PROLOGUE

262 27 15
                                    

•FLASHBACK•

Nagising ako na madilim parin ang tanging naaaninag ko, labis na takot ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Nagkaroon ako ng mga kung ano anong negatibong isipin na hindi naging matagumpay ang operasyon ko. Pilit ko ibinubuka ang mga labi ko para sabihing "wala akong makita" ng biglang may lumapit sa akin at nagsalita.

"Miss Reen, huminahon po kayo normal lamang po ang nararamdaman niyo lalo na't galing kayo sa operasyon halos magda dalawang araw na po kayong walang malay at hinihintay na lang po namin ang pag gising niyo para matanggal na ang benda sa mga mata ninyo" tinig iyon ng isa sa mga nurse na umaasikaso sa akin noon bago pa ako maoperahan. Ikinalma ko ang sarili matapos marinig ang paliwanag ng nurse at muli itong nagpaalam para tawagin ang doktor.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto at ang boses nila Mommy at Daddy na lalong nagbigay ng ginhawa sa nararamdaman ko sa mga oras na iyon, ngunit hindi ko marinig ang boses ng taong inaasahan kong unang maririnig ko sa pag gising ko... Mavien.

"Good morning Miss Reen, tatanggalin na po natin ang benda" ani doktor.

Habang tinatanggal na ang benda nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib hindi ko mawari pero ngayon ko lang naramdaman ulit ito.

Matapos matanggal ang benda tanging aninag lang ang una kong nakikita at puro's puti hanggang sa unti unting nagkaroon ng mga pigura at muli kong nasilayan ang maluha luhang reaksyon nila Mommy at Daddy. Hinanap ng mga mata ko ang lalaking gusto kong makita ngunit nabigo ako, wala siya rito... Wala si Mavien.

"Mavien? Mom, Dad nasan po si Mavien?" pigil luhang tanong ko dahil masama para sa akin ang umiyak lalo na't galing ako sa operasyon.

"Anak" tawag sa akin ni daddy.

"Dad where is Mavien?" pagtatanong ko kay daddy na ngayon ay hindi alam kung anong sasabihin

"H-he's gone... anak"

"Anong sinasabe niyo Mom, Dad ? Where is Mavien ?! " napataas ang boses kong sagot. 

Agad na tumulo ang mga luha sa mata ni Mom at mababakas sa mga mata nito ang lungkot sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Mavien.

"Hindi namin alam kung nasan siya anak" si daddy

"No! I want to see him!!" mangiyak ngiyak kong sagot kay daddy. "Alam niyo n-aman po y-yung pangako niya, M-mom.. D-ad..." 

"Anak" pagtawag sa akin ni Mommy na pinapatahan at pinapakalma ako.

"He gave this to me, ibigay ko raw ito sayo kapag nagising kana" sabay abot ni Mom nung kapiraso ng papel na mula kay Mavien.

Agad ko itong kinuha, naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko kahit na alam kong masama iyon para sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi umiyak dahil sa lungkot na nararamdaman.  Bigla akong niyakap ni Mom.

"He will always be there... somewhere" bulong sa akin ni Mommy habang pinapatahan ako sa pag luha.

Tumigil na ako sa pag iyak dahil makakasama raw sa akin iyon sabi ng doktor. Nang tumahan na ako sa pag iyak doon lahat nag flashback lahat sa akin ang mga sinabi ni Mavien pero hindi niya iyon natupad. Wala siya... Wala siya noong gumising ako.

"I will wait for you Mavien"

•• End of Flashback ••

Naramdaman kong basa na ang pisngi ko dahil sa nga luha. Sa tuwing naaala ko yung mga panahon na iyon, sobrang hirap ng pinag daanan ko halos hindi ako maka tulog gabi gabi sa pag iisip at umaasang may biglang darating na Mavien pero wala... walang Mavien na dumating.

Mahigit isang taon na ang nakalipas pero umaasa parin ako na babalik siya, hindi ko alam bakit patuloy parin akong umaasa kahit na walang kasiguraduhan pero kasi nararamdaman ko na darating yung panahon na babalik si Mavien at tutuparin niya yung mga pangakong binitawan niya.

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now