1

35 4 0
                                    

“Loveeeee! Nandito na ako.” saad ko matapos kong ibaba ang bag ko sa couch na malapit sa pintuan. Ngumiti agad ako nang makita ko siyang payapang naka higa at natutulog sa may kama. I kissed his forehead and just stare at him the whole time as he sleeps.

“Love? Sorry for making you wait. Nakatulog kasi ako sorry talaga” ngiti lamang ang isinagot ko sa kaniya sa sinabi niyang 'yon.

“I wanna go out. Gusto kong makita yung buwan.” sabi niya kaya inalalayan ko siya sa pagsakay sa wheelchair niya. As we both watch the moon, there's a lot of sadness and tiredness in his eyes.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ang palad naming dalawa. Mahigpit ang kapit ko tipong hindi ko na siya bibitawan pa. Wala rin naman kasi akong balak na bitawan siya siyempre future husband ko 'to.

“Tara na pasok na tayo” pag-aaya niya. Inalalayan ko siya sa pag higa niya at di ko parin binibitawan ang kamay niya. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Ayos lang sakin kahit di niya ako magawang yakapin pabalik.

Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti. Bumuntong hininga siya at tumingin sakin.

“We're almost 8 years in a relationship. Tagal na rin pala 'no? I'll surely miss celebrating our anniversary so as our monthsary with you.” sabi niya.

“Tuleg ka, love? We can still celebrate more anniversaries. We will marry each other. Have kids in the future and travel with them. Di'ba we planned all of those?”

“Mahal, pagod na ang iyong ginoo. Gusto ko na magpahinga. Can you please let me go?” bahid ang hirap sa kaniyang pananalita ngunit pinipilit niya parin.

“You can sleep. I-I'll just stay right here... Beside you”sabi ko habang pinipigilan kong mag crack ng tuluyan ang boses ko.

“Binibini ko, palayain mo na ako. Ayokong ma stuck ka lang sakin. Kasi kahit ayoko, kailangan kitang palayain.”

“Huwag mo kong ipagtulakan sa iba, please? Kuntento na ako sa'yo eh. Masaya ako sa'yo.”

“Gusto ko kasi yung palagi kang masaya. Baka kasi yung ibinibigay ko sayong saya hanggang ngayon nalang.”

“Hindi naman p'wede 'yon. Sinong nang kasama ko tuwing gabi? Tuwing titingin sa ako sa buwan? Wag mo kong iwan. Ikaw na nga lang yung nagiging pahinga ko sa nakakapagod na mundo tapos iiwan mo rin ako?”

“Love don't cry cause I won't be able your tears. Triple 'yong sakit na bumabalik sakin sa tuwing nakikita kong umiiyak ang binibini ko. Let me go I wanna rest. Nandyan ako lagi sa tabi mo.'Wag kang iiyak o malulungkot kasi masasaktan ako. Babantayan kita palagi just look at the moon if you're missing me. ”

Walang habas ang pagbagsak ng luha ko mula sa mga mata ko. Napaka traydor na kahit anong punas ang gawin ko ayaw paawat sa pag tulo. Humagulhol ako sa balikat niya habang kayakap siya ng mahigpit.

“Ipapangako ko sayo sa susunod na panahon at sa susunod na pagkakataon pipilitin kong mag krus ang landas natin at Ipapangako kong hindi na kita iiwan. Paalam na” at kasabay nang pag bitaw niya sa mga salitang 'yan ay ang pag bitaw niya rin sa kamay ko. I checked my watch and it's already 12 AM.

' Happy Anniversary, Love! Ang daya mo iniwan mo ko exactly on our monthsary. No more pains Sana masaya ka na diyan. Mahal na mahal kita '




-*-

A/n: Sorry lame pue. Peace out!

Selenophile (A One Shot Story) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant