Season 1 |3|#TheFirstCall

Comincia dall'inizio
                                    

Kung gusto mo maiba ang lahat ng iyon lumapit ka lang sa amin at tiyak magbabago ang buhay mo

So just call us O918******* for more info

- J&B&G

Ano nanaman 'to? Nagpapatama ba ito sa akin? Nakakainis! Pati calling card nang aasar. Pero meron kaya talagang ganitong kumpanya? Wala pa naman akong naririnig na ganito.

Binasa ko ulit yung card. Parang ako nga yung pinapatamaan. Pero sino kaya ang naglagay nito sa kwarto ko? At hanep, nasa tabi pa talaga ng mga condoms, parang pinlano talaga na ilagay yun.

Kung gusto mo maiba ang lahat ng iyon lumapit ka lang sa amin at tiyak magbabago ang buhay mo

Paulit-ulit kong binasa ang particular na linyang iyan. Kahit wala naman sila nagbago na talaga ang buhay ko.

Napatigil lang ako sa pag-iisip ng walang ano-ano ay tumunog ang cellphone ko. Pumunta ako sa may side table at kinuha iyon para sagutin. Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag. Nang makita ko ang pangalan na nakarehistro doon sa screen ay halos ibato ko na itong cellphone sa sobrang galit.

"Hello," pagalit kong bungad dun sa kabilang linya.

"Ken, bro! Hindi ka papasok ngayun?"

Pambihira lang talaga. Kung sino pa yung ayaw kong marinig siya pa yung tumawag.

"Bakit Leo? Ano bang kailangan mo?"

Gusto ko na sana talaga ibaba yung phone at itapon sa dingding para hindi ko na marinig yung traydor kong kaibigan.

"Ano ba yan. Ang aga-aga bro, init na agad ulo mo. Nag away kayo ni Jesse no?"

"Gago kaba? Nakipagbreak na siya sa akin dahil sayo!" Pasigaw kong sabi. Ayaw ko na nang ganito. Gusto ko nang kalimutan ang lahat.

"Kendrick...Pare...Pare patawad."

"Wag mo akong tawaging pare! Mag sama kayo!"

Pagkatapos nun ay binabaan ko siya at itinapon ko yung phone ko. Tumama ito sa may kama kaya napailing ako. Sana ay tumama na lang ito sa wall para katulad ng buhay ko ay masira na din.

Tinitigan ko ulit yung card na hawak ko.

BAD GIRLS COMPANY

Torpe ka ba?

O Iniwanan ka ba at tinawanan dahil hindi ka gwapo, wala kang experience sa relationship, o sadyang hindi ka lang talaga magaling sa kama?

Kung gusto mo maiba ang lahat ng iyon lumapit ka lang sa amin at tiyak magbabago ang buhay mo

So just call us O918******* for more info

- J&B&G

Oras na nga siguro na kalimutan ko na ang lahat at magbago. Wala din namang mangyayari 'di ba? Ni minsan hindi ako minahal ng taong mahal ko, pinagtaksilan ako ng gago kong kaibigan, walang panahon yung dad ko sa amin, si Kat-Kat hindi na makausap, iniwan kami ng Mom ko....so ano pa ang sense na manatili ang dating ako? Kung ayaw naman ng lahat ang dating Kendrick, ito na nga siguro ang tamang oras para mawala na siya.

Sabi nga ni Jesse, panget at walang kwenta ako. Mababa ang tiwala sa sarili, mang-mang sa mga bagay bagay at hindi mapapakinabangan. Mabuti na nga siguro ibaon ko na ang lahat sa lupa.

Pinulot ko ulit ang phone na nasa kama at tinawagan yung number na nakasulat sa may business card. Nakailang ring din ang hinintay ko bago may sumagot sa kabilang linya.

"Hello, Bad Girls Company speaking," sabi ng isang babae sa kabilang linya. Malumanay ang boses niya kaya napag-isip ako kung itutuloy ko pa ba itong balak ko.

Huminga ako ng malalim at sumagot. "Hey, where can we see each other? I want to talk to you about your services."

"Hmm... so you are interested after all..."

"Huh? What?"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya sa akin. Parang sa tono ng mga sinasabi niya ay inaasahan niya akong tumawag. Unang beses pa lang kami nag uusap ah.

"Don't mind me. I'll text you the address and the time. You are free tomorrow right?"

"Yup I am free and thanks."

"Nah, no probs. Anyway, make sure to wear your glasses so I can recognize you tomorrow."

Paano niya nalaman na nakasalamin ako? Hindi kaya yung naglagay dito ay yung babae sa bar kagabi? Kaso, napaka imposible talaga.

"Hey, I need to go now, bye!" Hindi niya na ako hinintay na makasagot at binabaan niya ako agad.

Napailing na lang ako. Pare-pareho talaga ang mga babae laging nangiiwan sa ere.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora