"I'm sorry, but I don't like you."
Kumurap-kurap at para akong nabingi ng marinig ko ang sinabi ni Zirius. "W-what did you say?" I heard it loud and clear. I just wanted to make sure that I heard it right. Maybe I misheard what he just said.
I've been planning this proposal for the last two months. Halos hindi ako nakatulog ng maayos nitong mga nakaraang gabi dahil sa kakaisip ng mga dapat kong gawin. I planned everything meticulously. Zirius and I, here in this park where we spent most of our childhood days together. Dito sa ilalim ng puno kung saan kami madalas na tumatambay ng magkasama. Okay na sana ang lahat kung hindi lang dahil sa sinabi niya. "Anong sinabi mo?" Tanong kong muli.
Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ni Zirius. "Wait. Are you serious?" He asked.
"Yes. I am serious. I really like you." Ulit ko sa sinabi ko sa kanya kanina. "Do you think I will waste my time doing all this if I am not serious?" Ipinasara ko ang buong park para sa plano kong ito. Mabuti na nga lang at kilala ako ni Manong Guard kaya ito pumayag sa gusto ko.
"Are you really serious?"
I nod my head while I am looking down. I can't look at Zirius right now. This is so embarrassing.
How come my well-planned proposal failed just like that? May mali ba sa plano ko? Wala. I knew that my plan was perfect. Paanong naging ganito ang kinalabasan ng lahat? I don't know.
Tumikhim si Zirius. "I don't like you." His voice is cold, and I am sure that he is currently wearing his infamous nonchalant expression when he said those words.
Tiningala ko siya, and I guess it correctly. He is not even looking at me. Look at me! Piping hiling ko, but he didn't even throw a glance at me. He is looking far away. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Zirius, and my heart sunk when I saw Elaine Angeles walking towards our direction. Why is she here?
Mabilis kong itinago ang banner na hawak ko. Dobleng kahihiyan iyon sa akin kapag nakita ni Elaine ang banner na pinagpuyatan kong gawin para kay Zirius.
"Von!" Elaine waved at Z. She is smiling from ear to ear.
Napanguso na lang ako ng makita ko ang kakaibang ngiti na gumuhit sa mga labi ni Zirius habang nakatingin ito kay Elaine. Hinampas ko si Zirius sa braso para kuhanin ang atensyon niya. "Is she the reason why you hate me?" I asked seriously.
"I don't hate you."
Nagkibit-balikat ako para ipakita kay Zirius na wala lang sa akin ang nangyari. "Yeah, whatever." I said in a flat tone.
"I'm sorry."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Don't forget about our dinner later. At sabi pala ni Drei pahiram daw ng guitar mo. Dalhin mo na lang mamaya sa bahay." Tuloy-tuloy na sabi ko at nagmamadali na akong naglakad palayo kay Zirius.
Nakangiti sa akin si Elaine ng makasalubong niya ako. "Hi, Dria." Bati sa akin ng babae.
I slightly nodded my head as a response. Sa totoo lang ay naiinggit ako kay Elaine kasi siya ang gusto ng lalaking gusto ko. Bata pa lang kami ay ramdam ko ng iba ang pagpapahalaga ni Zirius kay Elaine. He always chose Elaine over me. Elaine was always his first priority.
I know that I shouldn't blame anyone but myself. Kasalanan ko dahil umasa ako na gusto din ako ni Zirius. Akala ko ay may ibang ibig sabihin ang kabaitang ipinapakita niya sa akin. Akala ko ay may katotohanan iyong pangako niya. Akala ko lang pala.
Mga bata palang kami ay naka-plano na ang future namin ni Zirius. We even have a joint saving account for our future. At alam ko na higit na masasaktan ang mga magulang namin kapag nalaman ng mga ito ang nangyari. Gusto kasi ng mga ito na kami ni Zirius ang magkatuluyan. Iyon din naman ang gusto kong mangyari. Iyon nga lang, hindi pala ako ang gustong makatuluyan ni Zirius.
Itinapon ko sa nadaanan kong basurahan ang hawak kong banner. Ilang linggo kong pinagpuyatang gawin ang banner na iyon, basurahan lang pala ang makikinabang.
I tried to act like everything was okay when I arrived home. Naabutan ko sa living room si Mommy at si Tita Avery, ang Nanay ni Zirius. "Hello, Mom! Hello, future Mommy!" Humalik ako sa pisngi ni Mommy at gano'n din kay Tita Avery.
"Nasaan si Zirius? Akala ko ay magkasama kayo?" Tita Avery asked.
"Magkasama po sila ni Elaine." Naupo ako sa tabi ni Mommy at tipid na ngumiti.
"Okay." Sabi nito bago ito muling bumaling kay Mommy. "Natatandaan mo pa ba iyong dating secretary ni Zake?"
Tumayo ako at nakangiti pa rin ako ng magpaalam ako sa mga ito. "Mommy, Tita, sa itaas po muna ako."
Kumunot ang noo ni Tita Avery at bakas ang pagtataka sa mukha niya. Marahil ay nagtataka ito kung bakit ko siya tinawag na Tita. Future Mommy kasi ang nakasanayan ko tawag kay Tita Avery. Minsan pa nga ay tinatawag ko itong Nanay gaya ng tawag ni Zirius dito. Pero siguro nga ay panahon na para tawagin ko siyang Tita. After all, she's just my Mom's long friend.
Unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi ko ng makapasok ako sa loob ng kwarto ko. Nag-unahang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "I hate you, Zirius Anthony Von Romero." I hate Zirius for breaking my young heart, but I hate myself more for being so dumb.
