Chapter 2: Flashback

71 2 1
                                    

Nakakainis talaga!!

Bakit kasi sa dinami dami ng lugar dito nya pa ako dadalhin. Ihhhh. Bwisit na Draculang to'.

"Ano ba!! Drake!!" Sigaw ko sabay hila sa kamay kong hawak hawak nya parin.

Ang sakit ng kamay ko. Napahigpit kasi yung hawak nya kaya namumula yung kamay ko.

"Hey.. Lena sorry" sabi nya tapos pilit nyang inaabot yung kamay ko pero umuurong lang ako.

"L-lena. Wag ka namang ganyan. Sorry na" he said.

Pilit parin syang lumalapit habang ako humahakbang rin paurong. Wala na akong nagawa ng nacorner nya ako. Nakasandal na ako sa railings habang nakatukod ang mga kamay nya sa magkabilang gilid ko.

"Lena... look at me." Sabi nya. Pero wala na. Naalala ko nanaman.

~~Flashback

Naglalakad na ako nuon papunta sa rooftop ng may marinig akong ingay galing duon.

At dahil curious ako mas binilisan ko yung lakad ko paakyat sa hagdanan.

Medyo bukas yung pintuan kaya kitang kita ng dalawamlng mata ko yung dalawang tao duon.

Yung lalake nakatalikod. Pero parang kilala ko tong likod na to eh. Yung babae naman medyo naka side.

Pinagmasdan kong mabuti yung mukha ng babae at nakilala ko agad ito.

Si Haley. Bestfriend ko magsimula ng mag-aral ako dito.

"No... I know you still love me right?" Sabi ni Haley. Umiiyak na sya nuon. Balak ko na sana silang lapitan dahil pinaka ayaw ko sa lahat eh yung pinapaiyak yung mga taong importante sakin.

"STOP IT HALEY!! this is nonsense!!" Boses palang nya nakilala ko na sya. Kaya pala nagsawa na ako sa kaka-ikot sa buong school pero di ko sya makita. Ngayon kasama nya pala tong bruha kong bestfriend.

Akala ko tong anniversary naming ito ay magiging masaya but it seems like I was mistaken.

Pagtingin ko uli sa kanila.

I was shocked sa nakita ko.

D-Drake's kissing Haley.

What the fvck??

Bakit naniwala nga ba ako sa lalaking ito?

Una palang He's this playboy type. Mahilig sa gulo. In short mayabang na walang ipagmamayabang kundi ang basketball nya.

Aalis nalang sana ako pero nasagi ko yung box malapit sa pintuan. Kaya ang kinalabasan. Huli sa akto.

"L-Lena?"

"Bestie?"

Yan yung sinabi nilang dalawa.

Namumuo na talaga yung luha sa mata ko. Naiinis ako kasi napaka vulnerable ko. Masyado akong transparent.

Konti nalang iiyak na talaga ako pero pilit kong pinipigilan.

Magsasalita pa sana sila pero inunahan ko na sila.

"Bestie, Drake. Grabe ah. Masyado akong na touch sa anniversary gift nyo para sakin. Nahiya naman daw yung girlfriend kasi kasama ni Boyfriend eh yung bestfriend.."

Tuluyan na ngang tumulo yung mga luha ko tuloy tuloy lang ito sa pagpatak.

"No. Baby it's not what you think" sabi pa ni Drake habang papalapit sa akin.

Pero uma-atras lang ako.

"WAG KANG LALAPIT SA AKIN!! Sa surprise talaga ako. Naglihim pa kayo sakin para lang ma surprise ako. Grabe I appreciate it. Alis nako pwede mo na ulit solohin yang Boyfriend ko ha. Drake... Happy Anniversary pala ha."

Tapos binato ko sa kanya yung hawak kong paper bag. Ang saya ko kanina ngayon ang sakit na..

End of Flashback.

"L-lena.. stop crying please"

Sabi nya habang pinupunasan ang magkabilang pisngi ko.

Naalala ko nanaman iyon. Bumabalik lang yung sakit eh.

"Hey. Baby. Hush now. I'm here"

Sabi nya tapos bigla nya akong niyakap ng mahigpit at binigyan ng maliliit na halik sa ulo at sa noo.

"Let go of me."

Mahinahon kong pakiusap sa kanya pero matigas sya. Di sya bumitaw kaya hinayaan ko nalang.

"Hey. Lets talk okay. We'll talk. About everything okay. You'll let me explain right?? I love you Baby"

Sabi nyang muli tumango nalang ako. Gusto ko ng matapos ito.

Lahat ng sakit gusto kong mawala.

Siguro ito rin yung mali ko kaya hanggang ngayon ganito parin katindi yung sakit na nararamdaman ko. Kasi di ko sya binigyan ng chance ma mag explain. Pero ngayon hahayaan ko na sya.

Di ko naman talaga alam if anonv totoong nangyari sa rooftop nuon. Alam kong mali ako kaya tatanggapin ko.

Ayan si Drake....

My DraculaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon