Nagdagdag po ako ng isang POV sa mga chapters. As you can see may isang mystery guy na stalker ni.. Haha. Basahin niyo na nga lang.
Nalilito ba kayo sa Story ko? Ako din eh Haha!! But don't worry. Bibigyan natin ng kasagutan ang lahat ng mga katanungan sa utak niyo. SOON.
Kung may violent reactions and suggestions, mag comment naman kayo. Kahit hindi na vote. feel free to do so. I will accept naman. This is a free country naman right :D
Ang saya ng araw ko today :) love.love.love
Imperialistic♥♥
----
"Good morning baby ! How's your sleep?"
Unang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mommy. Mula sa gilid, nakita kong kumuha siya ng isang saging sa isang basket ng prutas.
From the wall clock, past 11 am na pala. Ilang oras na kaya akong nakatulog ?
"Say ah.."narinig ko muli ang tinig ni Mommy. Pilit kong iginalaw ang aking mga kamay para maibuhat ang aking sarili upang makaupo ng maayos subalit napansin ko ang mga bandages na nakapulupot roon.
Sa isang saglit lang, nakaramdam ako ng unti-unting pagkirot sa aking mga sugat. Ngumuwi ako dahil sa sakit at agad na dumaluhong si Mommy upang tulungan ako.
Tahimik lamang ako noon. Marahil, ninanamnam ko ang tamis ng pagkaing nakahain sa akin. Paborito ko kasi iyn kaya hindi ko nanaisin na tanggihan ito.
Maya-maya pa, naubos ko na ang limang piraso ng saging. Ang sarap din palang mabusog muli.
"Mommy, saan po ba si Travis?"kagyat kong tanong sa kanya. Madalas nang wala si Travis sa aming tahanan. Maging ang pagtawag sa cellphone o mag message sa facebook ko ay hindi na niya nagagawa.
"I don't know baby. Why?"nakakunot na sabi niya.
"Ahm..wala po."walang ganang sagot ko. For the past three days, walang Travis na lumapit o nangamusta man lang sa akin. Nakakatampo man isipin, ngunit kailangan tanggapin.
"Are you sure na kaya mo pang pumasok baby? If you want, i can accompany you sa school."alok na tulong ni Mommy. Tinulungan niya ako magbihis, at maligo. Nagpasya na rin akong magpunta sa school. Sayang naman ang baon, este ang clearance para sa mga nagtatagong professors.
"I can manage naman Mommy."sagot ko. At kahit iika-ika akong maglakad, tolerable naman ang mga natamo kong sugat. Di ko nga naisip na marahil nabalian din pala ako ng buto dulot ng pagkuyog nila sa akin ngunit hindi ko na inalintana iyon.
Sa paglabas ko ng pinto ng aming bahay naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ng isang tao at tinulungan akong buhatin ang aking bag."Akin na yan Ate.."nakangiti pa ito sa akin. Ito ba si Troy? Nakakapanibago. Mula sa bahay hanggang sa school ay sinamahan niya ako.
Sa totoo lang, ngayon ko lang naranasan ang pagiging kapatid sa akin ni Troy. Hehe.
Nag aaral din naman si Troy, ngunit sa ibang unibersidad naman. Siya ay kumukuha ng kursong Engineering at nasa Ikalawang taon na siya sa kanyang kurso. Kung inaakala niyong Papetiks-petiks lamang ito, nagkakamali kayo. Marami na rin medalyang naiuwi sa bahay si Troy at madalas itinatago niya ito. Ayaw niyang ipagmayabang ang kanyang achievements, bagkus ay pinagyayaman pa niya ito.
"Saan ba ang classroom niyo Ate? Ang lawak naman ng school nyo."bungad nito sa akin. For sure bored na bored na ito.
Nagtataka ang mga tao sa paligid. Paano ba naman kasi, bawat galaw namin ay talagang pinagtitinginan. Ganyan ba talaga pag sikat? (Ako. Oo ako yung sikat eh. Haha.)
YOU ARE READING
Tattoed Life
RandomThis is not the Typical Cinderella's story with her glass shoes of course. This is about Cindy. An ordinary girl siyempre with an ordinary life. What's weird bout her? she had tattoos since birth. Samahan natin si Cindy sa kanyang adventure together...
