng ilang oras sa klase at hanggang ngayon ay nahihiya parin ako dahil naka tulog ako habang nag di discuss ang professor namin. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas sa room.

Naglalakad ako sa hallway ng biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko na pulang pula ang parehong mga mata tulad nung una may naka tattoo na ahas sa kaliwang mata nito. Sisigaw na sana ako ng bigla itong sumugod at nawala.

Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at may nakita akong mga taong hindi ko makilala pero nakikita ko ang sarili ko na umiiyak habang naka tingin sa dalawang taong iyon. Lalapitan ko na sana sila ng biglang magdilim at wala akong makita hanggang sa naramdaman kong bumagsak na ang katawan ko.

••••

Nagising ako na puros puti ang nakikita ko nasisilaw ako sa liwanag ng mga ilaw, pilit kong nilingon ang ulo ko para tignan ang mga nag uusap sa gilid. Nakita ko si Dad at Mom na may kausap na isang lalaki pero hindi ko ito mamukaan at sa tingin ko ay seryoso ang kanilang pinag uusapan, naroon din si Creige na nakaupo sa sofa habang tinitignan silang nag uusap usap

"Mom?"

Nagulat sila ng makita nila ako parang hindi sila maka paniwala na nagising pa ako. Umupo ako sa kama na siya namang naging mabilis na pag kilos ni Daddy para alalayan akong umupo.

"Anak"

"Nasaan po ako?" tanong ko kahit na alam kong nasa hospital ako pero hindi ko matandaan kung bakit

"Nasa hospital ka anak "

"P-paano po ako na punta dito?"

"Huwag ng maraming tanong anak magpahinga ka muna"

Nakuha ang atensyon ko nung lalaking kausap ni Daddy kanina, bigla itong lumabas na hindi bumaling ng tingin sa akin parang umiiwas ito para hindi ko siya makilala

"Dad"

"Why honey?"

"Sino po yung kausap nyo?"

"Ah yun ba, wala yun anak tauhan ko lang"

"Dad, gusto ko na po umuwi... Ayos na po ako sa bahay na lang po ako magpapahinga"

"Pero honey, you need to be here... lalo na-"

"Okay na po ako Dad" putol ko sa sasabihin ni Daddy. Pilit akong ngumiti para makita nila na okay na ako kahit na sumasakit pa nang kaunti ang ulo ko.

"No, He-- " putol na sabi nii Dad

"Hon" hinawakan ni Mom yung balikat ni Dad at sinabihan akong magpahinga na muna dahil kailangan ko daw magpahinga dahil bukas na bukas ay may pag uusapan kaming mahalaga at kailangan kong maging bukas.

Nakinig na lang ako sa sinabi ni Mom at nagpahinga. Pilit kong ipinikit ang mga mata ko ng biglang mag salita si Mommy

"Hon, maiintindihan kaya tayo ni Reen kapag sinabi natin ang totoo?" nangangambang tanong nito

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now