ALL the names of people, places and events in the story are products of my imagination. Its ALL FICTIONAL! Warning: mature contents ahead! Kung sensitive ka, iskip mo na lang. HAHA.
If you like the story you can leave a comment or vote for my story to keep me motivated and to keep the story going! Enjoyyy reading! Ciao!
Yours Truly,
YourQueenMaryyy❤️
Zaye's POV
It was a year ago when my life was a mess. It was a year ago when I did the mistake that I will be remembering for the rest of my life. It was a year ago when I was betrayed by someone that I trusted the most. I was a fool back then, I was a fool to be broken with someone whose not worthy of my love. But I thought that was the worst thing that I made not until I met this guy. Not until I fell in love again with a man whose gonna break me even more.
It' been a year but I could still remember every detail, every scene, every memory, and even every words you've said.
"Cheers for Zaye Herrera! Cheers for staying with us for a year!"
Tiningnan ko ang mga katrabaho kong isa isang nag taasan ng mga hawak nilang glasses. Makalipas ang isang taon kong pagttrabaho sa ospital bilang isang nurse napag desisyunan kong umalis at makipagsapalaran sa ibang bansa. Balak ko lang sanang umalis sa trabaho ng walang ganitong ganap pero pinagpilitan nilang magkaron daw ako ng Farewell Party. Sa isang sikat na bar kami pumunta after ng mga shift nila. Ayaw ko sanang dito sa bar na to ganapin yung party dahil sa malalim na rason pero wala akong magagawa kasi sila ang nag organize neto. Nakakahiya namang mag reklamo pa.
Itinaas ko din ang baso ko na may lamang grape juice dahil hindi na ako uminom ng alak simula ng mangyare ang mga bagay na yun. Iniling ko ang ulo ko para mawala yun sa isip ko at ngumiting tiningnan ang mga ka workmates ko. AH! I'm gonna miss them so much. Isang taon din kaming madugong nagsasama sama. Bawat dugo ng bawat pasyenteng pinagsaluhan namin.
"Magbigay ka naman ng message Zaye! Yun na lang iiwan mo samin bago ka maging foreigner sa Canada, bakla ka!" nagtawanan naman ang lahat sa intro ni Miguel, Eula pag gabi. Isa siya sa mga naging sandalan ko sa panahon na kailangan ko ng masasandalan.
Tumayo ako para makita nila akong lahat. Nasa isang private room kami ng bar kaya hindi masyadong rinig ang tugtugan sa baba ng bar. Wala pa man akong sinasabi nakikita ko na ang mga malulungkot nilang mata pero mas nangingibabaw yung saya nila para sakin.
"Ano bang sasabihin ko? hahaha. Ano, ahm. First of all, salamat sainyong lahat. Salamat sa isang taong pagsasamahan. Kahit puro kabaklaan ang natutunan ko, lalo na kay Miguel!" huminto ako para pahiran ang nangingilid kong luha habang medyo natatawa. Rinig ko rin ang mahinang pagtawa nila.
Huminga muna ako ng malallim bago tumingin sa gawing kaliwa kung san nakaupo ang magjowang Shai at Carl. Kita ko kung panong nagulat sila sa biglang pagtingin ko sa gawi nila pero nakabawi rin nang ngitian ko sila.
"Isang taon lang, pero parang ang daming nangyare. I'm so thankful for everyone of you here, sa mga nag pasaya, nag motivate, nag inspire, nagpalungkot, at nanakit. I'll never be this person standing here if it weren't for you guys. May mga pangyayare man na sumubok sa atin pero in the end we're still here, together. I'm wishing everyone's success. Hahahaha. Ang drama naman non! Baklang Miguel, simulan mo na ang kantahan!" I tried to hide the pain that I remembered through laughing and smiling. Napansin ko naman ang tingin ni Shai at Carl sakin pero hinayaan ko na lang.
"Palakpakan naman naten ang Baklang Zaye sa pang FAMAS niyang speech. Tara na't magkantahan naman!" Baliw talaga si Miguel. Siya ang pinaka mamimiss ko sa lahat kasi kahit sobrang ingay niya, ang gaan niyang kasama. Halos araw araw tawa lang kami ng tawa pag kasama siya.
YOU ARE READING
To be with A Psycho
RomanceIt was a year ago when my life was a mess. It was a year ago when I did the mistake that I will be remembering for the rest of my life. It was a year ago when I was betrayed by someone that I trusted the most. I was a fool back then, I was a fool to...
