Chapter 1

15.3K 207 39
                                        

Ako 'yung babaeng never pang nagka-crush. As in.

Siguro sa mga anime characters, oo. Sa mga oppa, artista, singers or fictional.

I came to the point where I even threw myself into a random guy just to experience what it's like to hug someone. Kaso walang spark. Wait, ano ba ang spark in the first place?

Hirap. Nakakainggit yung iba dyan na palagi na lang nagugustuhan pabalik ng crush nila. Badtrip! Kahit sikat yung crush eh napapansin pa rin sila. Yung totoo, ako lang ba napagkaitan ng kagandahan?

"Oh, nakakunot na naman 'yang noo mo dyan." Puna sakin ni Lyza. Isa pa tong babaeng to. Lowkey pumorma, hindi mukhang babae kung kumilos, pero wow! Ligawin ang loka!

Napakamot ako sa ulo at hinarap siya. "Ate, bakit ka ba kasi ligawin? Mas maganda kaya ako!"

Tanging irap lamang ang natanggap ko mula sa kanya at bumalik na siya sa paghuhugas ng pinggan. Napabusangot tuloy ako lalo.

Ano bang pakiramdam ng may magka-crush sayo? Siguro kung may aamin sakin, sasagutin ko kaagad siya kahit hindi pa siya nanliligaw.

"Bunso... ligawin nga ako, hindi naman ako mahal ng mahal ko."

Napatigil ako bigla. "Anong mahal ka dyan, 'te? May crush ka na?!" Mas lalong lumaki ang inggit ko kay Lyza. Tae naman, oh! Lahat na lang ng gusto kong mangyari sakin eh naranasan na niya!

Bugtong hininga. Isang malalim na bugtong hininga ang natanggap ko.

"Bata ka pa talaga."

Matapos ang ilang segundong katahimikang bumalot sa amin ay sakto namang umingay bigla ang bahay. Mukhang dumating na ata si Krista at Julie.

"Hello, hello, hello fam!" Pambungad ni Krista. Ingay.

Tahimik namang pumasok si Julie sa loob ng bahay habang bitbit-bitbit ang mga pinamili. Napailing na lamang ako nang mapansing cellphone lang ang hawak ni Krista.

"Tulungan na kita," mahinang sambit ko kay Julie. Ngiting matamis ang kabayaran ng simpleng pagtulong ko. Hihi, cute talaga ni Julie.

"Oh, Lyza, namili na kami ng pangsigang. Ikaw na bahala." Sumalampak na sa sala si Krista, habang naiwan namang nakatitig ng masama si Julie sa kanya.

"Sa susunod nga, ikaw na lang isasama ko, Nikki. Puro kaartehan kasi ang alam ng isa dyan." Padabog na pumasok sa kwarto si Julie. Pasikreto na lamang akong tumawa dahil mukhang nakikini-kinita ko na ang nangyari kanina sa palengke.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Nov 18, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

SeatmatesHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora