CHAPTER VIII

30 11 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin kay sir Hirochi pumunta kami sa central para kumain dahil si Leslie lang naman ang marunong magluto sa amin at pare pareho na kaming nagugutom napag kasunduan na lang namin na sa central na lang kami kumain.

Pangalawang beses ko pa lang nakakapiunta rito sa central pero hindi ko parjn maiwasang hindi mamangha sa ganda nito. Saan kaba makaka kita ng isang academy na may sariling bookstore, restaurants, plaza at kung ano ano pa na makikita na meron sa mall.

"Alam niyo hindi pa naman ganoon katagal ang inilalagi ko rito sa Arcanum Academy pero feeling ko ilang taon na ako rito, para bang wala ng kulang sa akin sa lugar na ito hindi tulad noon" ani Hailey

"Tama, ganoon din ang nasa isip ko" pag sang-ayon pa ni Inigo

"Kayo, ganoon din ba ang nararamdaman niyo?"

Nagsi tanguan lang kami sa tanong ni Hailey. Totoo nga naman na hindi pa man ako katagal dito sa academy pero yung feeling na buo ako at walang kulang sa pagkatao ko hindi tulad noon na parang may kulang at naiiba ako sa kanila. Pero bakit ganoon? Bakit pamilyar sa akin ang mga lugar dito sa academy, parang noon pa lang ay nandito na ako...

"Masaya ako na kayo ang mga ka dorm mate ko" ani Hailey, sabay ngiti nito sa amin

"Ano kaba Hailey? Bakit ba nagda drama ka riyan?" si Tiffany

"Masaya lang ako Tiffany... Ang sabi kasi ng ibang estudyante hindi raw lahat ng magkaka dorm mate magkakasundo ang iba nga raw ay napupunta sa pag-aaway dahil sa hindi nila kasundo ang ka dorm mate nila"

"Totoo ba iyan?" tanong ko

"Oo Cza, ang usap usapan nga marami raw ang naiinggit sa ating mga nasa special section... Marami raw ang naghahangad na pumalit sa section natin kaso hindi lang nila magawa dahil iisang paraan lang ang pwede para magawa iyon" seryosong sagot nito

"A-anong paraan?"

Bigla itong sumeryoso at tinignan kaming lahat. Dahil sa tensyon bigla na lang sumabat si Inigo at binago ang usapan. Pero nagulat kaming lahat sa sinabi ni Hailey

"Ang pumatay"

Natigil kaming lahat sa sinabi ni Hailey. Anong sabi niya? Pumatay? Anog klaseng paraan naman ang pagpatay para mapa bilang sa special section. Walang umimik sa amin sa sinabi ni Hailey, paano niya bang nasabi ang mga iyon? Saan niya nakuha ang mga ganong impormasyon

Waka ng naglakas loob na magsalita pa sa mga narinig nila at pinili na lang na baguhin ang usapan, sakto namang nakarating na kami sa kakainan namin. Naging awkward kami sa isa't isa, siguro'y napapa isip din sila kung totoo ba ang sinabu ni Hailey.

Natapos na kaming kumain at napag pasyahan na mag ikot ikot na muna rito sa central para tanggal na rin ang awkwardness bago bumalik sa dorm. Nasa lubong pa namin si Brent na naglalakad lakad din mag isa nang tawagin ito ni Inigo at yayain na sumama sa amin

"Hey, Caz!" si Brent

"Oh?"

"Grabe ka naman ngayon na nga lang tayo nagkita ulit pinagsu sungitan mo na agad ako"

"Eh ano ba dapat? Dapat ba matuwa ako?" iritang tanong ko

"Geez! woman"

Naglibot pa kami sa central hanggang sa mapag pasyahan na namin na bumalik na sa dorm at makapag pahinga, wala kaming klase bukas ng umaga makakapag pahinga kami ng mahaba. Nagpaalam naman na si Brent sa amin na pinapatawag daw siya ng President ng student council

Nang makarating kami sa dorm nakita kong nakatingin sa akin si Hailey na parang gusto niya akong makausap. Nagtataka man nilapitan ko parin ito para tanungin. Nakita ko naman na parang nabuhayan ito ng maglakad ako papunta sa kaniya, siguro ay gusto niya ng makakausap dahil maraming bumabagabag sa kaniya lalo na ang sinabi niya kanina lang

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now