Prologue

8.2K 206 12
                                    


"Jay, nakakailang ulit na tayo dito. Bakit ba hindi mo pa rin makuha? Ayan na yung formula, oh!" Medyo naiinis na ko dito sa lalaking 'to.

Kumamot lang sya ng ulo at ngumiti, "Alam mo namang mahina ako sa math di ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ng ballpen sa ilong, "Aray ko!" Sigaw nya at haplos sa mamula-mulang ilong niya. Napakaputi naman kasi nitong lalaking 'to.

"Ulitin mo! Wag kang tatayo dyan ng di mo nasasagutan ng tama yan" Tumayo ako sa pagkakaupo

"Pero nagugutom na ko..."Paawang anito at himas sa tiyan nitong puro umbok ng abs. Sinamaan ko siya nga tingin. "Oo na, madam." Walang magawa nyang sabi at mapabutong hininga nalang.

Akala mo dyan makakapalag ka sakin.

Naglakad ako papuntang kusina dahil kahit naiinis ako sakanya ngayon, di ko pa rin naman matiis ang damuho. Kumuha ako ng orange juice sa ref at ginawan na rin siya ng sandwich. Pagkatapos ko bumalik na rin ako sa sala at inilapag ang meryendeng ginawa ko. Umupo ako sa tabi niya at tingnan ang math problem na pinapasagutan ko.

"Di mo talaga ako matiis, love mo ko no? Hahahahaha" Nang-aasar nyang saad habang ngumiti ng nakakaloko.

"Tapusin mo na yan, magtatatlong oras na ko dito sa inyo" Kunwaring asar na sabi ko.

"Love mo ko, e." Patuloy pa rin siya sa pangaasar.

"Isa! Gusto ko ng umuwi samin. Baka hinahanap na ko ni nanay." Saway ko at pinanlakihan sya ng mata.

"Di mo ko love? Pano yan love kita?" Biglang seryosong tanong niya.

"Heh!" Tumalikod ako sakanya dahil sa di maiwasang pamumula ng mukha ko at makaramdam kiliti sa sikmura ko.

"Niloloko lang kita, halika na rito sabayan mo kong kumain" Natatawag saad nya at hinila nya ko sa bewang papalapit sakanya.

"Subuan mo ko."Utos nito.

Wala akong nagawa kundi sundin nalang ang utos nito. Kinuha ko ang sandwich at itinapat sa bibig nya. Kumagat sya ng may kalakihan na halos kalahati ang nabawas.

Natawa naman ako sa kadungisan nito dahil kumalat sa palibot ng bibig niya yung mayo.

"Napakabalahura mo talaga kumain kahit kailan" Sabi ko at kumuha ng tissue.

Hinawakan ko siya sa mga panga nya at hinarap sakin. Pinunasan ko ang mga mayo sa labi niya.

Nang matapos na, di ko maiwasan mapatingin sa mukha nya. Gwapo talaga ang loko.

"Nagagwapuhan ka sakin no? Dahil sa pagsisilbi mo sakin, iki-kiss kita" anito

"Para kang si-"

Di ko na natapos ang dapat na sasabihin ko ng bigla nya hinila ang batok ko at pinagdikit ang mga labi naman.

If Ever You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon